Skip to content
Free forever

Free forever Facebook ad: “Bagong librong mainit. Libre, libre, libre!”

Ran for 52 days, from August 6 to September 27, 2026, the last day Crush saw it.

Run by Free forever on Facebook. Crush is not the advertiser and does not verify its claims. See this ad in Meta's Ad Library(opens in a new tab)

Want an ad like this for your product?

Crush makes new ad images for your product from this ad: your logo, your product photo, your offer.

Trials from $19.95 USD, then $79.95 USD a month. Cancel anytime.

About this ad

Meta Ad Library ID
1046325744919736
Platforms
Facebook, Instagram, Audience Network, Messenger and Threads
Relaunches
1
EU reach
969

How we count

Ad text

"Ahhh!!!! Mikael... Pakiusap... huwag..." Umungol si Marikit, ngunit hindi pinansin ng lalaki ang kanyang pagmamakaawa at paulit-ulit na ipinasok ang kanyang matigas at napakalaking ari sa maputik at namamagang butas niya. Hindi inaasahan ni Marikit na limang taon pagkatapos ng diborsyo, nang bumalik siya bilang isang bilyonaryong negosyante at maging babaeng pinag-aagawan ng mga elite bachelor sa Pilipinas, mahigpit siyang idiniin sa kama ng ex-husband at masidhing pakikipagtalik. Sa susunod na segundo, biglang pumasok si Mikael ng ari sa pinakamalalim katawan niya, at pinupuno siya ng mainit na semilya, at bumulong— "Alam mo ba baby, Hindi ko pa pinipirmahan ang papeles ng diborsyo, at asawa pa rin kita!" ANIM na buwan nang buntis si Marikit Valejo nang mahuli niya ang sariling asawa na may ibang babae sa mismong araw ng prenatal checkup niya. Malamig ang hangin sa labas ng St.Andreas Medical Center sa BGC.Mahigpit niyang hawak ang brown envelope na naglalaman ng ultrasound at laboratory results habang unti-unting namumutla ang mga daliri niya. Sa harap niya,isang matangkad at guwapong lalaki na nakasuot ng mamahaling black overcoat ang maingat na nakayakap sa isang babae.Napakaganda nito. Maliit ang mukha,maputi ang balat,at nakasuot ng puting satin sleeveless dress na lalong nagpalambot sa inosente nitong itsura.Namumula pa ang pisngi nito dahil sa mainit na panahon habang maingat na inaayos ng asawa niyang si Mikael ang buhok ng babae. Napaka-gentle ng ekspresyon nito,napakalayo sa malamig na tinging palaging ibinibigay nito kay Marikit.Nang mga sandaling iyon ay parang biglang nanikip ang dibdib niya.Ang mainit-init na sa simoy ng hangin ay lalo pang nagpasakit sa nararamdaman niya. Ilang sandali pa'y sa wakas ay mapansin ni Mikael ang asawa mula sa di kalayuan.Ngunit walang kahit anong guilt ang makikita sa mukha nito matapos mahuling may kasamang ibang babae.Nanatili itong kalmado habang personal pang binubuksan ang pinto ng Rolls-Royce para sa babae. Napaka-gentleman,napaka-sweet.Parang hindi ito ang parehong lalaking halos hindi siya halos tinitingnan sa loob ng bahay. Mayamaya pa'y napalingon ang babae kay Marikit bago bahagyang kumunot ang noo nito. “Baby,kilala mo ba’yung losyang na nakatingin dito?” Napatigil si Marikit sa narinig.Parang may matalim na bagay na marahas na bumaon sa dibdib niya. “Losyang.” Hindi man niya narinig nang malinaw,nabasa niya iyon sa galaw ng labi ng babae.Mapait siyang napangiti.Twenty-four years old pa lang siya.Pero sa hitsura niya ngayon,kahit sino sigurong makakita ay iisiping nasa trenta o kwarenta na siya.Malayong malayo sa pangalang niyang“Marikit.” Manas ang katawan niya dahil sa pagbubuntis.Halos hindi na rin mawala ang eyebags sa ilalim ng kaniyang mga mata dahil sa stress at puyat.Nakasuot lamang siya ng simpleng black maternity dress,makapal na longsleeve,at cap na hindi man lang maayos ang pagkakasukbit. Samantalang ang babaeng kasama ni Mikael ay mukhang bagong labas sa luxury magazine shoot.Natural na hindi sila maikukumpara. Tahimik lamang si Mikael habang inaalalayan na pumasok ang babae sa sasakyan.Ni hindi man lang siya nito kinausap,na para bang hangin lang siya. Nanatiling nakatayo si Marikit habang unti-unting umaandar palayo ang sasakyan.Pakiramdam niya,may kung anong dahan-dahang nadudurog sa loob ng dibdib niya ng mga oras na iyon.Pinakasalan siya ni Mikael dahil nabuntis siya.At alam iyon ng buong pamilya Altaverde. Para sa isang lalaking katulad ni Mikael Altaverde na kilala bilang genius businessman at tagapagmana ng Altaverde Corporation,ang kasal nila ay isang malaking mantsa.Mas lalo na ang batang dinadala niya.Isa iyong responsibilidad na ayaw tanggapin ng lalaki. Walong taon niyang minahal si Mikael.Mula pa noong college.Tahimik siyang sumunod sa mga yapak nito habang pilit inaabot ang mundong ginagalawan nito.Nag-aral siya nang mabuti,nagpuyat,at halos ubusin ang sarili para lang maging karapat-dapat sa tabi ng lalaking iyon. Hanggang sa kalaunan,naging executive assistant siya ni Mikael.At sa loob ng maraming taon,naging sentro ng mundo niya ang lalaki.Ngunit isang gabi lang ang sumira sa lahat—ang gabing nabuntis siya. Hindi niya kailanman makakalimutan ang tingin ni Mikael sa kaniya matapos ang gabing iyon.Punong-puno ng disgusto.Na para bang napakarumi niyang babae. Tahimik na tumulo ang luha ni Marikit habang inaalala iyon.Siguro nga,mas bagay kay Mikael ang mga babaeng elegante at magaganda.Hindi katulad niya. Biglang kumirot ang ibabang bahagi ng tiyan niya ng mga oras na iyon.Napahawak siya rito habang mabilis na sumandal sa marmol na poste malapit sa entrance ng ospital. “Ma’am!”Agad siyang inalalayan ng isang nurse na napadaan nang makita siya.“Mukha po kayong nahihilo.Come with me.” Hindi na nakatanggi pa si Marikit nang dalhin siya nito pabalik sa examination room.Thankfully,walang nangyaring masama sa baby.Sumakit lamang ang tiyan niya dahil sa matinding emotional stress. Matapos ang checkup,mag-isa siyang nagmaneho pauwi sa villa ni Mikael sa Ayala Alabang.Tahimik ang buong bahay pagdating niya.Dalawang kasambahay mula sa old residence ng mga Altaverde ang kasalukuyang kumakain sa dining area habang nagkukuwentuhan. Nang marinig ang pagbukas ng pinto,agad napalingon ang isa sa kanila,ito ang nagsisilbing tagapag-alaga niya. “Kumusta ang checkup?”malamig ang tono nito.Walang respeto.Parang hindi siya ang legal na asawa ng amo nila. Malamig lamang siyang tiningnan ni Marikit bago dumiretso sa hagdan.At dahil sa inasal niya ay nainis naman ang babae. “Kinakausap kita,”sabi pa nito na bakas ang iritable sa tinig.Tagapag-alaga lang niya ito pero kung umasta ay parang ito pa ang boss. Subalit hindi pa rin lumilingon si Marikit at nagtuloy-tuloy lang siya sa pag-akyat.At bago pa siya tuluyang makalayo,narinig pa niya ang sinabi nito na para bang sinasadya na iparinig iyon sa kanya. “Kala mo talaga totoong Mrs.Altaverde.Mukha namang buntis na balyena.Ano bang ipinagmamalaki niya?” Saglit na napapikit si Marikit,pero hindi na siya sumagot pa.Ayaw niya ng stress kaya diretso na lang siyang pumasok sa kuwarto,at dahan-dahan naupo sa gilid ng kama. