Skip to content
Popular-reading-06

Popular-reading-06 Facebook ad: “Narito na ang higit pang mga kapana-panabik at…”

Popular-reading-06 Facebook ad: Narito na ang higit pang mga kapana-panabik at…

Ran for 1 day, from February 7 to February 8, 2026, the last day Crush saw it.

Run by Popular-reading-06 on Facebook. Crush is not the advertiser and does not verify its claims. See this ad in Meta's Ad Library(opens in a new tab)

Want an ad like this for your product?

Crush makes new ad images for your product from this ad: your logo, your product photo, your offer.

Trials from $19.95 USD, then $79.95 USD a month. Cancel anytime.

About this ad

Meta Ad Library ID
1269387365042624
Platforms
Facebook, Instagram, Audience Network, Messenger and Threads
Relaunches
0
EU reach
24

How we count

Ad text

“Ahhh... Boss, No...Huwag” Patuly na itinutulak si Mira ang lalaki sa katawan niya, habang umuungol siya. “Ssshhhhh! There’s no way that I will stop. I need you now, Mira.” Nag-aapoy ang pakiramdam niya lalo na ng kapain ng daliri ni Kyle ang kanyang hiwang pikit pa. Ibinuka nito ang mga hita niya. Nakagat niya ang labi ng maramdaman ang tangkang pagpasok ng sandatang handang makipaglaban sa kanyang kweba. Naikalang niya ang dalawang kamay sa dibdib ng boss. Handa ba siyang ibigay ang virginity sa lalaking lihim na iniibig? Ngunit isang oras lamang ang nakalipas, sa kasal ng kanyang boss na si Kyle, isa pa lamang siyang karaniwang kalihim sa ilalim nito, ngunit noong araw na kasal, tumakas sa kasal ang bride niya, at napilitan siyang maging substitute bride niya. Ang hindi alam ni Kyle ay noon pa man ay palihim na siyang minamahal ni Mira. Napatingin siya sa mukha nito. Nakita niya ang pananabik lalo na ng maisentro nito sa kanyang lagusan ang naghuhumindig nitong alaga. Naipasok na nito ang ulo. Napapikit na lamang siya ng umusad papasok ang ari ng binata. Napahinto ito ng tila may harang papasok. Napaingit siya ng makaabot ito sa parte na kailangang buwagin upang tuluyang maipasok ang sandata. Nagtama ang kanilang paningin. Ibinaon nito ng todo ang kahabaan sa kanya. “Holy shit! You’re so tight!” anitong nagsimulang gumalaw ng mabagal hanggang bumibilis. Kasabay ng pagbaon ng pagkalalaki ang pagbaon din ng kuko niya sa likod nito. Muli nitong siniil ng halik ang labi niya. Makalipas ang ilang minuto ay nabawasan ang hapdi at napalitan ng labis na kiliti. Hanggang sa kusa na siyang lumiliyad upang salubungin ang bayo ng binata. “I’m coming, Mira. Ipuputok ko sa loob mo. Shiittttt! Aaaahhhhhhhh!” anitong namumungay ang mga matang nakatunghay sa kanya habang kumakadyot sa ibabaw niya. Wala na siyang maisip dahil lumulutang na ang kaluluwa niya sa kalawakan. Naging sunod sunod ang kadyot ng binata sa kanya. Mas lalong tumigas ang ari nito. Ilang madidiing baon pa ay namintig ang katawan ng lalaki kasunod ng pag-abot nito sa kasukdulan. Naramdaman niya ang mainit at malapot na katas na dumilig sa kanyang sinapupunan. Hindi na niya nabilang kung ilang beses siyang inangkin ng boss. *** Kinabukasan ng umaga Si Mira ang unang nagmulat ng mata. Nakatagilid siya, nakaharap kay Kyle. Wala sa ayos ang buhok niya, at ramdam pa rin ng balat niya ang init ng gabing nakalipas at ang hapdi ng pagitan ng kanyang hita. Ang puso niya ay mabilis ang tibok habang unti-unting bumalik sa isip niya ang lahat ng nangyari kagabi, ang halik at ang haplos na kanilang pinagsaluhan. Biglang dumapo sa kanya ang kaba. Bakit siya pumayag? Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ni Kyle na nakapatong sa baywang niya. Huminga siya ng malalim. Napatingala siya sa kisame at muling pumikit. Paano niya haharapin ang CEO? Maya-maya ay gumalaw si Kyle at pupungas pungas na bumangon na tila inaalala ang nangyari. “Sir, tungkol sa nangyari kagabi…” mahinang simula niya. Nakailang lunok na siya ay may tila bara pa din sa kanyang lalamunan. Pinilit niyang ngumiti. “Sir, kalimutan na lang po natin ang nangyari,” tuloy niya, pilit ang kaswal na tono. “Pagod po tayo. Madami ka pong nainom. Aksidente lang po ang nangyari at dapat kalimutan.” Hindi ito tumingin sa kanya. Tahimik lamang ito kaya nagpatuloy siya. “Wala pong kailangang magbago. Assistant mo pa rin ako, at kalimutan na lang po natin para walang problema.” Dahan-dahan siyang bumangon, agad ibinalot ang kumot sa katawan. “Maliligo muna po ako,” aniyang mamadaling bumangon. Napatingin ito sa mantsang kulay pula sa bedsheet. “Bakit hindi mo sinabing first time mo?” “Sus, sir. Maliit na bagay po ‘yan. At okay lang po na kayo ang nakauna sa akin,” aniyang mabilis na pumasok sa banyo bago pa man siya tanungin o pigilan nito. Pagkasara ng pinto, napasandal siya at napikit. Magulong magulo ang kanyang isip. Hindi niya alam kung saan hahantong ang relasyon nila ng boss. Pero ngayon lamang siya sumaya ng ganito. Gusto sana niyang sumigaw sa ligaya ngunit tinakpan niya ang bibig. *** Makalipas ang ilang araw mula sa honeymoon, nagbalik na sila sa lungsod. Bumalik ang lahat sa normal. Ni walang nagtatangkang magtanong na kahit sino sa kanya lalo sa CEO. Ipinatawag siya ni Kyle sa private office. Pagpasok niya, may nakaabang nang folder sa ibabaw ng mesa. Nakaupo ito sa leather chair, pormal ang anyo nito. “Have a seat, Mira,” sabi