Skip to content
DreamLove7

DreamLove7 Facebook ad: “Misery of His Unlove Wife I-click para Magbasa”

DreamLove7 Facebook ad: Misery of His Unlove Wife I-click para Magbasa

Ran for 4 days, from July 15 to July 19, 2026, the last day Crush saw it.

Run by DreamLove7 on Facebook. Crush is not the advertiser and does not verify its claims. See this ad in Meta's Ad Library(opens in a new tab)

Want an ad like this for your product?

Crush makes new ad images for your product from this ad: your logo, your product photo, your offer.

Trials from $19.95 USD, then $79.95 USD a month. Cancel anytime.

About this ad

Meta Ad Library ID
2086875925591772
Platforms
Facebook, Instagram, Audience Network, Messenger and Threads
Relaunches
4

How we count

Ad text

"My husband is still in love with my sister. It was me who broke them up. “Zade, ginabi ka yata ng uwi,” nag-aalangang tanong ko matapos siyang pagbuksan ng pinto. Tumingin lang siya sa akin, hindi sinagot ang tanong ko. Ngumiti lang ako na parang walang nangyari. “Zade, pinagluto kita ng paborito mong hipon.” Kahit allergic ako sa seafoods, pinilit ko ang sarili kong magluto. “Can you please stop, Yuri. Kahit anong gawin mo, hindi kita magugustuhan. Hindi ikaw ang asawang pinangarap ko,” mapait niyang wika. Natigilan ako. Nangingilid ang aking mga luha ngunit pinigilan ko ang sarili na umiyak. “Sinisisi mo pa rin ba ako sa nangyari noon? Hindi ko naman sinasadya. Hindi mo naman ako kailangang pakasalan noon—” “Hindi sinasadya? Funny, Yuri. Alam natin pareho kung gaano ka ka-obsessed sa akin. Kaya mo nga nagawang magpanggap bilang si Atasha para makasiping ako.”" 1: Mapait NATUPOK Na ang kandilang sinindihan ko sa ibabaw nang cake. Labing dalawang araw bago ang pasko. Ito ang wedding anniversary namin ni Zade. Subalit alas diyes na nang gabi. Malamig na ang pagkaing pinaghirapan kong ihanda para dito, pero wala pa rin ang aking asawa. Kinailangan ko pang uminum ng anti-allergy pagkatapos dahil iniluto ko ang mga paborito nitong pagkaing seafoods. Which I am allergic to. Pero mukhang bigo na naman ako. Tatlong taon na akong kasal sa asawa kong si Zade Larzon Dela Merced. Ang CEO nang DELAMER's Group of Company. Pagmamay-ari nila ang ilang hotels at mga condumimum sa boung NCR. At mula nang hawakan ni Zade ang kompanya nang ama nito. Mas lumaki pa nga ang mga yaman ng pamilya nito. Mayroon na ring itong nacquire na Logistic company isang taon na ang nakakaraan. "Ma'am ililigpit ko na po ba ito?" mahinang tanong sa akin ni Aling Susan. Nagawa ko pang sulyapan ang mga pagkaing pinaghirapan kong ihanda. Another wasted efforts pero hindi pa rin ako nagsasawa. Isang mabagal na tango lang ang ginawa ko bilang tugon dito. At mapait kong tinitigan ang cake na pinaghirapan kong gawin para kay Zade. Hindi ko na tiningnan si Aling Susan dahil alam kong kinakaawaan lang naman niya ako. Buong buhay ko iyon lang naman ang natatagap ko mula sa ibang tao. But no one dare to make me feel na puwede rin akong mahalin. Dahil kahit ng mga katulong sa mansion ng magulang ko takot na magpakita ng awa para sa akin. Dahil ikagagalit 'yon ni Atasha. And my parents didn't care about that. Dahil si Atasha ang priority ng lahat. Ako--I was nothing. Dapat wala lang ako, hindi ako dapat maging mas mataas kay Atasha. Buti pa nga ang hangin, hindi mo naman nakikita pero nararamdaman mo pa rin. Noon kahit iyon kinaiingitan ko. Kaya kahit nahihirapan ako sa sitwasyon ko bilang asawa ni Zade mas gusto ko nang manatili sa bahay niya. Dahil kahit paano, hindi naman ako inaalila ni Zade tulad ng pamilya ko. Mabigat ang mga paang pumanhik ako sa silid ko. Hindi ko alam kong tama ba ito? Dahil minsan napapagod na rin ako. Pero hindi ko maiwasang umasam na kahit isang beses lang maramdaman kong may nagmamahal rin sa isang tulad ko. At umaasa pa rin akong balang araw makikita rin ako ni Zade Larzon bilang kanyang asawa. At hindi makasalanang babaing sumira sa magandang pangarap nito. Pero sino ba ang inuuto ko? Nakikita lang ako ni Zade kapag kailangan niya ang katawan ko. He told me it was my duty to satisfy him in bed. Dahil kasalanan ko kaya nasira ang kanyang pangarap. Kasalanang hindi ko naman alam kong paano nangyari. Pero siya--- wala siyang obligasyong igalang ako bilang asawa niya. Pagdating ko sa kuwarto ay binuksan ko ang TV para maglibang