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa kawalan.Hindi siya kailanman tinanggap ng pamilya Altaverde,alam niya iyon.Pinakasalan siya ni Mikael dahil iyon ang gusto ng matandang Altaverde noong panahong malubha ang kondisyon nito.Nagkataon ding buntis siya noon kaya naniwala ang pamilya na baka magdala iyon ng swerte sa matanda. At totoong gumaling ang matandang Altaverde matapos ang kasal nila.Doon lamang bahagyang nagbago ang pakikitungo sa kaniya ng matriarch ng pamilya.Pero ang iba?Nanatiling mababa ang tingin sa kaniya. Maya-maya,tumunog ang cellphone ni Marikit.Napabalik siya sa realidad nang makita ang caller ID,si Professor Kent Morales.Agad niya iyong sinagot. “Professor.” “Marikit,may available slot para sa doctoral program sa Stanford.Gusto mo bang kunin?” Natahimik siya nang matagal.Alam ni Professor Morales kung gaano niya kamahal si Mikael at kung gaano siya katagal naghintay para mapansin nito.Kaya marahil hindi rin nito inasahang papayag siya.Ngunit matapos ang mga nangyari ngayong araw ay biglang natauhan si Marikit. “I’ll take it.” Napatahimik sa kabilang linya si Professor Morales bago ito muling nagsalita. “Then report to my office tomorrow at ten in the morning.” “Okay po.” Pagkababa ng tawag,napabuntong-hininga si Marikit.Pakiramdam niya,unti-unti nang luminaw ang isip niya matapos ang mahabang panahon. ‘Hindi ka mamahalin ng lalaking kailanman ay hindi ka pinili.’ ‘Hindi magiging masaya ang batang isinilang mula sa isang relasyong puno ng pagpilit...’ Paulit-ulit niyang sinasabi iyon sa sarili na para bang isang orasyon,hanggang sa isang tawag muli ang nagpabalik sa kanya sa wisyo.Ang tumatawag naman ay ang matriarch ng pamilya Altaverde at pinapapunta siya sa old mansion.Marahil dahil nalaman na nito ang gender ng bata.Isa itong babae. --- MATAPOS maligo at ayusin ang sarili,nagsuot si Marikit ng light pink maternity dress at puting beret.Kahit paano ay nagmukha siyang mas maayos.Pababa na sana siya upang magmaneho nang makatanggap muli siya ng tawag mula kay Mikael. “Come out.” Malamig pa rin ang boses nito at walang mababakas na emosyon kaya bahagyang natigilan si Marikit bago sumagot. “Okay.” Paglabas niya ng villa,nakita niya agad ang itim na Rolls-Royce sa tapat.Ang parehong sasakyang sinakyan ng ibang babae ilang oras pa lamang ang nakakalipas. Huminga siya nang malalim bago sumakay.Agad bumungad sa kaniya ang sweet scent sa loob ng sasakyan na marahil ay pabango ng babae nito.May pink teddy bear pa sa backseat.At sa pulso ni Mikael,naroon ang pink hair tie ng babae. Tahimik na umiwas ng tingin si Marikit habang kinakabit ang seatbelt kahit pa parang dinudurog ang puso niya ng mga sandaling iyon. Mabagal na umandar ang sasakyan habang tahimik lamang siyang nakatingin sa labas bintana.Noon,palagi siyang naghahanap ng topic para makausap si Mikael tuwing magkasama sila.Pinipilit niyang mapalapit dito kahit malinaw namang hindi siya gusto ng lalaki. Akala kasi niya,basta maging mabuting asawa at mabuting ina siya,balang araw ay lilingon din ito sa kaniya.Subalit masyado pala siyang naging tanga. Ilang sandali pa'y biglang nagsalita si Mikael. “Ano ang sabi ng doctor?” Hindi siya lumingon nang sumagot.“Babae ang bata.” Tahimik ang lalaki sa loob ng ilang segundo bago malamig na nagsalita.“Magdi-divorce tayo pagkatapos mong manganak.” Parang biglang tumigil ang mundo ni Marikit sa narinig.Mahigpit niyang kinuyom ang mga kamay sa ibabaw ng tiyan.Masakit pa rin pala,kahit alam na niyang darating ang araw na iyon. Mabagal naman siyang tumango saka sumagot ng,“Okay.” Saglit siyang tiningnan ni Mikael.Bahagyang nagbago ang ekspresyon nito na para bang hindi nito inaasahang ganoon lang kadali siyang pumayag. May pinaplano kaya si Marikit? BAHAGYANG nanatili ang tingin ni Mikael kay Marikit matapos nitong pumayag nang ganoon kadali.Parang may kung anong gustong hanapin ang lalaki sa mukha niya,ngunit wala itong nakita kundi katahimikan.Hindi na rin ito nagtanong pa.Muli lamang itong tumingin sa harapan habang nagpapatuloy sa pagmamaneho ang driver. Sa loob ng sasakyan,tanging mahinang tunog lamang ng air conditioner ang maririnig.Tahimik na ibinaba ni Marikit ang tingin sa sariling tiyan bago muling nagsalita. “Monday naman bukas,”mahina niyang sabi.“Kung may free time ka sa hapon…baka puwede na nating asikasuhin nang mas maaga’yung annulment papers.” Bahagyang kumunot ang noo ni Mikael. “Hindi rin naman aabutin agad’yon.May process pa after filing.”Pilit niyang pinanatiling kalmado ang boses.“Mas okay na ring maaga.” Tahimik na tumingin si Mikael sa kaniya.Walang emosyon ang gwapong mukha nito ngunit bakas ang pagsusuri sa mga mata nito.Parang nagtataka kung bakit bigla siyang naging ganoon kadaling bumitaw. Ilang segundo pa ang lumipas bago ito malamig na nagsalita. “Sabihin mo na lang kung anong oras.” Mabagal na tumango si Marikit at hindi na nagsalita pa.Itinuon na lang niya ang paningin sa labas ng bintana. --- HINDI nagtagal ay tuluyan nang pumasok ang Rolls-Royce sa napakalawak na gate ng Altaverde Mansion sa Forbes Park.Agad bumungad ang engrandeng ancestral mansion ng pamilya Altaverde. Maliwanag ang buong paligid.Nakahilera ang mamahaling sasakyan sa driveway habang abala ang mga kasambahay sa loob ng mansyon. At alam ni Marikit kung bakit sila pinapunta roon.Dahil sa batang dinadala niya.Sa pamilya Altaverde,halos puro lalaki ang ipinapanganak sa bawat henerasyon. Ang matriarch ng pamilya na si Doña Esperanza Altaverde ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki.Ang panganay nitong si Alejandro Altaverde ay may dalawang anak ding lalaki.Samantalang ang bunsong anak nito na si Roberto Altaverde ay iisang anak lamang—si Mikael. Kaya naman nang malaman ng pamilya na babae ang magiging anak ni Marikit,labis iyong ikinatuwa ng matanda. Pagkapasok nila sa loob ng mansion,agad silang sinalubong ng head maid. “Nandito na po sina Sir Mikael at Ma’am Marikit.” Mabilis na lumapit si Doña Esperanza.Nang makita ang tiyan ni Marikit,bahagyang luminaw ang mukha ng matanda. “Come here,hija.” Tahimik namang lumapit si Marikit. “Confirmed na babae ang baby?” “Opo,Grandma.” Agad namang napangiti ang matanda.“Napakagandang balita.” Maging si Don Emilio Altaverde ay mukhang gumaan ang pakiramdam matapos marinig iyon. “Finally,”natatawa nitong sabi,“magkakaroon na rin tayo ng little princess sa pamilya.” May ilan pang kamag-anak ni Mikael ang naroon sa sala.Isa na roon si Veronica Altaverde,asawa ng pinsan ni Mikael.Bahagya itong ngumiti kay Marikit. “Congrats.” Ngunit kahit nakangiti ito,ramdam pa rin ni Marikit ang malamig na pagsusuri ng babae sa kaniya.Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa.Marikit knew exactly what they were thinking.Hindi siya bagay sa pamilya Altaverde. Sa magandang mood ni Doña Esperanza,agad nitong pinakuha ang isang velvet jewelry box.Pagkabukas nito,tumambad ang mamahaling jade bracelet. “Para sa’yo,”sabi ng matanda. Bahagyang natigilan si Marikit.“Grandma,hindi na po kailangan—” “Kunin mo na,”sabat agad ni Veronica.“Bigay’yan ni Grandma.” May bahagyang iritasyon sa tono nito na para bang naiirita sa pagtanggi ni Marikit. Tahimik na lamang siyang tumango.“Thank you po.” “Take care of yourself,”sabi ni Doña Esperanza habang nakatingin sa tiyan niya.