nito. Umupo siya. Kinabahan siya, pero hindi niya ipinahalata. Posibleng paalisin siya sa trabaho dahil si Kyle ang pinakasalan niya. . Sana naman ay hindi. Kailangan niya ng pera para sa ama niyang nasa ospital at nakatakdang operahan. Ubos na ang savings niya pati salary loan sa kumpanya ay nagamit na niya. Kyle slid the folder toward her. “Basahin mo.” Binuksan niya ito. Agad niyang nakita ang unang linya, Temporary Marriage Agreement. “Anim na buwan,” anang boss. “Anim na buwan kang magiging asawa ko sa mata ng publiko. Basahin mo ang mga obligasyon mo. Hindi ito pagpapanggap. You will be my wife lalo sa physical aspect.” Napalunok siya. “Pagkatapos ng anim na buwan, magpapa-file tayo ng annulment. You will still be my assistant. You’re the most efficient assistant I have work with. Wala akong planong palitan ka.” Nanatili lamang siyang nakikinig. “One more thing, ako lang ang may karapatang tapusin ang kontrata sa sandaling ayaw ko na. Huwag mo akong bibigyan ng sakit ng ulo. Mas lalong ayoko ng drama.” Tumango siya. “Do you like me?” Hindi niya inasahan ang tanong. “Sir, lahat naman po kami dito sa kumpanya gusto po kayo. Hindi naman po totoo ang tsismis na cold-hearted kayo. Nakita ko po ang malasakit ninyo sa mga empleyado.” “Liar. No one likes me, here.” Napayuko siya. “Do you love me?” Natuyo ang lalamunan niya. Sunod sunod na iling ang sagot niya. “Wala po akong ganoong damdamin, Sir.” “Good. Never fall in love with me. You’re not my type, nagkataon lang na ikaw ang nandoon kaya ikaw ang pinakasalan ko. Tsaka, you know me a lot. Hindi ako mahihirapang pakibagayan at utusan ka.” Bakit parang may sumaksak sa puso niya? Ano ba ang inaasahan niya? Bumukas ang drawer ni Kyle. Kinuha nito ang isang tseke at inilapag sa harapan niya. “Twenty million. Kung tatanggapin mo ang kontrata, iyo na ‘yan. Kapag natapos, may naghihintay pa sa’yong bonus.” Parang huminto ang mundo niya. Twenty million? Parang napaka-imposibleng halaga para lang sa anim na buwang pagpapanggap. Nalaala niya ang amang nasa ospital na hindi pa naaoperahan at ang bills nito ay patuloy na lumalaki. Tahimik siyang tumitig sa tseke. “Bukod sa twenty million, may monthly allowance ka, five hundred thousand a month. Sagot ko na din ang hospital bills ng ama mo hanggang gumaling. Ililipat natin siya sa pinakamagandang ospital,” patuloy ni Kyle, malamig pero diretso. “Okay,” mahina niyang tugon. “Tatanggapin ko po ang offer,” aniyang kinuha ang folder at binasa ng mabilis tsaka pumirma. Tiyak na mababago ang takbo ng buhay niya. Kung anuman ang mangyayari, nakahanda siya. Dahil sa pansamantalang kasal, mabilis na nanirahan si Mira sa mansyon ng pamilyang Alvarado, ngunit siya ay nanirahan sa kwarto ng bisita, tama, ito ay utos ni Kyle, at tanging si Mira ang kailangang tumanggap. *** Bumaba si Mira mula sa guest room bitbit ang tablet at folder ng presentation materials. Paglapag niya sa hallway ng mansyon, naabutan niya si Kyle na palabas na rin, suot ang navy blue suit, tila ito male lead sa mga pinapanood niyang drama. Super gwapo talaga ng boss niya. Napalunok siya ng maalala ang nangyari sa kanilang wedding night. “Sir, sabay na po tayo?” tanong niya. Pero hindi siya tiningnan ni Kyle. “May maghahatid sa’yo. Magkita na lang tayo sa opisina,” malamig na sagot nito, habang sumakay sa black Audi na agad umalis pagkapasok ng CEO. Naiwan siya sa harapan ng mansyon, parang estatwang hindi makagalaw. Pinagalitan niya ang sarili. Ano ba ang inaasahan niya? Talaga namang empleyado siya. Pagdating sa Megawide Tower, unang bumaba si Kyle mula sa sasakyan, agad lumapit ang ilang executive at staff upang salubungin ito. Magkasunod lamang sila halos. Paghakbang niya sa lobby, napansin niya ang mga lihim na sulyap ng mga empleyado. Walang nagsasalita, ngunit ang mata ng mga ito ay tila may sinisigaw. “Hindi sila sabay dumating?” “May problema ba?” “Hindi ba at bagong kasal lang sila?” Tahimik siya habang lumalakad papasok sa elevator, hawak ang kanyang tablet nang mahigpit. Nararamdaman niya ang bawat mata sa kanya. Ilang araw na naman siyang tampulan ng tsismis. Pagdating sa boardroom, naroon na si Kyle, nakaupo sa dulo ng mesa, pormal, nakafocus sa presentation slides. Tumango lang ito nang makita siya, walang emosyon, ni walang pagbati. Parang hindi sila galing sa iisang bahay. Parang hindi siya asawa. Na hindi naman talaga. Muli niyang sinaway ang sarili. Trabaho lang ang lahat at hindi niya dapat haluan ng damdamin. Kailangang maging propesyonal sa kabila ng personal na damdamin. Tensyonado sa conference room ng Megawide habang hinihintay ang pagdating ng delegasyon mula sa Tuazon Group of Companies. Pinagmasdan niya si Kyle. Hindi mapakali ang mga daliri nito sa ibabaw ng mesa, paulit-ulit na pinipindot ang pen at paminsan-minsan ay tumitingin sa relo. “Sir, kayang kaya po ninyong makuha ang deal na ito,” bulong niya. “Madaming nag-aagawan sa project naito. Tayo ang una nilang pinuntahan at madami pang kasunod.” Ang partnership na ito ay hindi lang negosyo, alam niyang may nais patunayan si Kyle sa ama nitong si Don Renato. Pangarap na proyekto nito ang train station at magkakaroon ito ng katuparan kapag nakuha ni Kyle ang project. Noong nakaraan ay si Calyx, ang