pero lalo lang akong nanlumo sa nakita kong live fashion show na umiere sa screen. Rumarampa doon ang kapatid kong si Atasha. She's my older sister, pero hindi ito pumapayag na tawagin ko siyang ate dahil isang taon lang raw ang age gap namin. Twenty two ako ngayong taon. Papatayin ko na sana ang TV nang magbago ang focus ng camera at napunta sa lalaking kanina ko pa dapat hinihintay. "Zade!" mapait kong sambit. The man was oozing with his undeniable charm and charisma. Walang sinumang hindi mapapalingon kapag dumaan o makita ito. Zade is an American-Turkish-Filipino. His physique was jaw dropping a sight to be hold. Lalo na kung wala itong suot na damit. I had seen him almost naked many times kaya alam ko. He was tall about 6'3, tanned skinned, well-built body na hahangarin ng kahit na sinong babae. He was a perfect figure na puweding gawing modelo. O Kaya isang male lead sa isang pelikula. Naglamlam ang aking mga mata habang pinagmamasdan ko si Zade sa tv screen, nakatingin sa kapatid kong mala-diyos ang kagandahan na rumarampa sa runway. Habang naghihintay akong parang tanga sa bahay, abala naman pala ang asawa ko sa pagbabantay sa kapatid kong pinakamamahal nito. Yes. My husband was in love with my sister. She's a saint for Zade. At ako ang masama at ipokrita, maldita at peke. Mangagamit at walang kuwenta. He was so blind to see what kind of life I was into, kasama ng kinikilala kong pamilya. I was an outcast. Unknown. Unseen. Akala ko noon si Zade na ang pag-asa kong makawala sa masalimuoot kong mundo sa piling ng pamilya ko. Pero nagkamali ako. Dahil higit na paghihirap pala ang mararanasan ko sa piling ng aking asawa. Sanay na akong masaktan at mabaliwala. Kaya hindi ko alam kong bakit nasasaktan pa rin ako ngayon. Nagpasya akong tawagan si Zade kahit alam ko na kung nasaan ito. I keep sending him message mula kaninang umaga pero hindi ito samagot man lang. Busy or not he would never answer my message. Minsan sinasagot rin niya ang tawag ko kaya umasa ako. Dahil kita pa rin ito sa kamera ay kita kong kinuha nito ang phone nito. He just look at his phone at kinancel ang tawag ko. Sukat doon ay hindi ko na napigilan ang pagtulo nang luha ko. "Kung ganun bumalik na siya." mapait kong saad sa kawalan. Hanggang sa nakatulog na lang ako habang nagpi-play ang fashion show ng kapatid ko. Ang alam ko tatlong taon na rin siyang wala sa bansa. Dahil sa kasal namin ni Zade. Nagising akong naramdaman ko ang mga matang nakatitig sa akin. Hindi na ako nagulat ng makita ko si Zade na nasa kuwarto ko. "Bakit panay ang tawag mo kagabi? I was busy last night." malamig pa sa yelo ang tinging ipinukol nito sa akin. "Huwag mong sabihing naghanda ka na naman para sa lintek na anniversary na 'yan." he growl with his perfect chiseled jaw tighten in rage. "Sorry," mahinang sabi ko. Ayaw ko mang sabihin pero hindi ko maiwasan. Tila kasi nakaprogram na sa sistema ko ang pagsasabi ng mga salitang 'yon kahit ayaw ko naman. Why would I be sorry kung siya dapat ang humihingi ng sorry sa akin. But who am I kidding? "Will you stop apologizing already, Yuri Ann. Why do you always play like a victim here." mapakla nitong sambit, hindi itinatago ang pag-uyam. "May family dinner tayo sa bahay n'yo mamayang gabi. Are you even aware na dumating na si Atasha?" puno ng sarkasmo nitong tanong pero nang bangitin nito ang pangalan ni Atasha hindi nakaligtas sa akin ang pagkislap ng mata nito. Kaya muli na namang nilapirot ng sakit ang puso ko. "Nakita ko kagabi." maingat kong sagot dahil ayaw kong mabulyawan pa ni Zade. Ganun siya pagdating sa kapatid ko. He was concern na parang ito ang itinuturing nitong asawa. He would even fvck me calling her name kapag lasing ito, tulad na lang noong nakaraang buwan. Naglakad na ito palabas ng kuwarto ko nang hindi ko napigilang magsalita. "Ayaw kong pumunta." mahina pero alam kong dinig niya ang sinabi ko dahil napahinto ito sa paglalakad. "Huh! Are you too ashamed to face her?" tuya nito. "You're coming with me!" madiing deklara nito saka pabagsak na isinara ang pinto. "Bakit ang unfair mo Zade?" naglalamlam ang matang tanong ko sa pintong sumara. Babangon na sana ako nang maramdaman ko ang saglit na pagkahilo. Ilang araw na akong parang laging lumulutang sa umaga. Noong isang araw nga nagsuka pa ako. Siguro dahil hindi ako nakakain nang maayos