“Ang importante ay healthy ang baby.” Mabagal na ngumiti si Marikit.Ngunit alam niyang hindi para sa kaniya ang kabaitan ng matanda,kundi para sa batang dinadala niya. Matapos ng kaunting huntahan ay nagtungo na rin sila sa dining area para maghanda ng hapunan.Subalit biglang tumunog ang cellphone ni Mikael at agad naman nitong sinagot ang tawag.At sa unang pagkakataon buong gabing iyon,lumambot ang malamig nitong mukha. May bahagyang ngiti sa labi nito habang kausap ang nasa kabilang linya.Punong-puno ng gentleness ang mga mata nito.Parang ibang tao. Tahimik na napatitig si Marikit sa lalaki. “Have you eaten already?”tanong ni Mikael sa mahinang boses. Ilang segundo itong natahimik bago bahagyang natawa. “Ang kulit mo.” Nakapakalmado at lambing ng tono nito ng mga sandaling iyon. Walong taon niyang minahal si Mikael.Ngunit ni minsan,hindi siya kinausap ng lalaki nang ganoon.Pero nang mga sandaling iyon,para bang maingat at mahalaga rito ang kausap. “I’ll go there now,”dugtong pa ni Mikael bago ibaba ang tawag. Agad napansin iyon ni Doña Esperanza. “Paalis ka?” “I have somewhere to be.” Bahagyang kumunot ang noo ng matriarch. “Kakauwi mo lang.” Ngunit nanatiling kalmado si Mikael habang isinusuot muli ang coat nito. “Important.” Pagkatapos sabihin iyon,tuluyan na itong naglakad palabas.Habang papalayo ang lalaki,hindi man lang nito nilingon si Marikit.Tahimik na lamang siyang napatitig sa direksiyong nilisan nito.At sa gabing iyon,saka niya tuluyang na-realize...na kahit kailan,hindi siya naging espesyal kay Mikael Altaverde. Bago umalis,muling ipinatawag si Mikael nina Don Emilio at Doña Esperanza sa study room.Tahimik lamang na nakaupo roon ang matandang mag-asawa habang seryosong nakatingin sa apo nila. “Mikael,”panimula ni Doña Esperanza,“alam naming hindi mo mahal si Marikit.” Nanatiling tahimik si Mikael.Ngunit bahagyang nagsalubong ang makakapal nitong kilay. “Pero malapit nang dumating ang bata,”dugtong ng matanda.“At si Marikit ay educated,mabait,at tahimik.She’s suitable to become the mother of your child.” Nanatiling malamig ang ekspresyon ni Mikael,kaya muli namang nagsalita si Don Emilio. “Hindi puwedeng masira agad ang kasal ninyo.Maraming nakatingin sa pamilya ngayon.Kung talagang ayaw mo sa kaniya,saka mo na ayusin pagkatapos lumaki nang kaunti ang bata.” “Yes,”dagdag pa ni Doña Esperanza.“Hindi madaling maging Mrs.Altaverde.Kailangan niyang matutunang panatilihin ang posisyon niya.” Tahimik na nakinig si Mikael bago marahang tumango.“I understand.” --- SAMANTALA,nasa veranda naman si Marikit nang muling lapitan siya ni Doña Esperanza makalipas ang ilang sandali. “Mikael had to leave early,”sabi ng matanda.“May urgent matter daw sa company.” Mabagal siyang tumango.“Okay po.” Bago siya umalis ng mansion,muli siyang pinagsabihan ng matanda. “Marikit,kailangan mong alagaan ang sarili mo.Hindi puwedeng pabayaan mo ang katawan mo nang ganiyan.” Tahimik lamang siyang nakinig. “Noong panahon namin,kahit buntis kami,sumasama pa rin kami sa mga business event ng asawa namin.You have to learn how to maintain yourself.” Bahagyang nagbaba ng tingin ni Marikit.Alam niyang may ibang ibig sabihin ang matanda.Ikinahihiya siya ni Mikael “At higit sa lahat,”dugtong pa nito,“huwag mong hayaang mawala ang sarili mo.” Mabagal siyang tumango.“I understand,Grandma.” --- NANG gabing iyon,hindi inaasahan ni Marikit na uuwi si Mikael sa villa.Nagulat siya nang makita ang lalaki na paakyat ng hagdan habang tinatanggal ang necktie nito. “You’re home…” Hindi man lang siya nito tiningnan nang magsalita.“Make me hangover soup,”malamig nitong utos.“Dalhin mo sa study room.”Pagkatapos sabihin iyon ay dumiretso na ito sa taas. Tahimik na lamang na nagtungo si Marikit sa kusina.Sanay na siya sa ugali nito.Kaya sa halip na sumama pa ang loob ay sinunod niya ang utos nito.At makalipas ang ilang minuto,maingat niyang inilapag ang mangkok ng sabaw sa study room. Tahimik na nagbabasa ng documents si Mikael habang nakaupo sa swivel chair nito.Gwapo pa rin ito,cold,at distant. Hindi na siya nagsalita pa at tahimik na lamang na lumabas ng study room.Kahit umuwi si Mikael,hiwalay pa rin sila ng kuwarto.Nasa master bedroom ang lalaki habang si Marikit ay nasa guest room sa first floor.At nasanay na siya sa ganoong set-up. --- KINABUKASAN,maagang naghanda ng breakfast ang mga kasambahay dahil nasa bahay si Mikael.Tahimik itong nakaupo sa dining table ngunit napansin agad nitong wala si Marikit. Dati,si Marikit mismo ang naghahanda ng breakfast niya at nag-aayos ng damit nito bago pumasok sa trabaho.Ngayon,wala kahit isa roon. “Nasaan siya?”malamig nitong tanong. Agad namang nagsalita si Aling Lydia,ang kasambahay na tagapag-alaga ni Marikit. “Naku,Sir Mikael,ang hirap na pong pakisamahan ni Ma’am ngayon.Ayaw bumangon,ayaw kumain kasama namin.Kapag tinatanong naman kung ano gustong kainin,hindi sumasagot.” Bahagyang kumunot ang noo ni Mikael.“Puntahan mo.” “Yes,sir.” Pagpasok ni Aling Lydia sa kuwarto,nadatnan nitong gising na si Marikit habang tahimik na nakaupo sa sofa. “Wow,”may halong pang-iinsultong sabi nito.“Talagang hinihintay pang sunduin.” Mabagal na nag-angat ng tingin si Marikit.“At kung hindi ako ang young madam dito,”malamig niyang tanong,“ikaw ba?” Natigilan si Aling Lydia.Hindi nito inaasahang sasagot si Marikit. “If you continue disrespecting me,”dugtong pa ni Marikit,“ako mismo ang magsasabi kay Grandma.” Namula sa inis ang mukha ng babae ngunit wala itong nagawa.“Sir Mikael is waiting.” Tahimik na tumayo si Marikit bago nagtungo sa dining area.Pagdating niya roon,agad siyang tiningnan ni Mikael.Nakasuot lamang siya ng simpleng white knitted dress na halos ma-stretch na dahil sa laki ng tiyan niya.Mabagal din siyang maglakad dahil sa bigat ng katawan. Tahimik siyang naupo sa pinakamalayong upuan.Ngunit maya-maya,malamig na nagsalita si Mikael. “Sina Aling Lydia ang matatandang kasambahay ng pamilya.Hindi porket buntis ka,lahat na lang kailangang umikot sa’yo.” Bahagyang humigpit ang hawak ni Marikit sa kutsara.‘Hindi porket buntis ka...’Napakasimple para sabihin iyon ng lalaking hindi kailanman dumanas ng pagbubuntis. Tahimik niyang hinalo ang lugaw bago sumagot.“Kung ayaw nila akong asikasuhin,puwede naman silang bumalik sa mansion.Kaya ko naman ang sarili ko.” Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Mikael.Alam ni Marikit ang ibig sabihin niyon.Hindi nito gusto na sinasagot siya. “I’m reminding you,”malamig nitong sabi.“I’m not asking for your opinion.” Tahimik na lamang siyang yumuko. Pagkatapos ng breakfast,umalis si Mikael.Samantalang si Marikit ay nagtungo naman sa University of the Philippines Business Center upang makipagkita kay Professor Lucas Reyes. Pagdating niya sa opisina,marahan siyang kumatok sa pinto.Sa loob,nadatnan niya isang gwapong lalaking nasa late twenties na nakasuot ng suit at rimless glasses ang nakaupo habang may binabasang documents. Si Kent Morales—ang pinakabatang finance professor ng unibersidad at isa sa mga kilalang pangalan sa financial industry. Ano ang magiging papel nito sa buhay ni Marikit? BAHAGYANG natigilan si Professor Kent Morales nang mag-angat ito ng tingin at makita ang babaeng nakatayo sa pintuan.Halos hindi niya agad nakilala si Marikit.Hanggang sa ito na mismo ang nagsalita. “Professor.” Doon lamang tuluyang natauhan si Kent bago bahagyang ngumiti. “Marikit.”Mabilis nitong isinara ang hawak na documents at tumayo mula sa swivel chair.“It’s been a while.” Tahimik na tinanggal ni Marikit ang suot na face mask bago pumasok sa opisina.“It’s been a long time,Professor.” Masuyong ngumiti si Kent habang pinagmamasdan ang dating estudyante.Halatang nagulat pa rin ito sa malaking pagbabago ng babae. “I almost didn’t recognize you.” Bahagyang natawa si Marikit ngunit puno iyon ng pait.“To be honest,nahihiya nga akong humarap sa inyo sa ganitong itsura ko.” Mabagal na umiling si Kent.“Pregnancy changes a woman’s body.Normal lang’yan.”Lumapit ito sa maliit na coffee table at nagsalin ng maligamgam na tubig sa baso.“Sit down first.” Tahimik na naupo si Marikit sa sofa habang maingat na hawak ang tiyan.Iniabot ni Kent ang baso sa kaniya. “Warm water.” “Thank you.” Bahagyang bumaba ang tingin ng lalaki sa nakaumbok niyang tiyan.“How many months?” “Twenty-five weeks.” Tumango si Kent.