stepbrother ni Kyle ang nakapag-close ng deal. Tahimik siya sa tabi ni Kyle, binabasa ang presentation file sa kanyang tablet. Alam niyang stress ang boss niya. Ngunit hindi na siya nagtangkang magsalita uli. Alam na alam niya kung paano ito pakitunguahan. Maya-maya, bumukas ang pinto ng boardroom. “Ladies and gentlemen, Mr. Sebastian Tuazon, CEO of Tuazon Group,” anunsyo ng secretary. Pumasok ang isang matangkad at gwapong lalaking naka-dark green suit, may confident na ngiti sa labi at matalim na mata. Taglay nito ang karismang hindi mapagkakaila. Agad tumayo si Kyle upang makipagkamay. Ngunit bago pa man ito mangyari, nanlaki ang mga mata ni Mira at mapako ang tingin ni Sebastian sa kanya. “Mira?” bulalas ni Sebastian, may halong gulat at tuwa. Natahimik ang buong boardroom at nagmamasid lamang sa kanila. Napangiti siya, hindi rin makapaniwala. “Sebastian? Ikaw na ba 'yan?” “Wow… grabe. You haven’t changed a bit. Still the prettiest girl,” biro ni Sebastian. Napatawa si Mira, bahagyang nahihiya. “Lalo ka na, napakapogi mo pa din. Ang crush ng bayan ang datingan mo hanggang ngayon.” “Alam mo ba, hanggang ngayon, hindi ko makakalimutan na lagi tayong magka-partner sa lahat ng school event, ako ang escort, ikaw ang muse. Tandang-tanda ko pa lahat ng event.” Tumawa si Sebastian. Napalinga siya sa paligid. Tsaka lamang niya napagtanto na ang atensyon ng lahat ay nasa kanila. Pero si Kyle? Tahimik lang sa isang gilid. Nakangiti naman, pero ang panga ay bahagyang gumalaw. Ang mga mata nito ay malamig, kahit ang ngiti sa labi ay tila magkadikit lang para sa pormalidad. Wala itong sinabi ngunit alam niyang hindi ito natutuwa sa agaw atensyon nilang pagkikita ng dating kamag-aral. “Shall we begin Mr. Tuazon?” singit ni Kyle, kontrolado ang tono. “Of course,” sagot ni Sebastian. “But later, Mira, we need to catch up. Gusto kitang imbitahan sa isang private dinner mamaya.” Napatingin siya sa boss. “Have a seat Mr. Tuazon,” malamig na sabat ni Kyle, sabay tayo at paglapit sa presentation board. At nagsimula ang negosasyon, pormal, direkta, ngunit hindi maikakaila ang palihim pagsulyap ni Sebastian sa kanya. Matapos ang mahigit ilang oras na pag-uusap at talakayan, natapos ang presentation ni Kyle. Detalyado, visionary, at may kompletong plano mula sa engineering down to social impact, isang proyekto na hindi lamang para sa kumita, kundi para makatulong sa bayan. Tumango si Sebastian matapos ang huling slide. “Impressive,” aniya, habang nagkakasalubong ang mga daliri nito sa ibabaw ng mesa. “Honestly, I’m impressed. Your projections are solid, your execution plan is clear…” Napangiti si Kyle. Ngunit hindi pa ito ang katapusan. “…but,” dagdag ni Sebastian, “out of fairness, I still want to review the other proposals before making my final decision.” Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ni Kyle, ngunit saglit lang. Bilang bihasang negosyante, sanay na ito sa mga ganitong galawan. Tumango ito. “Of course. We understand Mr. Tuazon.” Sumulyap si Kyle sa kanya na may nais ipahiwatig. Pagkatapos ng meeting, lumipat sila sa lounge ng opisina kung saan hinain ang meryenda, at habang abala ang lahat sa pagkain at kwentuhan, marahang lumapit si Kyle sa kanya. Pasimple itong yumuko at bumulong sa tenga niya. “Kaibigan mo si Sebastian, hindi ba?” Napatingin siya sa amo. “Opo, pero noong elementary pa—” “Kaibiganin mo ulit. Use that connection. Kausapin mo siya privately. Ayokong makipag-meeting pa siya sa ibang company.” Kinabahan siya. “Sir, hindi ba parang…” “Look, Mira,” mahinang bulong ni Kyle, “you said you’d help me. This is important. I need this deal. Gawin mo na. Sumama ka sa dinner invitation niya mamaya.” Nanigas siya sandali. Bakit parang pakiramdam niya ay ipinapamigay siya ni Kyle? Gaga talaga siya. Natural, wala namang pagtingin sa kanya ang boss. Pero gagawin niya ang utos para sa trabaho at para sa boss. Tumango siya dahil alam niyang hindi siya makakatanggi. “Okay sir. Gagawin ko po.” “Good. I’ll reward you kapag nakuha natin ang deal,” ani Kyle na umalis ng makitang palapit si Sebastian sa kanya. “Pwede ko bang makuha ang contact number mo?” nakangiting sabi nito. “Sige. Heto,” aniyang ipinakita ang cellphone na luma na napanalunan pa niya sa raffle noong unang taon niya sa Megawide. Tumingin ito sa kanya ng diretso. “So, dinner tonight? I meant what I said. Gusto kitang makakwentuhan ulit, Mira. Ang dami kong gustong malaman tungkol sa ‘yo. After all, matagal din tayong naging magkaklase noon. From grade one to grade six.” Bago pa siya makatanggi, naramdaman niyang muli ang tingin ni Kyle mula sa hindi kalayuan. “Okay, mga bata pa tayo ng huling magkita. Gusto ko ding malaman ang secret to success mo,” tugon ni Mira. “Anong oras ang dinner?” “Hmm, how about six in the evening? Sunduin kita. Ibigay mo lang ang address mo.” “Hindi na, magkita na lang tayo. Saan bang restaurant?” “Sa Grand Royal Restaurant.” Nanlaki ang mata niya. Ang restaurant na binanggit nito ay pawang mayaman lamang ang nakakapunta dahil kailangan ay may membership. “Okay, see you!” “Excited na ako para mamaya. Any request sa food? Baka may allergy ka.” “Wala, ikaw na ang bahala.” “Alright, bye Mira. See you later. I’m so glad to see you.” *** Kumatok sa kwarto