noon. Tapos kagabi hindi na rin ako nakakain dahil nag-antay ako kay Zade. Mabigat ang katawan kong naligo at nagbihis nang bigla akong napatakbo sa banyo dahil biglang tila kinuyumos ang sikmura ko. Nasusuka ko pero wala naman akong maisuka. Kumuha ako ng tissue para ipampunas sa bibig ko nang maagaw ang atensyon ko sa sanitary pads ko na hindi ko pa pala nagagalaw. Biglang tila sinuntok ang chest ko kaya't napatakbo ako palabas nang banyo only to see the calendar. Isang linggo na pala akong delay. Lumukob ang takot sa pagkatao ko. But part of me felt....excited. Zade strictly told me that I couldn't conceive his child. Kung tama ang hinala ko, alam kong dapat akong matakot para sa magiging anak ko. Binibigyan niya ako ng contraciptives para hindi ako mabuntis. Pero nakalimutan kong inumin 'yon pagkatapos ng may namagitan sa amin noong nakaraang buwan. Or maybe because I don't want to. Gusto ko na rin naman magkaanak. Magkaroon ng maituturing kong pamilya. "Tandaan mo to Yuri, hindi ikaw ang babaing pinapangarap kong maging ina nang mga anak ko kaya huwag mong papangaraping magkaka-anak tayo. Take that! Ayaw kong mabuntis ka." parang sirang plakang paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang mga sinabi ni Zade. Alam kong kung tama ako wala na akong ibang pagpipilian. "CONGRATULATIONS, Misis, buntis ka!" deklara nang doktora na nagpasikdo ng puso ko. Kaya't nahimas ko ng wala sa oras ang t'yan ko. Hindi naman na ako nagulat. But I felt like I wanted to cry. "Bu--buntis ho ako!" napapalunok kong ulit dito. "Yes dear," masaya ang ngiting saad ng Doktora. "Reresitahan kita ng mga vitamins na kailangan mo. You need to gain weight too. Kaya kumain kang mabuti." bilin nito saka nagsimulang isulat ang mga gamot na kailangan kong bilhin. Nagbilin rin ito na dapat may regular check-up ako. Excited ako kahit kinakabahan rin. Kailangan kong maging maingat na hindi malaman ni Zade ang tungkol sa anak namin. Ayaw kong isipin pero posibling utusan niya akong ipalaglag ang anak ko. At iyon ang labis na ikinababahala ko. "Hindi na niya kailangang malaman ang tungkol dito." Kaya kailangan ko nang magpasya ngayon. Kumirot ang didbib ko sa tanging paraang alam kong nararapat kung gawin. "I need to let him go. Palalayain na kita Zade." mapait kong saad saka napahawak ako sa tiyan ko. "Baka hindi ko na rin kailangang tuparin ang pangako ko sa'yo noon." 2: Desisyon "WHAT TOOK you so long!" malamig na bungad sa akin ni Zade nang sagutin ko ang tawag nito. "Sinabi ko naman sa'yo na---" "Susunod na lang ako sa bahay," sansala ko sa sasabihin nito. Halatang natigilan ito, dahil dinig ko ang malalim nitong paghinga. I know he hates it when I cut him off. "Nandito na kaming lahat at ikaw na lang ang inaantay, huwag mong abalahin ang lahat, Yuri." madiing sermon nito bago ko maibaba ang phone. "Masyado ka lang excited na makasama si Atasha." mahinang sambit ko na ikinasulyap sa akin ng driver, subalit tipid ko itong nginitian. "Paano n'yo nagagawang ngumiti Ma'am kung ganyan kalungkot ang mga mata mo." anang matanda na muling ikinabaling ko dito. "Sa tingin ko ho matapang kayong babae." may ngiti sa labing sambit nito. "Pero punong-puno ng bigat ang puso n'yo." "Ho?" takang saad ko pero baka nga ganun ako kalungkot ngayon. Kaya kahit ibang taong hindi ko kilala nakikita ang sakit na nararamdaman ko. Mabuti pa si Manong nakita niya 'yon. "Salamat po, Manong." nasabi ko na lang. "Kung ano man ang nagpapalungkot sa puso mo, hija. Bitiwan mo na. Anong malay mo kapag wala ka na doon ka makita nang taong nagpapalungkot sa puso mo." makahulugang saad ng matanda bago ihininto ang sasakyan. "Dito na tayo hija." anitong muling ngumiti. Tumango lang ako sa sinabi nito. Saka ko bumaba. "Kung wala na ako?" mapait kong tanong sa kawalan. "Baka magdiwang pa si Zade kapag nawala na ako sa landas niya." Kaagad naman akong pinagbuksan ng guard nang makita ako ng mga ito. May CCTV monitor kasi sang harap ng gate kaya kahit hindi ka kumatok pa makikita na nila. Binati rin ako ng security. Saka tuloy-tuloy na kong naglakad. Palapit ako sa main house ng maagaw ang atensyon ko sa dalawang taong nag-uusap. Nakahilira kasi sa pathway ang matataas na halaman ng santan na hitik lagi sa mga bulaklak. Kaya malamang hindi ako mapapansin ng dalawang taong nakaupo sa swing paharap sa garden. All