“Then next semester…halos kasabay na ng due date mo.” Bahagyang natigilan si Marikit bago marahang nagsalita.“Professor…possible po bang ma-delay muna nang kaunti ang enrollment ko?” Natahimik si Kent.Alam nitong hindi basta-basta bibitaw si Marikit sa pagkakataong iyon kung hindi talaga mahalaga. “Why?”direkta nitong tanong. Tahimik na ibinaba ni Marikit ang tingin sa basong hawak.“After kong manganak…makikipaghiwalay na si Mikael sa akin.”Direkta ngunit kalmado ang boses niya.“Ayaw ko nang ipagpatuloy pa’yung relasyong wala namang patutunguhan.I want to start over.” Tahimik na napabuntong-hininga si Kent.Kitang-kita nito kung gaano nagbago si Marikit.Dati,napakaliwanag ng mga mata nito,masayahin,ambitious,and confident.Subalit ngayon,para bang napagod na ito sa buhay. “I’m glad natauhan ka rin finally,”mahinahon nitong sabi.“You and Mikael were never a good match.” Tahimik lamang na nakinig si Marikit.Masakit sa dibdib na marinig niya ang bagay na iyon,kahit alam niyang totoo naman. “You deserve someone who will genuinely love you.” Bahagyang kumurap si Marikit bago marahang tumango.Noon pa man,tutol na si Kent nang piliin niyang maging assistant ni Mikael pagkatapos ng graduation.Pero sobrang mahal niya ang lalaki kaya hindi siya nakinig.At heto siya ngayon,wasak. Ilang sandali pa’y muli siyang nagsalita.“Professor…” “Hmm?” “Anong klaseng tao ba si Mikael…sa tingin ninyo?” Bahagyang natahimik si Kent bago sumandal sa sofa.“Mikael Altaverde is the type of man who will do anything to achieve what he wants.”Malamig at diretso ang boses nito.“He prioritizes power,control,and results.A person like that…”saglit itong huminto,“rarely understands love.” Tahimik na napangiti si Marikit.“Gan’on ba…” Ngunit hindi iyon ang nakita niya kahapon.Malamig si Mikael sa kaniya pero napakabait nito sa ibang babae,sweet,at gentle.Kapag pala totoong mahal mo ang isang tao,kusa kang lumalambot.At malinaw na hindi siya ang babaeng iyon para kay Mikael. Hindi na nagtanong pa si Marikit matapos marinig iyon. “Don’t worry,”sabi ni Kent.“I’ll help you process the deferred enrollment.” Agad siyang napatingin dito.“Thank you,Professor.” Maya-maya ay pinasagutan siya nito ng ilang documents at application forms.Tahimik lamang na nagsusulat si Marikit.Pagkatapos ng ilang minuto,muling nagsalita si Kent. “What about the baby?” Bahagyang natigilan si Marikit at nag-angat ng tingin. “Anong mangyayari kapag ipinanganak na siya?” Mabagal siyang napangiti ngunit halatang pilit iyon.“Kukunin siya ng pamilya Altaverde.” Wala siyang choice.Imposibleng hayaan ng mga Altaverde na mailayo sa kanila ang unang babaeng apo ng pamilya.At kahit gustuhin man niyang isama ang anak…wala siyang laban sa kapangyarihan ng mga iyon. Bahagyang tumango si Kent,at hindi na ito nagtanong pa.Pero maya-maya ay muling nagsalita ang lalaki. “I actually need an assistant for a month habang may inaasikaso akong project.” Bahagyang nag-angat ng tingin si Marikit. “Would you like to work for me?” Halos hindi na siya nagdalawang-isip pa ng sumagot.“Yes.” Kailangan niya ng bagong distraction.Kailangan niyang mahanap ulit ang dating sarili.Mula nang mabuntis siya,unti-unti siyang inalis ni Mikael sa importanteng trabaho sa Altaverde Corporation hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng silbi roon. From executive assistant…to nobody.Kaya ngayon,gusto niyang bumangon ulit. Makalipas ang ilang oras,nanatili si Marikit sa opisina ni Kent bilang temporary assistant nito.At surprisingly,mabilis siyang nakapag-adjust.Sanay siya sa pressure.Sanay siya sa trabaho. Habang abala sa pag-aayos ng financial reports at schedules,unti-unti niyang naramdaman ang bagay na matagal nang nawala sa kaniya—ang sarili niya. Tama si Kent.Hindi dapat umiikot lang sa pag-ibig ang mundo niya.May pangarap siya bago dumating si Mikael.At gusto niyang balikan iyon. Kinagabihan,hindi umuwi si Mikael.Katulad ng madalas nitong gawin.Ngunit ngayon ay wala na siyang pakialam... --- KINABUKASAN,maaga siyang nagtungo sa Altaverde Corporation dala ang printed resignation letter.Ang Altaverde Corporation ang may hawak sa banking,investment,at finance industries ng pamilya.At si Mikael Altaverde mismo ang namamahala sa lahat ng iyon. Sa murang edad,nagawa nitong palawakin pa ang kapangyarihan ng kompanya.Kaya naman halos lahat at kinatatakutan ito at hinahangaan. Pagdating ni Marikit sa building,eksakto namang kabababa lang ni Mikael mula sa itim nitong Bentley.Naka-charcoal suit ito habang walang emosyon na naglalakad papasok sa building.Gwapo,matalino,makapangyarihan.Parang lalaking hindi kayang abutin ninuman. “Good morning,President Altaverde.” Sunod-sunod na yumuko ang mga empleyado. Mabilis namang umiwas ng tingin si Marikit at bahagyang umurong.Ngunit dumaan lamang si Mikael sa harapan niya na para bang hindi siya nakita.Parang estranghero. Matapos niyon ay diretsong nagtungo si Marikit sa secretary department at inilapag ang resignation letter sa mesa ni Samantha Ruiz.Dating assistant lamang niya si Samantha,pero ngayon,ito na ang executive secretary ni Mikael.Minsan talaga,mabilis magbago ang panahon. Tahimik na binasa ni Samantha ang resignation letter bago dahan-dahang umangat ang tingin kay Marikit.Bahagyang bumaba ang tingin nito sa tiyan niya bago ngumisi. “At least marunong ka ring tumingin sa salamin,”saad nitong puno ng pang-uuyam.“Huwag mong isipin na dahil nabuntis ka,magiging bahagi ka na ng pamilya Altaverde.” Tahimik lamang si Marikit habang nakikinig. “Alam mo ba kung anong klase ng pamilya meron sila?”patuloy pa ni Samantha.“Hindi sapat na magkaanak ka para makapasok sa mundo nila.” Mariing hinigpitan ni Marikit ang hawak sa bag ngunit nanatiling kalmado ang mukha niya.Dahil walang nakakaalam sa kompanya na siya ay legal na asawa na ni Mikael Altaverde... Sa panigin ng iba,isa lang siyang babae na ginamit ang katawan at nagpabuntis kay Mikael Altaverde.Subalit walang nakakaalam na darating ang araw na babaliktan ang sitwasyon... Na si Mikael naman ang maghahabol at magmamakaawa na balikan niya... MATAPOS iwan ni Marikit ang resignation letter kay Samantha Ruiz,tahimik siyang bumalik sa workstation niya.Ngunit tulad ng dati,hindi doon natapos ang pagpapahirap sa kaniya. “Pakitapos nitong financial analysis ng Xandric before lunch,”malamig na utos ni Samantha habang walang pakialam na ibinabagsak ang makapal na folder sa mesa niya. Bahagyang bumaba ang tingin ni Marikit sa documents.Hindi na niya trabaho iyon.Isa na lamang siyang ordinaryong secretary staff matapos siyang tanggalin ni Mikael bilang executive assistant. Ngunit simula nang mailipat siya sa mababang posisyon,halos lahat ng trabahong ayaw gawin ng iba ay sa kaniya ibinabato ni Samantha.At tahimik niya lamang iyong tinatanggap. Dahil noon,akala niya…kapag mas nagsumikap siya,baka kahit paano ay lingunin siya ni Mikael.Ngayon,alam niyang niloloko lang niya ang sarili niya. Tahimik na nagsimula si Marikit sa paggawa ng report.Halos hindi siya tumigil hanggang sa matapos niya ang analysis report bago mag-lunch break.Pagkatapos ma-print ang hard copy at ma-send ang soft copy,maayos niya iyong inilapag sa mesa ni Samantha. Saka lamang siya umorder ng pagkain online.May executive cafeteria ang Altaverde Corporation,ngunit hindi na siya pumupunta roon.Ayaw niya sa mata ng mga tao.Ayaw niya sa mga bulungan.Mas lalong ayaw niyang makita kung paano siya tingnan ng iba ngayon. Kaya mas pinipili niyang