niya si Kyle. “Here, I bought clothes and shoes para mapapayag mo si Sebastian. Do whatever it takes, kumbinsihin mo siyang pumirma ng kontrata sa Megawide,” anitong iniabot ang ilang paper bags. “Sir, sa tingin ko po kahit makinig siya sa ibang proposal, ang sa Megawide pa din ang pinakagandang proyekto.” “Alam ko, I just want to make sure. Galingan mo. Ayokong papalpak ka,” anitong tumalikod na. Suot niya ang mga binigay ni Kyle. Mas lumitaw ang kanyang kagandahan. Habang papunta siya sa mamahaling hotel restaurant kung saan naghihintay si Sebastian, kabado siya at nahihiya na din. Alam niya ang misyon niya, kaibiganin, kumbinsihin, akitin kung kinakailangan ang dating kaklase para sa kontrata. Sinalubong siya ng staff na para bang kilala siya, “Ms. Mirabella Marasigan? This way please. Mr. Tuazon is waiting.” May violinist sa sulok, ambient light, at tanaw ang city skyline mula sa salaming bintana. Napalinga siya sa paligid. Kaya pala sikat ang restaurant na ito, napaka-elegante ng disenyo. Sa dulo ng mahaba at pribadong booth, naroon si Sebastian nakangiting tumayo at sinalubong siya na parang isang tunay na prinsesa. “Mira,” anitong hinawakan ang kanyang kamay upang alalayan. “You look stunning.” “Thank you,” sagot niya, medyo hindi mapakali. Hindi siya sanay sa ganitong treatment. Mas sanay siyang utus-utusan, magdala ng kape, o magtype ng memo. Marami silang napag-usapan habang kumakain, mula sa mga childhood memories sa eskuwelahan, hanggang sa mga kwento sa buhay-buhay nila ngayon. Natatawa si Sebastian, lalo na kapag naaalala nila ang kabaliwan nila noon. “Naalala mo ba kapag recess natin? Madalas tayong share sa pagkain.” Napangiti si Mira. “Oo, nakasurvive tayo sa nilagang kamote at saging. Pero look at you now, napakalayo na ng narating mo. You’re the best example of self-made man. Nakakahanga.” “Naging inspirasyon ko ang kahirapan. Ipinanganak akong mahirap, nangako akong hindi mamamatay na mahirap. Sa tulong ng Diyos at sariling pagsisikap, natupad ko ang pangarap ko.” “Masaya ako para sa’yo.” “Salamat, Mira.” Habang nililigpit ang mga plato para ihain na ang dessert, lakas-loob niyang inihanda ang sarili upang buksan ang usapan tungkol sa kontrata. “Sebastian…” sabay tagilid ng tingin ni Mira. “I know this is a personal dinner and I truly appreciate the kindness. But I’m still part of Megawide. And I’m here, as awkward as it sounds, to convince you to choose our company for the partnership. Alam mo na, nagpapalakas ako sa boss ko.” Napatingin si Sebastian sa kanya, hindi nagulat parang alam na nito ang pakay niya. “Mira, do you really want me to sign the deal because Kyle asked you to convince me or because you believe in it, too?” Tahimik si Mira. “Both,” tapat niyang sagot. “I believe in the project. I’ve seen how much effort Kyle poured into this. Megawide deserves this chance.” Tumango si Sebastian. “I love the answer.” Hinawakan nito ang baso ng wine at ngumiti. “I’ll think about it. But Mira…” Napatingin ito sa kanya nang diretso. “I didn’t invite you tonight for business. I invited you because I wanted to see if the girl I once admired is still the same woman in front of me now.” Namula siya at napayuko sa hantarang pagpapahayag nito ng damdamin. “Mira…” Napalingon siya. “Alam kong kasal ka na kay Kyle.” Nanlaki ang mga mata niya. Nanuyo ang lalamunan. “Don’t worry,” dagdag ni Sebastian, “Hindi ako chismoso. Nagkataon lang na may kaibigan akong nasa wedding ninyo.” Hindi siya nakapagsalita. Pilit niyang kinakalma ang sarili. Nagpatuloy ito, habang nakatitig sa kanya. “Mira,” seryoso na ang boses nito ngayon. “Ano ba talaga kayo ni Kyle? Totoo ba ang kasal? O isang palabas lang?” Napalunok si Mira. Gusto sana niyang itanggi. Ngunit mas mainam na manatili siyang tapat. Nagbaba siya ng tingin. “Tama ka, nagpakasal nga kami. Pero ang kasal namin ay hindi kagaya ng iba.” “Anong ibig mong sabihin? Ang sa sabi akin kanina lang ng kaibigan ko, si Sofie ang bride kaso hindi sumipot at biglang ikaw ang ipinalit. Nagulat ang mga tao dahil alam ng lahat na assistant ka ni Kyle.” “Pansamantala lang ang kasal. May kasunduang pinirmahan. Maghihiwalay din kami matapos ang anim na buwan.” Tahimik si Sebastian. Hindi ito nagulat. Ngunit may bahid ng disappointment sa mga mata nito. “So, he’s using you. Bakit ka pumayag?” “Hindi naman sa ganoon,” mabilis na tanggi niya. “Pumayag ako at tinanggap ko ang pera, hindi para sa sarili ko kundi para sa operasyon ni Tatay. Actually, sobrang laki ng ibinayad niya at plano kong isoli ang sobra kapag natapos na ang gamutan.” Muling natahimik si Sebastian. Hanggang sa bumuntong-hininga ito at tumango. “I get it. You're selfless, as always. Sayang nahuli ako ng dating.” Napatingin siya sa binata sa huling sinabi nito. Akala niya ay tapos na. Ngunit may huling tanong pa si Sebastian. “Kung sakaling tapos na ang kasunduan ninyo ni Kyle…” Napatingin ito sa kanya, diretso, walang pag-aalinlangan. “…would you ever consider being with someone who sees your worth… not because of convenience, or strategy, but simply because he wants you?” Mabilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung anong sasabihin. “Hindi ko alam. Basta ngayon ang gusto ko lang ay maoperahan si itay tapos makabangon