year round ang mga bulaklak ng santan kaya laging maganda ang hardin sa mansyon ng magulang ko. Maganda ang bahay namin, elegante, malaki at malawak ang garden. Mataas ang bakod at mararamdaman mong safe ka kapag nasa loob ka. Siguro para sa mga taong totoong nakatira doon. Pero ako, kapag nasa bahay ako para ako laging hindi makahinga. "Kailan mo ba siya hihiwalayan Zade?" natigil ang takbo nang diwa ko nang marinig ko ang tinig na iyon ni Atasha. Naroon ang mga ito sa swing sa labas kaya malamang hindi nila ako mapapansin. Kita ko pang nakahilig ang ulo ni Atasha sa balikat ng asawa ko habang nakaakbay naman si Zade dito. Tila nilapirot ang puso ko sa sakit pero umiling lang ako. Nakapagpasya na ako. Hindi ko na dapat baguhin ang tungkol sa bagay na 'yon. Tutal kahit naman maghiwalay kami ni Zade wala namang ibang makaka-aalam. Sekreto ang kasal namin ni Zade. Tanging sa pagitan lang nang mga pamilya namin. Kahit ang mga katulong ay pinagbabawalang pag-usapan ang tungkol doon. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa sitwasyon kong ito. Basta isang gabi, three years ago sa supposed engagement ni Atasha at Zade, nagising na lang ako sa ingay at sa sigaw ni Atasha. At nagulat akong nasa guest room ako kung saan natutulog si Zade at magkasama kami sa kama. Wala akong matandaan sa nangyari noon. Pero dahil nakita kami ng mga magulang ni Zade sa di magandang sitwasyon, kaagad kaming ipinakasal sa huwes nang gabi ring 'yon. Conservative kasi ang parents ni Zade. Para akong puppet ng sandaling iyon na walang ibang nagawa na lang kundi ang umayon sa lahat. "Darating ang parents ko sa susunod na lingo, kakausapin ko na sila tungkol sa annulment namin ni Yuri, and well get married then, honey." malambing na pag-aassure ni Zade dito. Alam ko naman na pero para pa rin akong sinaksak na tumagos sa puso ko. Kaya't nagpasya na akong talikuran ang mga ito at tumuloy ako sa main house kahit halos gusto ko nang tumakbo na lang. Ang sakit pa rin kasi. Kung bakit kasi hindi ko magawang maging manhid na lang pagdating kay Zade. "Finally you arrived," malamig na puna sa akin ni Mama. Si Mrs. Natasha Montefalco na tumaas pa ang kilay sabay iling. "Bakit hindi mo pinapahalagahan nang oras ng iba, Yuri?" "Tama na 'yan may bisita tayo," saway naman ni Papa na ibinaba na ang hawak na libro. Saka walang ganang binalingan ako. "Sa susunod huwag ka nang magpapalate, minsan ka na nga lang umuwi dito sa bahay." malumanay pero malamig ang titig nito sa akin. Si Gener Montefalco ang ama ko-- isang kilalang negosyante. Civil siya sa pakikipag-usap sa akin. Hindi masungit at hindi naman sarkastiko, hindi tulad ni Mama. Pero ni minsan hindi ko naramdamang naging ama siya sa akin. "Manang tawagin mo na ang Ma'm Atasha nang makapagdinner na tayo." utos ni Mama sa katulong na nagmadali naman nang sumunod. Hindi nagtagal ay nasa hapag na kaming lahat. Kita ko pa ang pagkabigla saglit ni Zade ng makita ako. Dalawang linggo nang huli kaming magkita dahil busy umano ito. Malamang busy kay Atasha. Dahil nalaman kong dalawang lingo na pala mula ng dumating ang kapatid ko. "We're glad na kompleto tayo ngayon." masiglang simula ni Atasha pero sa mukha ni Zade na pinilit nitong maupo sa tabi nito nakatingin. "Oo nga, nang umalis ka, anak hindi na rin umuwi rito si Yuri, masyado ba siyang busy sa bahay n'yo hijo?" malambing na baling ni Mama kay Zade. "Busy ho si Yuri sa mga painting niya. Pasensya na hindi ko siya mapilit dumalaw. Busy rin ho kasi ako sa trabaho." Paumanhin ni Zade. "Ayos lang hijo, sanay na kami sa ugali ni Yuri, sadyang matigas lang talaga ang ulo ng batang 'yan. Kaya ikaw nang bahalang magpasensya." nakatawa pang saad ni Mama. Sanay na ako sa pagiging plastic nila sa harap ng ibang tao. Lalo na sa harap ni Zade at nang mga magulang ng asawa ko. "Siya nga pala sis, may mga pasalubong ako sa'yo nasa room mo. Kunin mo na lang later. Those are expensive stuff..." may pagmamalaking saad ni Atasha. Kaya't hindi ko napigilan ang mapag-uyam na tawa, na ikinagulat nang lahat. "Sorry, natuwa lang ako." ani kong tumikhim pa. "Pero ako rin may surprise rin sa'yo?" nasabi ko. "I'm sure ikatutuwa mo nang sobra." sinamahan ko pa nang ngiti ang sinabi ko. Kita kong pagkabigla sa mukha ni Atasha. Nagulat sila malamang. Kapag nasa ganung family dinner kami at may ibang tao. I was