mapag-isa. Habang naghihintay siya ng delivery,nagsimula namang bumalik ang ilang empleyado mula lunch break.At tulad ng dati,ang topic nila ay si Mikael Altaverde. “Oh my God,nakita mo ba girlfriend ni Sir Mikael?” “Super bata niya!Mukha talagang college student!” “At sobrang ganda!Parang porcelain doll!” “Grabe rin tumingin si Mr.Altaverde sa kaniya.Ang sweet!Akala ko wala nang emotions’yon!” “Parang real-life CEO romance movie!” Sunod-sunod ang kilig ng mga babae habang nagkukuwentuhan. Tahimik lamang na nakaupo si Marikit habang nakayuko.Hindi siya nakisali.Hindi rin siya nagsalita.Simula nang mailipat siya sa secretary department,halos wala na siyang kinakausap kundi tungkol sa trabaho. Palagi rin siyang naka-face mask kaya lalong naging mailap sa kaniya ang mga tao.Halos hindi na nila makilala ang dating eleganteng executive assistant ni Mikael Altaverde. Makalipas ang ilang minuto,tumawag ang rider kaya bumaba si Marikit para kunin ang inorder niyang pagkain.Pagdating niya sa lobby,eksakto namang may dalawang hotel staff na may dalang mamahaling wine at pagkain. “Private elevator po for President Altaverde,”sabi ng receptionist habang ini-swipe ang exclusive elevator access card. Tahimik na napatingin si Marikit sa bote ng red wine.Halos dalawang milyon ang halaga niyon.At kay Mikael,halos wala lang iyon. Mahigpit niyang niyakap ang paper bag ng inorder niyang pork sisig rice bowl bago muling sumakay ng elevator paakyat. --- EKASAKTONG alas dos ng hapon nang muling lumapit si Samantha sa kaniya. “The president is looking for you.” Bahagyang nanlamig ang katawan ni Marikit.Bigla siyang kinabahan. At hindi nga siya nagkamali.Pagkapasok niya sa presidential office,agad niyang naramdaman ang napakabigat na atmosphere sa loob—malamig at nakakasakal. Tahimik siyang lumapit sa desk nito.“President Altaverde.” Mabagal na nag-angat ng tingin si Mikael.At sa sumunod na segundo,marahas nitong inihagis ang hawak na documents diretso sa mukha niya. “What kind of report is this?” Napasinghap si Marikit nang tamaan ng matalim na papel ang pisngi niya.Agad namang kumalat sa sahig ang documents.Kasama roon ang financial analysis report na ginawa niya buong umaga. Napahawak siya sa tiyan bago dahan-dahang yumuko upang pulutin ang mga papel.Tahimik siyang napapangiwi dahil sa bigat ng tiyan habang isa-isang pinupulot ang documents sa sahig. Malamig lamang siyang pinagmamasdan ni Mikael.Pagkatapos masuri ni Marikit ang report,agad niyang napansin ang problema.May binagong figures.Hindi iyon ang original file niya. “President Altaverde…”mahina ngunit malinaw niyang sabi,“this isn’t the report I submitted.” Malamig na sumandal si Mikael sa swivel chair.“I don’t want to hear excuses.” Parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ni Marikit.Hindi naman ignorante si Mikael sa kakayahan niya.Alam nitong hindi siya magkakamali sa simpleng report.Ngunit pinili pa rin nitong paniwalaan na siya ang may kasalanan. O baka…wala lang talaga itong pakialam kung mapahiya siya. Mariing kinuyom ni Marikit ang hawak na papel.Napakasakit palang kamuhian ng lalaking pinakamamahal mo. Huminga siya nang malalim bago pilit naglakas-loob. “I still have the backup file,”mahinahon niyang sabi.“I can send it to you right now.” Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Mikael.Halatang hindi natuwa sa pagsagot niya.Ngunit pilit pinatatag ni Marikit ang sarili.Matatakot pa ba siya?Maghihiwalay rin naman sila.At kapag dumating ang araw na iyon,hindi na siya babalik pa rito kailanman. “You think you’re being wronged?”malamig na tanong ni Mikael. Mahigpit na nagdikit ang mga daliri ni Marikit. “You blamed me without even asking first,”diretso niyang sagot habang nakatingin dito.“Don’t I at least deserve to explain myself?” Biglang tumalim ang ekspresyon ni Mikael.“That’s what you deserve.” Parang may matalim na kutsilyong tumarak sa puso ni Marikit.Biglang namutla ang mukha niya. Eksaktong namang sandaling iyon ay bumukas ang pinto ng private lounge.At mula roon ay lumabas ang isang napakagandang babae.Mahaba ang makintab nitong buhok at nakasuot ng pink silk dress na lalong nagpatingkad sa maputi nitong balat.Napakaganda,napakakinis,pParang prinsesang lumabas sa fairy tale. “Mikael?” Napakalambing ng boses nito. At sa unang pagkakataon,malinaw na nakita ni Marikit na ito ang babaeng kasama ni Mikael kahapon.Hindi nakapagtatakang mahal ito ng lalaki.Napakaganda nito. Mayamaya ay bigla namang nagsalita si Mikael.“Get out.”Malamig ang tono nito. Tahimik na ibinaba na lang ni Marikit ang tingin bago lumabas ng opisina.Ngunit bago tuluyang magsara ang pinto,narinig niya ang mahinang boses ng babae habang inaalo si Mikael. At halos agad namang lumambot ang tono ng lalaki.Tahimik na napangiti si Marikit,pero puno iyon ng sakit.nMabilis siyang nagtungo sa emergency stairwell ng building.At doon,tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. Mahigpit siyang napahawak sa railing habang pilit pinipigilan ang hikbi.Pakiramdam niya’y pinupunit ang puso niya habang pilit niyang tinatanggal sa sarili ang lalaking walong taon niyang minahal. Ngunit kakayanin niya.Kailangan niyang kayanin.Dahil balang araw...makakalimutan din niya si Mikael Altaverde. Makalipas ang ilang minuto,saka lamang siya bumalik sa department.At doon niya muling nakita ang babae.Kasama nito si Daniel Cortez,ang special assistant ni Mikael.Napatingin ang babae kay Marikit bago ngumiti nang napakaganda,pagkatapos ay kusa itong lumapit. “Okay ka na ba?”malambing nitong tanong. Bahagyang natigilan si Marikit. “Don't worry,hindi na galit sayo si Mikael.” Habang nagsasalita,may inilabas itong maliit na velvet box mula sa designer bag nito.Pagkabukas niyon,tumambad ang napakagandang pearl earrings. “Here,”nakangiti nitong sabi habang inilalagay iyon sa kamay ni Marikit.“For you.” Tahimik na natigilan si Marikit. “Treat mo rin’yung sugat mo,”dagdag pa ng babae habang nakatingin sa maliit na hiwa sa pisngi niya.“Sayang ang pretty face kapag nagka-scar.” Napakabait nitong tingnan,napakapino.At mas lalo lamang naramdaman ni Marikit kung gaano siya kapangit sa tabi nito. “Thank Miss Lee,”malamig na utos ni Daniel. Doon lamang nalaman ni Marikit ang apelyido ng babae—Lee. Tahimik na ngumiti ang babae.“It’s okay.Let’s go.”At matapos iyon,muli silang naglakad palayo. Tahimik na napatitig si Marikit sa pearl earrings sa palad niya.Napakaputi at napakakinis ng pearls,katulad ng babaeng nagbigay niyon. Ang hindi lang nito alam,batid kaya ng babaeng iyon na may asawa na si Mikael? Pagbalik niya sa workstation,agad niyang ni-reprint ang original financial report saka mariing inilapag iyon sa mesa ni Samantha.Nag-angat ng tingin ang babae bago ngumisi. “So nakita mo na ngayon kung anong klaseng babae ang bagay kay President Altaverde?” Tahimik na tinitigan siya ni Marikit bago malamig na nagsalita.“And you think ikaw’yon?” Nawala ang ngisi ni Samantha. “You’re not qualified either,”diretso niyang sabi.“The only thing you know how to do is manipulate people behind their backs.” Bahagyang namula sa inis si Samantha.“At least hindi ako pathetic,”malamig nitong sagot. Tahimik na ngumiti si Marikit.“You’re already over thirty,”mahinahon niyang sabi.