sa dami ng utang ko. Ayoko munang mag-isip tungkol sa mga ganyang bagay,” aniyang nahiyang direktang aminin ang damdamin niya sa boss. Tahimik siya habang nakatingin sa kanyang mga palad. Hindi niya inakalang hahantong sa ganito ang simpleng dinner na ito. Hindi lang pala business proposal ang mapag-uusapan, kundi pati damdaming hindi niya inaasahang maririnig mula sa isang matagal nang alaala ng nakaraan. “Mira…” muling tawag ni Sebastian, mas banayad na ngayon ang boses. “Wala akong intensyong guluhin ang takbo ng buhay mo. Alam kong komplikado. Pero gusto ko lang malaman mo…” Napatingin siya sa binata. “…that I’m willing to wait. Kahit gaano katagal.” Mabilis siyang nagbaba ng tingin, at pilit isinilid sa mabining ngiti ang lahat ng pagtanggi. “Sebastian, salamat sa paghanga. Pero…” Napahinga siya nang malalim. “Pwede bang kaibigan na lang tayo?” Tahimik si Sebastian sa ilang saglit. Tila tinatanggap ang desisyong hindi nito gusto, ngunit nirerespeto. Tumango ito at pinilit ngumiti. “Friends. Okay, tatanggapin ko sa ngayon. Pero hinding-hindi ko ikakaila kung ano talaga ang nararamdaman ko para sa’yo. Hayaan mo lang ako.” *** Pagkabukas pa lang ng gate ng mansyon at pagpasok niya sa loob, andoon agad si Kyle sa may pintuan. Nakasandal ito sa haligi, nakapamewang, at may hawak pang baso ng alak. “Finally,” malamig ang boses nito, ngunit may apoy ang titig. “Nag-enjoy ka ba sa dinner date mo? Tatlong oras kang nawala. Ibang kainan yata ang ginawa ninyo.” Napahinto siya. Napakagat siya sa labi at pinilit na maging mahinahon. May toyo na naman ang amo niya. “Kumain lang po kami sa Grand Royal tapos pinag-usapan ang tungkol sa deal,” aniyang maingat ang bawat salita at baka mas uminit ang ulo ng binata. “So, you mean, nakapirma na siya?” intresadong tanong nito. Umiling siya. “Bakit daw?” mariing tanong ni Kyle. “Ang tagal ng presentation, ang galing ng proposal, tapos hindi pa rin niya nagustuhan? Ano bang ginawa mo?” Umiwas siya ng tingin. “Kyle, sinabi niya na kailangan pa niyang timbangin ang ibang offers. Hindi ko naman siya puwedeng pilitin. Siyempre, may integridad rin siyang pinanghahawakan bilang CEO.” “Hindi ko kailangan ng lecture, Mira! Output ang inaasahan ko sa’yo! Malaki ang tiwala ko sa’yo! Akala ko madali mo lang mapapapirma ang childhood sweetheart mo,” singhal nito. Napaatras siya ng bahagya. “Ginawa ko po ang makakaya ko. Pinilit ko siyang makinig." Ayaw na ni Mira na patagilid pa ang usapan ukol dito, kaya't nagsalita siya at nagpatuloy, "Sir, lasing ka, kailangan mong magpahinga. Kapag gising ka na, saka natin pag-usapan ang usaping ito." “Hindi ako lasing” sinabi ni Kyle, lasing ang tono ng boses. “May kailangan lang akong linawin.” “Linawin po? Tungkol saan?” tanong niya, pilit pinakalma ang tinig. Tinitigan siya nito bago nagsalita. “May nangyari ba sa inyo ni Sebastian?” tanong nito, direkta. “Sa hotel ba kayo nagpunta pagkatapos ng dinner?” Natigilan siya. Nasasaktan siya pero pinipilit niyang itago. “Teka, hindi po ba at utos ninyong sumama ako kay Sebastian? Bakit parang kasalanan ko pa ngayon?” aniyang hindi napigil ang sarili. “Hindi ko sinabi na ibenta mo ang sarili mo!" Nang mapagtanto ni Kyle ang kaniyang nasabi, nagsimula siyang magsisi, lalo na nang makita ang mga mata ni Mira na puno ng luha, kaya't pilit niyang sinabi:"Gusto ko lang ipaalala sa’yo na kasal tayo sa mata ng publiko! Huwag mo akong bigyan ng kahihiyan!” Tumango siya, kinagat ang labi at marahang naglakad sa kwarto. “Wait!” habol nito.“Darating si Lolo Mario. Ayokong makahalata siyang hindi tunay ang relasyon natin. Hahatiin na niya ang pinakamalaking shares niya sa Megawide. Ayokong mabutasan.” Marahan siyang tumango. Cold-hearted na, makasarili pa. Naiiling na lamang siya. Wagayway ang red flag pero hindi niya mapigil ang mas lumalaim na pagtingin para sa boss. *** Mainit ang araw ng Linggo ngunit presko ang hangin sa exclusive golf club na pinupuntahan ng mga elite businessmen sa siyudad. Naka-sports cap si Mira at simpleng polo dress. “Marunong ka bang maglaro ng golf?” tanong ni Sebastian, nakangiti habang inaayos ang guwantes. Casual ang bihis nito, pero eleganteng tignan. “Hindi ako marunong, wala akong ideya. Alam ko lang pinapalo ‘yang bola,” natatawang sagot niya, bitbit ang maliit na bag ng tubig at towel. “Don’t worry, I’ll teach you,” sabay abot nito ng isa sa mga golf clubs. Tumango siya, ngumiti din siya kahit tensyonado. May misyon siya ngayon, mapapirma na si Sebastian sa partnership proposal ng Megawide. Hindi siya pwedeng umuwi nang bigong muli. Ipinakita nito ang tamang posisyon at kung paano ang tamang paghampas ng golf ball. Nang sandaling makahanap sila ng lilim matapos ang ilang swings, umupo sila sa bench sa ilalim ng puno. Uminom siya ng tubig saka tiningnan ang lalaki sa tabi niya. “Sebastian,” simulang sabi ni Mira, may pag-aalangan. “Pwede bang… Seb na lang ang itawag ko sa’yo? Kagaya noong bata pa tayo?” “Oo, naman. Gusto mo love, mahal, honey, o babe ang itawag mo sa akin,” hirit nito. Natawa siya at nakakita ng pagkakataon. “Seb…” tinawag niya nang seryoso. “Alam kong binabasa mo pa ang mga proposal. Pero sana kung kaya mong pirmahan na, it would mean a lot for Megawide. At sa akin.” Tila hindi nagulat si