not allowed to say anything. Required lang akong kumain at ngumiti na parang isang puppet. "Really!" tumaas pang isang kilay ni Atasha dahil doon. "Sana hindi prank 'yan ha." "Ikaw lang naman ang mahilig sa prank. Sasabihin mo, mamahalin at bago ang regalo mo. Pero hindi naman talaga." mahinang sambit ko na ikinakunot noo ni Zade. "Yuri, bakit mo sinasabi 'yan sa kapatid mo." tiim bagang saway ni Zade sa akin pero tinitigan ko lang ito na ikinagulat nito. NATIGILAN ako sa kakaibang tingin ipinukol sa akin ni Yuri. Kahit minsan ay hindi pa ako sinalubong nito ng titig mula nang makilala ko si Yuri. Madalas itong nakatungo at walang sinasabi. Kundi oo, at sorry o kaya pasensya na. Iyon lang ang maaring marinig dito But why did I feel bothered by her sudden change of expressions? Parang may nag-iba dito. I was cruel with her I knew. Dahil hindi ko naman talaga siya mahal. Si Atasha ang girlfriend ko at dapat magpapakasal na kami. Pero sa araw ng proposal ko ay natagpuan ko ang sarili ko sa kama kasama si Yuri sa guestroom ng bahay ng mga Montefalco, kung saan ako natutulog. Pinalaki akong konservative nang magulang ko. Though I'm not a saint para hindi sumuway sa utos nila pagdating sa tawag ng laman. Tao rin naman ako. Pero nang malaman kong si Atasha ang babaing pinangakuan kong pakasalan noon. Iginalang ko si Atasha. Dahil iyon ang turo sa akin nang magulang ko. Pero nang gabing 'yon sa bahay pa mismo nila Atasha may nangyari sa akin at sa kapatid nito. I got drunk that time at medyo nahilo ako kaya nagpasya akong magpahinga muna sa guestroom. Tanda kong ipinagdala pa ako ni Atasha noon nang tubig and he told me to rest dahil dalawang oras pa naman bago magsimula ang party nito. But in the middle of my sleep, at dala nang kalasingan ko, kita kong pumasok si Atasha sa kuwarto ko. And we make out. I took her na para akong isang gutom na hayop na inangkin siya sa unang pagkakataon. Pero paggising ko ibang babae ang nasa kama. Hindi si Atasha kundi ang tahimik at mahinhin nitong kapatid na hindi mahilig makipag-usap. The thought made me clench my teeth. Nagagalit ako kay Yuri dahil siya ang sumira sa amin ni Atasha. At kung bakit naman kasi nawala ako sa kontrol ng gabing 'yon to the point na nakita pa kami ni Atasha at ng Mommy ko na muntik nang atakihin dahil sa kahihiyan. At sinisi ko lahat 'yon kay Yuri. Pakiramdam ko sinadya niya iyon. Pero sa tuwing iisipin ko rin naman, wala akong nakikitang rason para gawin ni Yuri iyon. Kaya lalo lang akong naiinis. Tahimik ito at hindi palasalita. Ang sabi ni Mrs. Montefalco baka daw dahil artist ito. Mahilig kasing magpinta si Yuri. At magaling nga ito. I saw her some of her painting sa isang kuwarto sa bahay namin. Pero aksidente lang iyon dahil hinanap ko noon si Yuri para sana sermunan dahil hindi ito umuwi sa wedding anniversary ng magulang nito. Hindi ko alam kung bakit parang walang paki-alam si Yuri sa pamilya nito. Gayong mababait naman ang mga Montefalco. At ngayon nga ay nagiging rude na rin ito. "Don't say that to your sister." asar na saway ko dito. "Ano bang alam mo. Bakit hindi ka pumunta sa kuwarto ko sa basement para makita mo ang mga regalo niya sa akin." paasik na sagot ni Yuri sa pagitan ng pagsubo. Saka ito tumingin kay Atasha na nagulat ata, kaya biglang namula ang mukha. "Mama," naiiyak na nagpapasaklolo si Atasha sa ina. "Anak, hayaan mo na ang kapatid mo. Yuri mamaya check mo iyong gift ni Atasha, kapag hindi mo nagustuhan magshopping na lang tayo." malambing na saad ni Mrs. Montefalco. "Shopping? Hmp!" bakas ang disgusto sa mukha ni Yuri saka nababagot na ibinaba ang hawak na kubyertos. Maingat itong nagpahid nang tissue sa labi. Saka inalis ang reading glass nitong madalas nitong sout. Noon ko napansing maganda pala ang mga mata ni Yuri. Kakaiba kaysa sa magulang o sa kapatid nito. I thought she had deep black eyes too. But she had light brown eyes na may malambot na ekspresyon. Sukat doon ay napakurap-kurap ako. Bakit parang ibang babae ang kaharap namin ngayon. Nasaan ang mukhang maamong tupa kong asawa. "Hindi na kailangan, Mama. Nakakapagod mamili tapos hindi naman pala sa akin mapupunta. I can't even choose what I like." direktang saad nito sa ina. "Yuri!" asik na saway ni Mr. Montefalco sa anak. "What is wrong with you?" "Wala ho Papa. I just came to realized that I'm tired of everything. Pagod na akong magpangap, at pagod na rin akong tumungo lagi." ikinagulat ko ang pagtulo nang luha ni Yuri na nagdulot ng kakaibang kirot sa puso ko. "What the fvck!" sambit ko sa sarili ko. "Ngayong bumalik na si Atasha, gusto ko nang lumaya. Maghiwalay na tayo, Zade." parang may kung anong bagay ang sumipa sa didbib ko sa sinabi nito. "Para hindi n'yo na kailangan magtago pa ni Atasha, nakakahiya kong malalaman ng ibang kasal na ang lalaking sinasamahan mo hindi ba?" baling nito kay Atasha na pulang pula ang mukha. "Ang saklap kong matatawag na Mistress ang pinakapaboritong anak ng Montefalco." 