“Stop dreaming.” BIGLANG nagbago ang ekspresyon ni Samantha matapos marinig ang sinabi ni Marikit.Mariin nitong hinampas ang mesa bago biglang tumayo. “Marikit Valejo!” Ngunit wala nang pakialam si Marikit.Tahimik lamang siyang tumalikod at bumalik sa sariling workstation.Pagkaupo niya,dahan-dahan niyang inilabas ang maliit na compact mirror mula sa bag. Tahimik niyang tiningnan ang manipis na sugat sa gilid ng pisngi niya na gawa ng papel na inihagis ni Mikael.May bahagyang dugo pa roon,pero hindi naman malalim.Kumuha lamang siya ng wet wipes at dahan-dahang pinunasan ang sugat. Hindi na niya balak lagyan pa ng gamot.Tutal,sa mukha niyang ito,wala namang magbabago kahit magka-peklat pa siya. Ngunit habang nakatingin siya sa salamin,biglang sumagi sa isip niya ang mukha ng babaeng kasama ni Mikael.Parang pamilyar ito,lalo na ang mga mata.Hindi niya lang maalala kung saan pero sa tingin niya ay nakit na niya ito noon. Pero marahas ding napailing si Marikit.Nagkakataon naman talagang mayroong magkakamukha sa mundo.Baka nga kahawig lang ng babaeng iyon ang nakita niya o nakilala noon. --- MAGHAPON na nag-focus si Marikit sa tinatapos na files,at halos uwian na nang biglang tumunog ang cellphone niya.Nang makita niya ang caller ID,agad na lumambot ang ekspresyon niya. “Dad.” “Marikit,”bungad ng ama niya sa kabilang linya.“Nakauwi na si Kuya Gabriel mo.Umuwi ka rito mamaya.Sabay-sabay tayong magdi-dinner.” Biglang lumiwanag ang mukha ni Marikit sa narinig. “Kuya Gabriel is back?”gulat ngunit masayang sabi niya.“Hindi ba next week pa dapat siya uuwi?” “Maaga natapos ang project niya abroad,”sagot ng kanyang ama. Napangiti si Marikit.“Okay po.Uuwi ako after work.” Pagkababa ng tawag,agad niyang inayos ang mga gamit bago tuluyang umalis sa opisina.Excited siyang makasama ang pamilya lalo na't stress siya these past days. --- TAHIMIK niyang minaneho ang sasakyan papunta sa bahay ng pamilya Valejo sa Quezon City.Hindi naman sobrang mayaman ang pamilya nila ngunit maayos ang buhay nila noon. May sariling real estate company ang ama niyang si Roberto Valejo at nakatira sila sa isang malawak na condominium penthouse sa isang exclusive subdivision. Lumaki si Marikit na hindi kinakapos sa buhay.Ngunit mahigit kalahating taon na ang nakalipas,halos bumagsak ang negosyo ng pamilya nila dahil sa maling investments.Nalubog sa utang ang kompanya.At noong panahong iyon din nalaman ni Roberto Valejo na buntis si Marikit kay Mikael Altaverde. Hindi siya nito pinilit.Hindi rin siya nito inutusan na pumunta sa pamilya Altaverde.Ngunit nang makita niyang unti-unting nanghina at tumanda ang ama niya dahil sa problema…ausiya na mismo ang lumapit sa pamilya ni Mikael. At oo…may sarili rin siyang selfish reasons noon.Mahal niya si Mikael.Sobrang mahal.Kaya kahit alam niyang hindi siya gusto ng lalaki,pinili pa rin niyang magpakasal dito. Nailigtas man ng malaking dowry mula sa mga Altaverde ang kumpanya ng pamilya nila…siya naman ang tuluyang nasira.At wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya. Pagdating ni Marikit sa Valejo residence,agad siyang sinalubong ni Stella Ramirez.Matagal nang kinakasama ng ama niya ang babae matapos silang iwan noon ng biological mother niya. “Marikit,you’re home.” Bahagyang ngumiti si Marikit. “Tita Stella,nasaan po sila Daddy?” “Paparating na sila ni Gabriel.Kakatawag lang,”sagot nitong nakangiti. Tumango lang si Marikit bilang sagot. Noong siyam na taong gulang siya,iniwan sila ng tunay niyang ina kasama ang kuya niya.At sa loob ng maraming taon,kinamuhian niya ang ina dahil doon.Ngunit dumating si Stella sa buhay nila.Ito ang tumayong ina niya,at inalagaan siya ng parang tunay nitong anak. At kahit hindi ito kasal sa ama niya,itinuring siya nitong parang tunay na anak.Maging si Gabriel,itinuring din siyang totoong kapatid.At dahil doon,unti-unting napawi ng mga ito ang sugat na iniwan ng pagkawala ng tunay niyang pamilya. “I’ll go upstairs muna,Tita,”sabi ni Marikit. “Okay,magpahinga ka muna.” “Okay po." Tahimik siyang umakyat sa dating kuwarto niya.Kahit kasal na siya,hindi kailanman inalis ng ama niya ang kuwarto niya sa bahay.Nananatili pa rin iyong katulad noong college siya. Pagpasok pa lamang niya sa silid,agad niyang naramdaman ang gaan sa dibdib.Parang lahat ng pagod at sakit na dinadala niya ay bahagyang gumaan. Tahimik siyang naupo sa gilid ng kama.At doon niya napansin ang lumang photo album sa bedside table.Mabagal niya iyong kinuha at binuksan.Ang unang litrato roon ay isang lumang family picture.Napunit iyon sa gitna.Kuha pa ito noong walong taong gulang siya. Karga siya ng ama niyang bata pa noon habang nakatayo sa tabi nila ang kuya niya na 14 years old na ng mga panahong iyon.At sa kabilang bahagi naman,naroon ang ina niya.Siya mismo ang pumunit sa litratong iyon noon dahil galit na galit siya sa inang iniwan sila.Ngunit habang lumilipas ang panahon,ay unti-unti na ring naghihilom ang sakit na iyon. Matapos niyon ay mabagal niyang nilipat ang susunod na pahina.At doon tumambad ang larawan ng sarili niya noong teenager pa siya.Nakatayo siya sa ilalim ng golden acacia trees habang suot ang puting dress at light brown sun hat. Mahaba ang itim niyang buhok noon,maliit ang mukha,maputi,at may napakagandang mga mata.Punong-puno siya ng buhay at liwanag sa larawang iyon.Parang ibang tao. Tahimik na napatitig si Marikit sa litrato.Noong mga sumunod na taon,nagkaroon siya ng hormonal imbalance kaya kinailangan niyang uminom ng gamot.Doon nagsimulang magbago ang katawan niya.Unti-unti siyang tumaba.At kahit anong diet o exercise ang gawin niya noon ay hindi siya basta pumapayat. Minsan pa nga,halos gutumin na niya ang sarili para lang magbawas ng timbang pero wala pa ring silbi.Ang nangyayari ay hinihimatay siya o kaya ay nanghihina dahil sa kakulangan ng energy. Tahimik na napahawak si Marikit sa lumang litrato.At sa hindi niya malamang dahilan,bigla niyang naalala ang babaeng kasama ni Mikael kanina. Biglang nanlamig ang mga daliri niya ng mga sandaling iyon.Dahil ngayon niya lang napansin na medyo magkahawig pala sila nito...lalo na ang mga mata. Bakit parang kamukha niya ito?Nagkataon lang ba? ISANG sunod-sunod at mahihinang katok ang nagpabalik sa naglalakbay na isip ni Marikit. “Marikit,anak,nandito na sila Daddy mo,”mahinang tawag ni Stella mula sa labas ng pinto. Agad namang natauhan si Marikit mula sa pagkatulala sa lumang litrato.Mabilis niyang isinara ang photo album bago marahang tumayo.bPaglabas niya ng kuwarto,eksaktong kakapasok lamang nina Roberto at Gabriel sa loob ng condominium unit. Agad na lumiwanag ang mukha niya nang makita ang mga ito. “Dad!Kuya!” Napangiti si Gabriel nang makita siya. “Hey,bunso.”Agad nitong inilapag ang mga bitbit na paper bags sa coffee table.“May pasalubong ako sa’yo.” Biglang kumislap ang mga mata ni Marikit.“Talaga?Ano’yon?” Natatawang umiling si Gabriel bago kumuha ng isang maliit na luxury paper bag. “Open it.” Excited na tinanggap iyon ni Marikit.At nang mabuksan niya ang velvet jewelry box sa loob,agad tumambad ang isang eleganteng gold bracelet na may minimalist diamond details. “Kuya…”natutuwang sabi niya.“Ang ganda!” “If you like it,then good.” Ngumiti si Gabriel bago magulong ginulo ang buhok niya na para bang bata pa rin siya. May iba pa itong pasalubong para kina Stella at Roberto.Luxury skincare set para kay Stella at imported tea at mamahaling whiskey naman para sa ama niya.Maging mga delicacies mula Japan ay dala rin nito. Unti-unting napuno ng init at tawanan ang buong bahay.At sa mga sandaling iyon,saka lamang tunay na nakahinga nang maluwag si Marikit.Kapag nasa bahay siya…pakiramdam niya ligtas siya. Tahimik siyang umupo sa sofa habang nakikinig kina Gabriel at Roberto na nagkukuwento tungkol sa business trip nito abroad.Maya-maya,napatingin si Gabriel sa tiyan niya. “When’s your due date?” Napahawak si Marikit sa tiyan bago ngumiti.