Sebastian. Sa halip, nakatingin lang ito sa kay Mira, tila inaarok ang kanyang damdamin. “May tanong ako, Mira,” mahinang sabi ni Sebastian. “Sa tingin mo ba, karapat-dapat na mapili ang proposal ng Megawide, o gusto mo lang mapalugod ang boss mo?” Natigilan siya. Alam niyang crucial ang sagot. Huminga siya nang malalim. “Karapat-dapat ang proposal. Alam mo ‘yan dahil nai-present na sa’yo. Alam kong may value din sa Tuazon Group ang partnership, pero hindi ako magmamalinis, gusto din talaga ng boss ko na makuha ito. At gusto kong matulungan siya.” Tumango si Sebastian, tila pinoproseso ang lahat. “Kung sakaling pirmahan ko,” dagdag nito, “hindi ba parang nanalo siya hindi dahil sa proposal, kundi dahil sa’yo? Alam mong hindi kita kayang tanggihan.” Hindi agad siya nakasagot at snadaling nag-isip. “Ang mahalaga, mapapakinabangan ng parehong kumpanya ang partnership at ng mga tao sa ating bayan pati na ang mga karatig lugar. Kung sino man ang maging dahilan, hindi ba’t ang resulta pa rin ang dapat tignan?” Napangiti si Sebastian. “Gusto ko ang sagot mo. Pipirmahan ko na. Ayokong pinapahirapan ka.” Nanginginig ang kamay na inabot niya ang folder. Inilabas niya ang kontrata. “Handa ka nang pirmahan?” tanong niya, bahagyang nag-aalangan. “Handa na,” tumango ito at kinuha ang ballpen na inaabot niya. “Pero may kondisyon.” Natigilan siya at kumabog ang dibdib. “Ano ang kondisyon? Handa akong gawin. Sabihin mo lang.” “Samahan mo ako sa charity auction event ng Tuazon Group ngayong Biyernes,” sabi ni Sebastian. “It’s a formal event. Red carpet. Media coverage. I-anunsyo na din natin ang partnership ng dalawang kumpanya.” Nanatiling tahimik si Mira. Ilang tibok ng puso ang nagdaan bago siya tumango. “Okay. Pupunta ako. Sabihin mo kung anong oras, anong isusuot—” “Don’t worry,” putol ni Sebastian, may ngiti sa mga labi. “Ako na bahala sa gown mo. I’ll have it sent to your place. Pati mag-aayos sa’yo akong bahala.” Napakagat-labi siya. Formal event. Red carpet. Pwedeng ma-cover ng media. Ano kaya ang sasabihin ni Kyle kapag nalaman ito? Ngunit kasabay ng kaba, naroon ang tiwala. Ginagawa niya ito para sa kumpanya. Para sa layuning matagal nang gustong makamit ni Kyle. Isinulat na ni Sebastian ang kanyang pirma sa kontrata. Nakatayo siya habang pinagmamasdan ang mahalagang sandaling iyon. “Tapos na,” sabi ni Sebastian, sabay abot ng kopya ng kontrata sa kanya. Nakahinga siya ng maluwag. Ngumiti siya. “Thank you, Seb. Hindi mo alam kung gaano kahalaga ito para sa amin.” “For you, my princess.” *** Biyernes ng hapon. Sa loob ng kwarto ni Mira sa mansyon, tila isang whirlwind ang paligid, may stylist na abalang inaayos ang buhok niya, isang makeup artist na tila nagwawalis ng brush sa mukha niya, at isang assistant na tinitiyak na maayos ang kanyang designer gown. Isang team na ipinadala ni Sebastian. Ang gown ay kulay emerald green na bumabagay sa kutis niyang likas na maputi at makinis, may pa-deep neckline na bahagyang lumabas ang cleavage niya at slit hanggang hita. Simple ngunit elegante. Tumingin siya sa salamin ng matapos. Halos hindi niya makilala ang sarili. "Sigurado ka bang bagay sa akin?" tanong niya sa makeup artist habang tinititigan ang sarili sa salamin. “Miss Mira, you look stunning,” sagot ng stylist. “Parang ikaw ang auction item na highest bid tonight.” Hindi niya alam kung matatawa o mapapailing. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Kyle. Suot ang itim na suit, may hawak na folder at kunot-noo habang pumasok. Pero agad nag-iba ang ekspresyon nito nang masilayan ang ayos niya. Huminto ito. Napako sa kinatatayuan. Nagtagal ang tingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa. "Aalis na ako maya-maya," ang tanging nasabi niya, pilit binasag ang tensyon. Tahimik pa rin si Kyle. Ngunit ang mata nito, tila nag-aalab. May kung anong emosyon na hindi niya alam kung pinipigilan o pilit ikinukubli. “Maganda ba?” tanong niya. Tumikhim si Kyle. "Hindi ba masyadong revealing 'yan?" Napakunot-noo siya. “Formal event. May stylist. Si Seb ang nagpadala nito.” Kumunot lalo ang noo ni Kyle nang marinig ang pangalan ni Sebastian. “Pumayag akong samahan siya,” dagdag niya. “Para sa kumpanya. At alam mong ito ang kapalit para pumirma na siya at makuha natin ang kontrata.” Tahimik na tumango si Kyle, saka tumingin sa salamin. "Huwag kang magpagabi. Tama na din ang pagpapaganda at baka ikaw ang mabili sa auction,” sabi ni Kyle. Napatingin siya sa binata. Hindi niya alam kung biro iyon, o may halong selos. Asa naman siya. “Don’t worry. May asawa na ako, di ba?” “Buti at alam mong married ka. Distansya lang sa lalaking iyon. Ayokong madagdagan ang tsismis tungkol sa akin. Padating na si Lolo Mario, baka malaman niya ang mga ganyang isyu,” anitong tumalikod na. *** Magara ang ilaw. Flash ng camera sa magkabilang panig. Umaalingawngaw ang tunog ng jazz music mula sa live band habang unti-unting bumababa ang mga sasakyan sa harap ng Moonlight Pavilion, ang pinakasikat na event venue. Dito ginaganap ang taunang Tuazon Group Charity Auction. Nagbukas ang pinto ng isang itim na luxury car. Bumaba si Mira, hawak ni Sebastian Tuazon ang kanyang kamay. Parang slow motion ang lahat nang tumapak siya sa red carpet. Ang gown niyang emerald