3: Lakas Loob "ANO SA tingin mo ang ginagawa mo, Yuri Ann!" Galit na habol sa akin ni Zade ng palabas na ako nang mansion ng magulang ko. Marahas na kinabig nito ang braso ko kaya napangiwi ako. Subalit hindi ko ipinakita sa kanya na nasasaktan ako dahil wala namang halaga iyon kay Zade. Walang halaga sa kanya ang anumang tungkol sa akin. "Ano bang tingin mo, ginagawa ko ang sa tingin ko dapat matagal na nating ginawa, Zade Larzon. Pagod na rin naman ako," pag-amin kong ikinatitig nito sa akin. Ang kaninang nag-uuyam nitong tingin ay napalitan ng pagkagulat at gumalaw ang panga nito tanda na galit ito. Pero hindi ito nagsalita. "Tama ka, bakit nga ba hindi ako napapagod? But I am now. Kaya okay na. Malaya ka nang gawin ang gusto mo, hindi na rin ako maoobligang gawin ang mga bagay na kahit minsan hindi mo naman pinahalagahan. Dahil akala mo ako ang may kasalanan nang lahat, wala kang alam sa akin Zade, kaya bakit mo sa akin isinisisi ang lahat? Kaya tama 'to." mapait kong tinitigan si Zade sa mga mata nito. I never did that back then, dahil natatakot akong makagawa nang pagkakamali. Dahil ayaw kong maghiwalay kami ng asawa ko. Dahil alam kong sa poder nito mas ligtas ako. But I was wrong. Pero may dahilan na ako ngayon para palayain ang sarili ko. Kaya ito na ang gagawin ko. Kumurap-kurap ako upang pigilin ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. "Hindi mo puweding gawin 'to Yuri, you can't---" "Bakit kailangan ba, antayin ko pang ikaw ang magsabi na maghiwalay na tayo. Kailangan ba isipin ko pa ang pride mo?" patuyang sumbat ko dito na muli na naman nitong ikinabigla. Malinaw ang narinig ko kanina. At alam kong tama lang talagang ako na ang kusang umayaw. "I'm sorry, pero gusto ko nang maging malaya, sayo at sa pamilya ko." kuyom ang kamaong saad ko dito. "At saan ka pupunta pagkatapos? Wala kang ibang pupuntahan Yuri. Your nothing without me or your family." pumiksi ang balikat ko dahil sa sinabi ni Zade. Totoo naman, kaya nga hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob dahil natatakot ako sa maraming bagay noon. Pero kapag nalaman ni Zade na buntis ako, alam kong mas dapat kong ikatakot ang magiging pasya nito. At hindi ko hahayaang mareject ang anak ko na hindi pa man lumalabas sa mundo. Siguro ganito kapag magiging ina ka na, mas nagiging matapang ka na. Dahil noon hindi ko man lang magawang isiping takasan ang lahat. Dahil ang alam ko sila ang pamilya ko. Kaya ginagawa ko ang lahat para makita rin ako. Kahit alam kong mas madali pa mamatay kaysa ipilit ang gusto ko. Dahil kahit minsan hindi ko naramdamang may pamilya ako sa piling ng kinikilala kong pamilya. At hindi kailanman ipinaramdam sa akin ni Zade na ako ang babaing posible niyang magustuhan kung magsisikap ako. Tulad ng pagsisikap kong gawin ang lahat para matuwa sa akin ang pamilya ko. Ang gusto ko lang naman sana magkaroon nang matatawag kong pamilya. Pero simula ng magkaisip ako lagi na lang akong nag-aamot ng atensyon at pagmamahal. Ang kuwarto ko sa basement hindi katulad ng silid ni Atasha na nasa second floor, at may magandang kama at maluwang na espasyo. Ang silid ko ay may iisang ilaw lang at maging ang kama ko ay pinaglumaan pa ni Atasha. Nagkakaroon lang ako ng bagong damit, kapag ayaw ni Atasha sa bagong damit na mayroon ito. The rest of my things belong to Atasha. Lahat ng pinaglumaan niya sa akin napupunta. Pero hindi pa ito nakokontento, kinukuha nito ang lahat na mayroon ako. Maging si Zade ay kinuha niya sa akin. Pero hindi ako puweding magsalita. At alam kung hindi rin naman kami bagay ni Zade nang muli kaming magkita. "Wala kang pupuntahan Yuri Ann kaya---" "Kung ang mga aso nga nakakatagpo nang mababait na amo kapag sinuwerte sila, baka