“Two months na lang.” “Siguradong babae’yan,”nakangiting sabi ni Stella habang naghahain ng juice. Tumango si Marikit.“Actually…confirmed na.” Napatingin si Roberto sa anak.“Nagpa-gender reveal check ka na?” Bahagyang natigilan si Stella habang lihim na kinabahan. Tumango naman si Marikit saka marahang ngumiti.“Yes.” “Maganda’yan.”Bahagyang gumaan ang mukha ni Roberto.“At least magiging mas maayos ang trato sa’yo ng pamilya Altaverde.” Tahimik na yumuko si Marikit ng mga sandaling iyon.Biglang bumigat ang dibdib niya.Hindi pa niya kasi alam kung paano sisimulan ang sasabihin.Dahil ang totoo,nakipaghiwalay na sa kaniya si Mikael.At balak na rin niyang umalis sa villa ng mga Altaverde pagkatapos manganak. Ngunit nang tingnan niya ang masayang atmosphere sa bahay,hindi niya magawang sirain agad iyon.Kaya nanahimik muna siya. Ilang sandali pa’y tinawag na sila ni Stella para mag-dinner.Punong-puno ng pagkain ang mahabang dining table.Paborito niyang kare-kare,garlic butter shrimp,at caldereta.At iba’t ibang lutong bahay na matagal niyang hindi natikman. Habang kumakain,ikinuwento ni Gabriel ang tungkol sa company nito.Dalawang taon na ang nakalipas nang magtayo ito ng sariling AI technology company kasama ang kaibigan nito. At noong nagsisimula pa lamang iyon,si Roberto mismo ang nagbigay ng malaking capital nang walang pag-aalinlangan. Ngayon,mabilis nang lumalaki ang kompanya.Kaya ang business trip nito sa Japan ay para sa malaking partnership deal.At sa awa ng Diyos ay naging successful iyon. “Actually,”biglang sabi ni Roberto habang umiinom ng wine,“ibebenta ko na rin’yung real estate company.” Bahagyang nagulat si Marikit sa narinig. “Dad?” Napabuntong-hininga ang matanda.“Hindi na talaga maganda ang market ngayon.Mahirap nang i-salba.” Tahimik na nakinig si Marikit.Totoo naman.nKahit nakabangon sila noon dahil sa tulong ng dowry mula sa mga Altaverde,hindi pa rin naging madali ang lahat. “At mas gusto kong i-invest’yung pera sa company ni Gabriel.” Napangiti si Gabriel sa sinabi ng ama.“Dad…” Ngunit mabilis iyong pinigilan ni Roberto.“I’m getting old.”Natatawa nitong sabi.“Kayo na ang future.” Maya-maya,biglang napatingin si Stella kay Roberto.At doon tila may naalala ang lalaki. “By the way,”saad nito habang nakangiti,“magpapakasal na kami officially ni Tita Stella niyo next month.” Biglang natigilan si Marikit bago tuluyang napangiti ng malapad.“Totoo?” Namula ang mata ni Stella.Matagal na nitong hinintay ang araw na iyon,at alam iyon ni Marikit.Sa loob ng maraming taon,kahit hindi kasal ang mga ito,nanatili ito sa tabi nila. Tahimik itong naghintay,nag-alaga,at minahal sila bilang pamilya.Kaya wala siyang kahit anong pagtutol dahil doon.In fact,napakasaya niya para sa dalawa. Tahimik na napangiti si Marikit habang pinagmamasdan ang pamilya niya.At doon niya lalong na-realize kung aano siya kaswerte. Ngunit kasabay no’n ay lalo ring bumigat ang dibdib niya.Dahil hindi na niya kayang itago pa ang totoo.Kaya huminga siya nang malalim bago marahang nagsalita. “Dad,Kuya,Tita Stella...” Agad napatingin ang mga ito sa kaniya. Tahimik namang ibinaba ni Marikit ang kutsara bago lumunok na parang nag-iipon ng lakas ng loob. “Makikipag-divorce na si Mikael sa akin.” Biglang natahimik ang buong dining area sa narinig.Parang huminto ang oras.Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Roberto habang mahigpit nitong nahawakan ang wine glass.Maging si Stella ay hindi agad nakapagsalita. At si Gabriel,biglang tumalim ang ekspresyon.Hindi naman sila naging bulag.Alam nilang hindi naging maayos ang pagsasama nina Marikit at Mikael.Walang engrandeng kasal.Walang public announcement.At sa loob ng anim na buwan,ni minsan ay hindi bumisita si Mikael sa bahay nila. Tuwing may okasyon,si Marikit lang palaging umuuwi mag-isa.At kahit nagpapadala sila ng gifts sa Altaverde Mansion,alam nilang hindi naman talaga iyon tinatanggap nang maayos. Minsan pa nga,mismong si Veronica Altaverde ang nag-utos sa mga kasambahay na itapon ang mga ipinadala nila.At si Mikael mismo ang nagsabing huwag na silang gumawa ng“meaningless things.” Tahimik na napapikit si Roberto.Parang lalo itong tumanda sa isang iglap.Ngunit bago pa lumala ang atmosphere,agad muling nagsalita si Marikit. “But it will happen after I give birth.”Tahimik siyang napangiti.“I’ll go to Stanford next year.” Napatingin sa kaniya si Gabriel.“Stanford?” Tumango siya.“Professor Kent helped me.” Ilang segundo pa’y si Gabriel ang unang nagsalita.“That’s good.” Agad napatingin si Marikit dito. “You’re too smart para ikulong ang sarili mo sa marriage na hindi ka naman masaya.”Diretso ang boses nito ng sabihin iyon.“Whatever decision you make…I’ll support you.” Biglang uminit ang mata ni Marikit sa sinabi ng kuya niya. “Thank you,Kuya...” Tahimik namang napabuntong-hininga si Roberto.“Kasalanan ko rin ito…” “Dad—” “Ordinaryong tao lang tayo.”Mapait itong ngumiti.“Hindi talaga natin kayang sumabay sa pamilya tulad ng mga Altaverde.” Biglang namuo ang luha sa mga mata ni Marikit.Ngunit sa pagkakataong ito,hindi dahil kay Mikael kundi dahil sa pagmamahal ng pamilya niya. Dahil kahit gaano siya kasaktan,may mga taong handang saluhin siya.At sa unang pagkakataon matapos ang napakahabang panahon,naramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Mabilis namang kumuha ng tissue si Stella at pinunasan ang mga luha niya. “Enough crying,”malambing nitong sabi.“Masama’yan sa baby.” Napatawa nang mahina si Marikit habang pinupunasan ang mga mata.At matapos noon,pilit nilang ibinalik ang masayang atmosphere sa hapag-kainan. --- SAMANTALA,sa kabilang bahagi ng siyudad ay isang itim na Bentley ang dahan-dahang huminto sa tapat ng isang lumang villa sa Corinthian Gardens. Tahimik lamang na nakaupo si Matthew Lee sa loob ng sasakyan habang nakatanaw sa bahay.Dating bahay iyon ng pamilya Valejo.Bahay na matagal nang ibinenta matapos malugi ang negosyo ng padre de pamilya. Maliwanag pa rin ang buong paligid dahil sa warm lights mula sa garden lamps.Tahimik lamang na nakatitig ang lalaking iyon sa bahay.Hindi mabasa ang emosyon sa gwapo nitong mukha. Ngunit sa mga mata nito,may kung anong komplikadong lungkot.Maya-maya ay kumuha ito ng sigarilyo at tahimik na nagsindi.Kasabay no’n ay tumunog ang cellphone niya.Pagtingin sa screen,agad lumambot nang bahagya ang ekspresyon niya. “Celine...” Mahinang tawa ng babae ang narinig niya mula sa kabilang linya. “Kuya,gutom na’ko.Ayaw pa akong pakainin ni Kuya Cedrick hangga’t hindi ka raw dumarating.” Maya-maya ay narinig din niya ang mahinang boses ng isa pang lalaki. “Kasalanan niya’yan.Hindi nakikinig.” Bahagyang napailing ang lalaki bago pinatay ang sigarilyo. “Kumain ka na kung gutom ka.I’m on my way.” Pagkababa ng tawag,muling sinulyapan ni Matthew ang bahay sa labas ng bintana.Pagkatapos ay dahan-dahang itinaas ang car window.At tuluyang pinaandar ang sasakyan palayo... --- Sino kaya si Matthew?May magiging papel ba ito sa buhay ni Marikit? KINABUKASAN,maagang nagising si Marikit dahil sa amoy ng nilulutong almusal mula sa kusina. Paglabas niya ng kuwarto ay nadatnan niyang abala si Stella sa paghahanda ng pagkain.May nilulutong arroz caldo para sa kaniya,may hiwalay pang steamed vegetables at grilled fish na maingat nitong inilalagay sa thermal lunch container. “Good morning,anak,”malambing nitong bati nang mapansin siya. Bahagyang ngumiti si Marikit bago marahang umupo sa dining chair.Kagabi pa niya sinabi kina Roberto at Stella na magre-resign na siya sa Altaverde Group at pansamantalang magiging assistant ni Professor Kent Morales sa loob ng isang buwan. Noong una ay tutol silang dalawa. “Buntis ka,Marikit,”paulit ulit na saad ni Stella kagabi.