green ay tila sumasayaw sa hangin. Ang mga mata ng media, socialites, at business tycoons ay sabay-sabay na lumipat sa kanya. Nagbulungan ang mga tao. "Sino 'yung kasama ni Mr. Tuazon?" "Gorgeous! Parang artista!" "Misis daw ni Kyle Alavarado ‘yan, di ba? Yung CEO ng Megawide?" Tahimik lang siya, pero ang kaba sa dibdib niya ay parang drumbeat sa tenga. Sa gilid ng kanyang paningin, ramdam niya ang mga matang hindi niya alam kung sumusukat, humuhusga, o humahanga. Lumingon sa kanya si Sebastian. “You’re stealing the spotlight,” biro nito. “Okay ka lang?” “Medyo naninibago. Pero okay lang,” sagot niya, pilit ang ngiti. Pumasok sila sa loob ng pavilion. Bawat hakbang ay tila eksena sa pelikula, ang chandelier ay kumikislap, ang sahig ay nagliliwanag, at ang buong lugar ay puno ng mga kilalang personalidad sa mundo ng negosyo. Binigyan sila ng welcome drink at sinamahan sa harap ng ballroom kung saan nakaupo ang VIP guests. Halos kalahating oras na ang lumilipas ng nahagip ang mga mata niya ang padating na bisita. Pamilyar na pamilyar. Si Kyle. Hindi niya alam na invited din ito. Hindi umiwas si Mira sa tingin ni Kyle. Sa halip, tumango lang siya upang batiin ito. Nakita niya itong palapit. “Sorry, I’m late,” malamig ngunit maginoong bati ni Kyle, nakasuot ng itim na tuxedo. Tahimik ngunit matalim ang mga mata nito kay Sebastian bago lumipat ang tingin sa kanya. Ngumiti si Sebastian, tumayo at nakipagkamay. “Kyle. What a surprise. Didn't expect to see you here tonight. Sa tagal ng charity event namin, palagi ka lang nagpapadala ng representative. Pero mukhang espesyal ang araw na ito at personal kang nagpunta.” “Well, we’re business partners, dapat lang na suportahan ko ang charity event ng Tuazon Group,” sagot ni Kyle. Saglit na katahimikan. Tapos, biglang tinawag ang auctioneer sa gitna ng ballroom upang simulan ang highlight bidding, isang prime beachfront property sa bayan nila. “Next up, 500-hectare beach property! Starting bid at 50 million pesos!” anang auctioneer Agad na sumagot si Sebastian. “Fifty-five.” Tumugon si Kyle, malamig ang tono, “Sixty.” Napatingin si Mira sa dalawa. “Seventy million,” ani Sebastian. “Eighty,” sagot ni Kyle. Nagtinginan ang mga tao sa ballroom. Tila may tensyon sa pagitan ng dalawang bilyonaryong lalaki. “Ninety,” ani Seb. “One hundred million,” tugon ni Kyle. Tahimik ang lahat. Tumigil si Sebastian, ngumiti, saka umiling. “You win.” Palakpakan ang mga bisita, ngunit si Kyle ay hindi ngumiti. Imbes ay tinitigan siya habang sinasabi ng auctioneer na sold ang property. Ilang sandali pa. “And now, a surprise tribute item from one of our hosts, Mr. Sebastian Tuazon,” sabi ng auctioneer. Lumabas ang isang staff na may hawak ng isang eleganteng velvet box. “A one-of-a-kind emerald jewelry set, necklace, earrings, and bracelet. Designed by an Italian artist and personally chosen as a tribute to a special woman tonight,” anang auctioneer. Lahat ay namangha sa ganda ng alahas. Lumingon si Sebastian sa kanya. “It matches your dress. Bibilihin ko para sa’yo,” sabay kindat. “Let’s start bidding at five million pesos!” “Six million,” simula ni Kyle. “Ten,” si Sebastian. “Fifteen.” “Twenty.” “One hundred million,” ani Sebastian na ikinagulat ng lahat. Napatingin siya kay Sebastian. “Seb, huwag na. Wala akong hilig sa—” Ngumiti lang ito, at tahimik na tumango sa auctioneer. Nkita niya ang paggalaw ng panga ni Kyle. Alam niyang hindi magsasayang ng pera ang boss sa ganitong item lalo kung para sa kanya. “Sold to Mr. Tuazon.” Tinanggap ni Seb ang box at inabot iyon sa kanya. “Para sa’yo. Wala kang kailangang bayaran. Gusto ko lang maalala mo ‘tong gabing ‘to, just a remembrance.” Remembrance? Isangdaan milyon? Parang mas gusto niya ang cash kaysa sa alahas na hindi naman niya isusuot madalas. Mukhang trending na naman siya sa Megawide Secret Files. “Maraming salamat, Seb. Pero hindi ko matatanggap ang ganyan kamahal na regalo.” “Come on, Mira. This is for you. Emerald ang birthstone mo hindi ba? Early birthday gift ko sa’yo next month.” Nagulat siya na alam pa nito ang kaarawan niya. Ngumiti siya at tinanggap ang regalo. Pero hindi niya inaasahang isususot pa ni Sebastian ang kwintas sa leeg niya. Hindi siya makatingin kay Kyle. Ngunit ramdam niya ang init ng mga matang malamig ngunit tila kaya siyang tupukin. Matapos ang engrandeng auction event, unti-unting nagsialisan ang mga bisita mula sa venue. Mula sa kinatatayuan niya, nararamdaman ni Mira ang bigat ng alahas sa kanyang leeg hindi dahil sa timbang kundi sa tingin ni Kyle na parang hinuhubaran siya sa galit. “Let’s go. Uuwi na tayo,” anitong seryoso ang mukha, malamig ang boses. Agad siyang hinila nito. “Seb, uuwi na kami. Maraming salamat,” habol niya sa binatang abala sa kausap nito. Nakita niya ang kaway nito sa kanya. Tahimik sa loob ng kotse habang binabaybay nila ang pauwi, pero sa loob ng sasakyan ay hindi na nakatiis si Kyle. “Bakit mo tinanggap ang regalo?” tanong nito, diretso ang tingin sa kalsada habang mahigpit ang hawak sa manibela. “Ha?” “Yung alahas, Mira. Why did you accept it? Hindi ka ba marunong tumanggi?” Napakagat siya sa labi. “Sebastian was just being generous. Hindi ko naman pwedeng tanggihan dahil nakakahiya sa harap ng lahat.” “Hindi