makatagpo rin ako nang mabubuting tao para makita at maramdaman ko na may halaga rin ang tulad ko." matatag kong saad kay Zade saka ko siya tuluyang tinalikuran. "Yuri!" dinig ko pang sigaw nito. Pero wala na akong planong lumingon pa. Ang tanging alam ko lang, ito ang tama para sa amin ng magiging anak ko. Pagkalabas ko nang gate ay umilaw ang pulang kotsing nakaparada sa di kalayuan nang mataas na bakod saka iyong umandar palapit sa akin. "Let's go!" anang babaing maiksi ang buhok na ikinangiti ko. Kaagad na akong sumakay sa kotse nito. Si Moira Sebastian ang nag-iisang kaibigan ko. Magkaklase at magkaway kami noong college. "Nagawa mo?" excited nitong usisa saka pinasibad na ang kotse palayo. Noon ko nagawang huminga. Saka tumango kasabay nang pagtulo ng luha ko. "O--oo.." utal-utal ko pang sagot na ikinatawa nito. "Yuri my dear, dapat matagal mo nang ginawa 'yan. Congratulations! Ayan, para sa'yo yan, kainin mo." utos nito na inginuso ang brown paper bag na nasa ibabaw ng dashboard ng kotse. "Ano to?" "Buksan mo na lang kasi." ani Moira. Napaismid ako nang makita ko ang pritong tokwa. Kaya ngumisi ito. "Napapanood ko sa mga Korean drama, pinapakain nila niyan ang mga bagong layang bilanggo. Prito nga lang iyong dala ko. At medyo sunog para umitim naman ang budhi mo. At makaisip kang gumanti. Ops.." anitong tinampal ang sariling bibig. "Hindi naman ako narinig nang inaanak ko diba?" natatawang saad nito. "Baka hindi naman." nasabi ko. "So anong plano? Sabihin mo lang, ikaw na lang ang inaantay ng apartment mo." anitong sumeryoso pa. Six months ago nang ikuha ako nito nang apartment dahil matagal nang sinasabi ni Moira na sumuko na ako kay Zade. Mag-iisang taon na mula nang isama ni Moira ang ilang paintings ko sa gallery ng ina nito. And to my surprise sold out ang sampung painting ko sa gallery event. At magaganda ang feedback na natangap ko mula sa mga painting enthusiast. Sa kasalukuyan, may sapat na rin naman akong pera para magsimula. At si Moira lang ang nakaka-alam noon. Kaya mali si Zade na wala akong mapupuntahan. Alam kong magagawa ko. Makakaya ko. Dahil kakayanin ko. Madami na akong pinagdaanang hirap kaya alam kong madali na lang ang lahat. Palubag loob ko sa isipan ko. Pero hindi ko pa ring maiwasang kabahan. MEANWHILE. "ZADE bakit hindi ka pa pumasok sa loob, honey." ang tinig na iyon ni Atasha ang gumising sa natutulirong isipan ni Zade. Hindi pa rin ito makapaniwalang sa isang iglap lang nagbago ang babaing tatlong taon rin niyang nakasama. "Hindi ka man lang ba nag-aalala sa kapatid mo?" saway niya dito. Kakaiba ang mga sinasabi ni Yuri sa mga nakikita kong pakikitungo ng pamilya nito dito. She's being rude at halata ang galit sa mata nito kanina. Pero mabait at mapagbigay ang mag-asawang Montefalco sa bunsong anak ng mga ito. Kaya hindi ko maiwasang mapa-isip kung bakit ganun na lang ang ipinakaita ni Yuri sa dinner kanina. At sa nakalipas na tatlong taon, hindi umuwi si Yuri sa pamilya nito kahit sa mga special na okasyon na siya mismo ay nakakadalo. "Hayaan na natin si Yuri, masyado naming na spoiled ang batang iyon." iyon ang madalas sabihin ni Mrs. Montefalco sa kanya kapag dumarating siyang wala si Yuri. Kaya nga lalong naiinis si Zade sa asawa nito dahil parang wala itong pagpapahalaga sa pamilya. Sa lahat iyon ang isang bagay na gusto niya. Isang babae na may pagmamahal sa pamilya. "Bakit ganun si Yuri?" hindi nakatiis na tanong ni Zade kay Atasha na nakakapit pa sa braso nito. Zade didn't mind at all. Dahil si Atasha naman talaga ang mahal nito. Pero sa pagkakataong 'yon ukupado ni Yuri ang takbo ng isipan niya. "Don't mind her, kita mo naman ang ginawa niya. Salbahe talaga ang babaing iyon. I'm sure she's just jealous, honey. Alam naman niyang ako ang mahal mo kaya natural lang 'yon siguro. Nagselos at nagalit rin naman ako nang siya ang pakasalan mo noon." may himig tampong saad nito. "Pero ngayong siya na mismo ang nakikipaghiwalay. I guess. I don't care anymore." bakas ang excitement sa mukha ni Atasha. "Babawiin kita no matter what, just what I promised right." "I know, pero kasal pa rin kami ni Yuri at hindi ko pa nasasabi sa parents ko ang plano." "Ano ba, Zade. Ako naman talaga ang gusto ng Mommy mo para sa'yo diba. I have this." anitong hinawakan ang sout nitong kuwentas. Ang Jade pendant na kapares ng pendant