“Kailangan mong magpahinga.” Ngunit nagpumilit si Marikit. “Ayos lang ako,”mahinahon niyang paliwanag noon.“Hindi naman mabigat’yung trabaho.Mas okay nang busy ako kaysa magkulong lang sa bahay at mag overthink.” At sa huli,wala na ring naisagot si Roberto.Tahimik na lamang itong pumayag. Habang abala si Stella sa kusina,sinubukan ni Marikit na tumulong ngunit agad siyang pinaupo ulit nito. “Hindi.Ako na rito,”saad ni Stella.“Ikaw,magpahinga ka.” Bahagya na lamang napangiti si Marikit bago kinuha ang cellphone niya. Tahimik siyang nag-scroll online,naghahanap ng prenatal Pilates classes na puwedeng salihan.Gusto niyang maging healthy ang pagbubuntis niya.At higit sa lahat...gusto niyang mapanatiling maayos ang isip niya. Ilang studio na rin ang napili niya nang biglang nanigas ang ekspresyon niya.Isang bagong post ang lumitaw sa social media feed niya.Galing iyon kay James Vergara,kaibigan ni Mikael. Dati niya itong nakausap nang ilang beses noong assistant pa siya ni Mikael.Ngunit nitong mga nakaraang buwan,malinaw na nagbago ang trato nito sa kaniya. Tahimik na bumagsak ang tingin ni Marikit sa larawan.Siyam na pictures sa isang private rooftop bar sa BGC.At sa gitna ng mga iyon,si Mikael at si Celine Lee. Sa isang larawan ay nakasandal si Celine sa dibdib ni Mikael habang mahiyain itong nakangiti.Nakapulupot naman ang isang kamay ni Mikael sa balikat ng babae habang nakatitig dito nang puno ng lambing.Parang umaapaw sa sweetness ang buong litrato. Sa caption nito ay nakasulat pa na,“Another night of being the third wheel.When are these two getting married?”Kasunod pa no’n ang laughing emojis. Biglang sumikip ang dibdib ni Marikit.Parang may mabigat na kamay na marahas na pumiga sa puso niya hanggang sa halos hindi siya makahinga. Tahimik niyang pinatay ang cellphone.Pagkatapos ay dahan-dahan siyang tumayo at lumabas papunta sa balcony.Malamig ang hangin sa umaga ngunit hindi iyon sapat para pakalmahin ang gulo sa dibdib niya. Marahan niyang hinaplos ang bahagyang nakaumbok niyang tiyan.At doon,unti unting namuo ang luha sa mga mata niya. Kapag tuluyan silang naghiwalay ni Mikael,sigurado siyang pakakasalan agad nito si Celine.Magkakaanak sila,at alam ni Marikit kung gaano kamahal ni Mikael ang babae.Kung gano’n,mamamahalin din nito ang magiging anak ng mga ito. Pero paano naman ang anak niya?Makikilala pa kaya nito ang sariling ama?Makakaranas pa kaya ito ng pagmamahal ng isang ama? “Marikit,kain na,”tawag ni Stella mula sa loob ng bahay. Biglang natauhan si Marikit nang marinig ang boses ng ginang.Mabilis niyang pinahid ang mga luha sa gilid ng mata bago pilit inayos ang ekspresyon niya at pumasok muli sa loob. Paglabas niya mula sa restroom makalipas ang ilang minuto,kalmado na ulit ang mukha niya.Parang walang nangyari. --- Pagkatapos ng almusal ay si Gabriel mismo ang naghatid kay Marikit papunta sa Altaverde Group. Tahimik ang biyahe,ngunit ilang beses na napapatingin si Gabriel sa kapatid niya. “May problema ba?”tanong nito sa huli. Bahagyang umiling si Marikit.Ayaw na niyang pag usapan pa.Ngunit hindi nagpaawat si Gabriel. “Hindi pwedeng kinikimkim mo lahat,”seryoso nitong saad habang nakatutok sa daan.“Buntis ka na ngayon.Hindi maganda’yan sa’yo at sa baby.” Matagal na natahimik si Marikit bago marahang nagsalita. “Masakit lang siguro talaga...”pilit niyang ngiti.“Na tanggapin na may iba na si Mikael.” Simple niya iyong sinabi,na parang wala lang.Pero alam ni Gabriel na nasasaktan siya.Hindi lang nito alam kung paano siya papagaanin. “Lilipas din’yan,”mahina nitong saad.“Dahan dahan kang magiging okay.” Tahimik namang tumango si Marikit. “Hmm.” --- PAGDATING sa Altaverde Group,agad siyang bumaba ng sasakyan habang dala ang thermal lunch container.Nagpaalam siya kay Gabriel bago naglakad papasok ng building. At doon,muli niyang nakita si Mikael.Kabababa lamang nito mula sa isang itim na Rolls Royce.Naka charcoal suit ito,malinis at elegante tulad ng dati.Broad shoulders,matangkad,at may napakalamig ng aura. Tahimik na kumirot ang dibdib ni Marikit.Dati,kaya niyang tiisin lahat basta nakikita niya ito araw araw.Pero ngayon,bawat tingin niya rito ay parang unti unti siyang dinudurog. Mabilis siyang tumabi at magalang na yumuko.“Good morning,President Altaverde.” Ngunit gaya ng dati,hindi man lamang siya nilingon ni Mikael. Mas lalo pa ngang lumamig ang ekspresyon nito nang mapansin siya.Diretso itong naglakad at nilampasan siya saka sa sumakay sa private elevator. Tahimik na napapikit si Marikit bago huminga nang malalim.Pagkatapos ay sumakay na rin siya sa employee elevator. --- DAHIL sa naging komprontasyon nila kahapon,mas lalo nang hindi maganda ang trato ni Samantha kay Marikit.Pagpasok pa lamang niya sa opisina ay agad na ipinasa rito ang mga trabaho nang walang kahit anong magandang salita.Ngunit wala nang pakialam si Marikit.Ang gusto na lamang niya ay matapos ang natitirang araw at makaalis. Lumipas ang umaga nang ganoon.At nang mag-lunch break,dahil maganda ang panahon,naisipan niyang kumain sa maliit na eco park sa likod ng building. Tahimik siyang bumaba ng elevator habang dala ang insulated lunchbox.Ngunit pagdating niya sa lobby ay bigla siyang natigilan.Papasok noon sina James Vergara at isa pang lalaking hindi niya kilala.Matangkad ito at halatang galing din sa mayamang pamilya base sa kilos at pananamit nito. Ayaw sana silang pansinin ni Marikit kaya yumuko na lamang siya at naglakad palayo.Ngunit agad siyang napansin ni James.Sa laki ng katawan ni Marikit,imposibleng hindi siya mapansin nito. Mabilis itong humakbang at hinarangan ang daraanan niya.Napahinto naman si Marikit.Pag-angat niya ng tingin ay agad niyang nakita ang disgusto sa mukha ni James. “Bulag ka ba?”malamig nitong saad.“Hindi marunong bumati?” Tahimik na napayuko si Marikit.Dati,maayos itong makitungo sa kaniya noong assistant pa siya ni Mikael.Pero ngayon,sa paningin ng mga kaibigan ni Mikael,isa na lamang siyang pangit,mataba,at desperadang babaeng nangarap ng higit sa kaya niya. “Mr.Vergara,”mahina niyang bati. Ngunit mapanuyang natawa lamang si James. “Anong klaseng attitude’yan?”sarkastiko nitong saad.“Akala mo ba talaga magiging reyna ka pagkatapos mong magpabuntis kay Mikael?” Mariing napahigpit ang hawak ni Marikit sa thermal container habang ramdam niya ang matinding hiya.Ayaw na niyang patulan pa ito kaya tahimik siyang umiwas at naglakad palampas. Ngunit sa mismong sandaling dumaan siya,biglang iniunat ni James ang paa nito. “Ay!” Hindi nakaiwas si Marikit.Malakas siyang natisod at tuluyang bumagsak paluhod sa matigas na marmol na sahig ng lobby.Napangiwi siya agad sa matinding sakit. Kasabay no’n ay tumilapon ang hawak niyang insulated container.Tumapon ang mainit na arroz caldo at mga pagkain sa sahig.Biglang namutla ang mukha ni Marikit habang nanginginig ang katawan niya sa sakit. At mula sa hindi kalayuan,biglang nanigas si Matthew Lee nang makita ang nangyari...Bakit kaya?

play.google.com

🔥Bagong librong mainit.✨ Libre, libre, libre!✨🔥

Install mobile app: play.google.com(opens in a new tab)

More ads from the top 1,000

See the top 1,000 ads