mo ba naisip na may asawa ka? Kahit peke lang ang relasyon natin, sa mata ng ibang tao, ikaw ang asawa ko.” “At ikaw rin ang nagsabing gawin ko ang lahat para mapapirma siya,” mariing sagot niya, pinipigilan ang sariling mainis. Tahimik si Kyle sa loob ng ilang segundo. “So ginagamit mo ang ganda mo para makuha ang deal? Tuwang tuwa ka sa atensyong ibinibigay ng mokong na ‘yun.” tanong nito, punong-puno ng buwelta. Napatingin siya sa binata, hurt flashing in her eyes. “Ginagawa ko lang kung anong kailangan para sa Megawide. Tumutulong lang ako.” Tiningnan siya ng diretso ng binata, mapanganib ang titig. “At sa pagtulong mong ‘yan... ini-enjoy mo rin princess treatment niya?” Napatayo ang balahibo niya sa tono nito. Napakapit siya sa bag niya, pilit ang kalmadong tinig. “Ikaw ang nagtulak sa akin para gawin ‘to. At kung may kasalanan ako, sorry. Pero hindi ako ang nagsimulang gamitin ang pagiging magkaibigan namin ni Seb. Alalahanin mong ikaw ang nag-utos sa akin.” “So ako ang sinisisi mo sa kalandian mo?” Na-shock siya sa nadinig. Umalon ang kanyang dibdib sa galit. “Baka akala mo hindi ko napapansin ang simpleng pang-aakit mo sa akin. Umaasa kang maambunan kita ng atensyon para instant bilyonarya ka. Kaya nga pumayag kang may mangyari sa atin! Pero ng makakita ka ng ibang lalaking mayaman na may gusto sa’yo, na iba na ang atensyon mo ngayon!” Bago pa man makapagsalita si Mira, biglang tumunog ang cellphone niya. Napakunot-noo siya nang makita kung sino ang tumatawag. Si Sebastian. Nagpadala ito ng mensahe kanina pa na hindi niya nareplayan. Napalingon agad si Kyle sa screen, sumimangot, ngunit walang sinabi. “Sagutin mo. I-loud speaker mo,” utos ng boss. Kahit alanganin, pinindot niya ang green button. Baka isipin pa ni Kyle na may tinatago siya kaya ayaw niyang sagutin sa harap nito ang tawag. "Hello, Seb?" bati ni Mira kay Sebastian sa kabilang linya, sinadyang hinaan ang volume ng boses. "Mira, just checking kung nakauwi ka na. " "Okay naman siya, thank you sa concern, Seb." sagot ni Kyle, pilit pinapakalma ang sarili. Bago pa man siya muling makapagsalita ay narinig niya ang boses ni Kyle, malamig pero may halong pang-aangkin. "Mahal, gusto mo ba ng dessert pag-uwi natin?" malambing na tanong ni Kyle, idinidiin ang salitang mahal na parang sinasadya. Muntik na siyang masamid. Napatingin siya sa katabi, pero ngumiti lang ito at kunwa’y walang malisya habang itinuon muli ang mata sa daan. Sa kabilang linya, ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita si Sebastian. Pagkatapos ay nagpatuloy si Kyle: “Mahal, I wanna fuck you here inside the car,” anas nito sa tenga niya sabay kuha sa cellphone at pinutol ang tawag. Nagtayuan ang lahat ng balahibo sa katawan niya. Lintek! Pati puson niya umalon sa nadinig. "Bakit namumula ang mukha mo? Pati puso mo dinig ko ang lakas ng tibok. Feeling mo naman, totoong I wanna fuck you. Sinabi ko lang iyon para inisin ang manliligaw mo at ilagay siya sa dapat niyang kalagyan. Makapal ang mukha, may asawa ka na, nanliligaw pa,” anitong nakangiti ng nakakaloko. Nawalan siya ng kibo. Napaglaruan na naman ang damdamin niya. Pilit siyang umiwas ng tingin. *** Lunch break na sa Megawide Corporation. Lahat ay papunta sa canteen na may libreng pagkain at inumin para sa mga empleyado. Ang iba naman ay nagtungo sa mga kwartong tila hotel kung saan pwedeng matulog at magpahinga. May recreational area din. Dalawang oras ang lunch break nila. Kaya walang nagreresign sa kumpanya maliban sa mga inaalis ni Kyle. Karaniwan ay sabay sila ni Jenny, pero nagulat siya nang makatanggap ng mensahe mula sa boss. "Pumunta ka sa opisina ko. Ngayon na." Sa bawat hakbang papunta sa opisina nito, ramdam niya ang bumibigat na hangin sa paligid. Pagpasok niya sa loob, agad na isinara nito ang remote-controlled na kurtina, kaya ang buong silid ay naging pribado, na ipinagtaka niya. Unang beses itong nagbaba ng kurtina. "May kailangan ka?" tanong niya, pilit nilalagay sa propesyonal na tono ang boses. Ngunit hindi agad sumagot si Kyle. Nakatitig lang ito sa kanya, at may nabasa siyang pagnanasa sa mga mata nito o baka guni-guni lamang niya. Hanggang sa tuluyang magsalita ito. "Paligayahin mo ako, Mira," anitong bahagyang itinulak ang upuan palayo sa mesa at nakabuka ang mga hita. Nanlaki ang mga mata niya. "Ano?!" "Mira, I’m serious. Sex ang kailangan ko." Hindi maipaliwanag ni Kyle kung bakit niya ginawa iyon, pero ang tanging sigurado siya ay galit na galit ito simula pa kagabi. Napalayo si Mira nang bahagya, nagtama ang kanilang mga mata. “Bakit ganyan ang itsura mo? You’re not virgin anymore. May nangyari na sa atin. Kasama sa kontratang pinirmahan mo na ibibigay mo ang pangangailangang sekswal ko.” "Ano ang gusto mong gawin ko?” mahinahon niyang sambit, pilit pinapakalma ang sarili. “Suck my dick,” deretsong sabi nito sabay alis ng sinturon. Nawalan ng kulay ang mukha niya. “A-ano ang ibig mong sabihin?” “Isubo mo ang ari ko,” anitong binubuksan na ang butones ng pantalon....

bioplm.com

🔞🔥Narito na ang higit pang mga kapana-panabik at kawili-wiling mga nobela👇👇👇

Learn more: bioplm.com(opens in a new tab)

More from Popular-reading-06

See all Popular-reading-06 ads

More ads from the top 1,000

See the top 1,000 ads