na nasa kanya. It was a half star jade. Ang kalahati ay nasa kanya. Ipinapasa 'yon sa mga babaing napipili ng panganay na Dela Merced bilang maging kabiyak. Pero na kay Atasha ang kuwentas, subalit hindi ito ang asawa ni Zade. "I love you Zade, so much." bakas ang kasiyahan sa mata ni Atasha na mabilis na tumingkayad upang halikan sa labi si Zade. At dala nang pagkabigla ay hindi na rin naka-iwas pa si Zade. Ano bang masama? Kapag opisyal na silang hiwalay ni Yuri, pakakasalan niya ang babaing totoong para sa kanya. Dapat laging tumupad sa pangako. Iyon ang bilin sa kanya nang ama. Kaya lumaki si Zade na pinapahalagahan ang bawat salitang binibitiwan nito. At iyong ang ipinangako niya sa dalaga noon. "Excited na akong sabihin mo sa parents mo ang tungkol sa annulment n'yo ni Yuri." hirit ni Atasha. "Ako rin," nasabi niya subalit naroon ang agam-agam na hindi niya maunawaan. "ARE YOU sure na gusto mong umuwi pa sa bahay ng asawa mo after mong magdeklara ng giyera?" nandidilat pang tanong ni Moira sa akin pagkagaling namin sa restaurant para kumain. Bigla kasi akong nakadama ng gutom dahil halos hindi rin naman ako nakakain sa bahay kanina. Paano ko magagawang kumain kung kailangan kong mag-ipon ng matinding lakas ng loob para sabihin ang lahat ng dapat kong sabihin. "Hmm... kailangan ko ring kunin ang ilang personal kong gamit. Gusto kong umalis na walang iniiwang bakas sa bahay ni Zade." mahinang saad ko dito habang nakatuon ang mata ni Moira sa kalsada. "Iyon ba talaga ang dahilan?" Nanantiya ang tinging saglit na ibinigay sa akin ni Moira. "Yuri, kilala kita kaya alam kong hirap ka pa ring isuko si Zade." "Siguro pero wala na akong pagpipilian pa." I pressed my lips as I say that. "Alam kong hindi ganun kadali na kalimutan si Zade pero alam kong magagawa ko rin." " Yes. Para sa baby mo. Excited na akong makilala ang inaanak ko. Siya nga pala bukas ipapakilala kita doon sa benefactor ng gallery ni Mama na sobrang na inlove sa paintings mo." "Bakit naman?" "Gusto ka raw niyang makilala, akala ko nga ako ang type niya nang lapitan niya ako sa Gallery, ikaw pala. Nakaalis ka na kasi kaya disappointed iyong guwapong binata." nakangusong saad nito. "Big time 'yon. Nainlove sa mga painting mo, sabi pa niya iyong mga painting mo daw, naiimagine lang niya. Kaya sobrang tuwa raw niya ng makita niya iyong mga gawa mo." "Baka naman masamang tao 'yan ha." "Hindi no, anak siya nang Senador. At sobrang hot at yummy. Looking back pareho ang kulay ng mata n'yo. Buti naisipan mong alisin ang contact lense mo. Ikaw lang ang taong nakita ko na may contact lense na may reading glass pa." "Alam mo naman... pero wala na ang mga 'yon mula ngayon. Gagawin ko nang mga gusto ko kaya hindi ko na isusout ang salamin ko." nagawa ko pang ngumiti dito. " Pero, seryoso ba iyong tungkol doon sa sinsabi mo." di makapaniwalang tanong ko dito. "Yep, kaya be free tomorrow, ipapakilala kita sa kanya." paalala nito na ihininto na ang kotse. Nasa tapat na pala kami ng main gate ng mansyon ni Zade. "Are you sure you'll be okay?" bakas ang pag-aalala sa mukha ni Moira. "Oo naman. Sige na thank you, Moi." pinalambing ko pa ang boses ko na ikina-ikot ng mata nito. "Stop calling me that, bye." naiiling nitong saad saka pinatakbo na ang sasakyan. Sumenyas pa ito ng lingunin ko ito. Kaagad na rin akong pinagbuksan ng security. Isang malalim na paghinga ang pinawalan ko nang mapansin kong naroon na ang kotse ni Zade sa garahe. And what surprise me more ay naroon ito sa may pinto na tila nag-aantay. At mukhang naiinip na. "What took you so long, saan ka galing?" matiim nitong bungad na ikinabigla ko. Halos mag-isang linya kasi ang makapal na kilay ni Zade. Bakit parang galit ata ito. "Bakit nandito ka na? Hindi ako sanay na nagkikita tayo dito sa bahay, lalo na ang antayin mo ako? Hindi ba dapat nagpapakakasaya ka kasama ng mahal mong si Atasha." sarkastikong balik tanong ko dito na lalong ikinasalubong ng kilay nito. "My God, Yuri, what is wrong with you!" sigaw nitong ikinapiksi ng balikat ko.

assets.dreame.com

📖Misery of His Unlove Wife📖I-click para Magbasa👉

A wonderland for all kinds of book lovers; Embrace a whole new world of gripping stories.

Learn more: assets.dreame.com(opens in a new tab)

More from DreamLove7

See all DreamLove7 ads

More ads from the top 1,000

See the top 1,000 ads