Sweetnovels05-FW ad creative
Sweetnovels05-FW
Sweetnovels05-FW

Active· since Jun 12, 2026

95
days running
0
relaunches
2
EU reach

Ad copy

“I’m getting married again,” malamig na sabi ni Dashiel. “And I won’t repeat myself. Hindi rin ako hihingi ng permiso mo.” Bigla niyang ibinaba ang tasa ng kape sa mesa, sapat ang lakas para tuluyang tapusin ang almusal na ni hindi man lang niya nahawakan. Nanatiling nakatayo si Addison malapit sa mahabang dining table na may puting marmol. Hawak pa rin niya ang spatula, pero nagsimula nang manginig ang mga daliri niya. Pinilit niyang maging kalmado ang mukha, kahit pakiramdam niya ay unti-unti siyang nilalason ng bawat salitang binitawan ni Dashiel. Bahagya niyang ibinaba ang ulo, hinayaan niyang tumimo ang sinabi nito, kahit ramdam niyang winawasak siya nito mula sa loob. “Si Venus ba?” mahina niyang tanong, halos pabulong. Hindi siya tiningnan ni Dashiel. Huminga lang ito nang mababaw bago sumagot nang walang emosyon. “Yes. Who else?” Hindi kailanman minahal ni Dashiel Kristian Gutierrez ang asawa nitong si Addison. Ang puso nito ay matagal nang pag-aari ni Venus Mae Bonifacio. Sa totoo lang, ang kasal nila ay malaking hadlang lang sa love story nj Dashiel at Venus. Isang abalang gusto nitong tanggalin. Pero ano ang magagawa ni Addison, kung ang babaeng nag-ayos ng kasal na nangyari ay naging mabuti sa kanya? Si Eva Gutierrez, ang lola ni Dashiel. Hindi rin ginusto ni Addison ang kasal na ito. Ang tanging hiling lang niya noon ay isang maayos na libing para sa kanyang ina. Lahat ng sumunod na nangyari, tinanggap na lang niya bilang kapalaran. Sumuko siya, kahit sariwa pa rin ang sakit ng pagkawala ng ina niya. Pero tumanggi si Eva na doon na lang matapos ang lahat. Ipinilit nito kay Addison na pakasalan niya si Dashiel, ang paborito nitong apo, bilang kabayaran sa kasalanang ginawa nito. Dahil si Dashiel ang dahilan ng pagkamatay ng ina ni Addison. Para kay Eva, si Addison ay isang batang babaeng nag-iisa na sa mundo. Pumayag lang si Dashiel dahil wala siyang choice. Napilitan siya sa kagustuhan ng lola niya. Pero ngayon, patay na si Eva Gutierrez, pumanaw dahil sa sakit dalawang linggo pa lang ang nakalilipas, at nakita ni Dashiel ang pagkakataong makalaya sa kasal na hindi naman niya kailanman ginusto. Wala na siyang dahilan para manatili sa kasal na ito. Wala na. Isang munting ngiti ang sumilay sa labi ni Addison. Hindi iyon ngiti ng saya, kundi ng mapait na pagtanggap. Pinatay niya ang kalan at marahang inilapag ang spatula. Muli niyang ipinikit ang mga mata, pilit kinokontrol ang unos ng emosyon sa dibdib niya. “Hindi kita pipigilan,” mahina niyang sabi. Sobrang hina, halos hindi marinig sa lawak ng silid. “Alam naman nating pareho na wala talaga akong lugar sa puso mo.” Nanatiling tahimik si Dashiel. Hindi niya itinanggi. Hindi rin niya itinama. Pero may bahagyang paggalaw sa mga mata niya habang dahan-dahang lumalapit si Addison. Sa isang iglap, inakala niyang iiyak ito, magmamakaawa, o magpapakita ng kahit kaunting sakit na magdudulot ng konsensya sa kanya. Pero wala. Tumayo si Addison nang tuwid. Bahagyang nakatikom ang mga kamay niya sa gilid ng simpleng damit. Malaya ang bagsak ng mahaba niyang itim na buhok sa likod, kabaligtaran ng tahimik na lakas ng tindig niya. Ang maiinit at light brown niyang mga mata ay nakatuon ngayon kay Dashiel, walang emosyon, walang mabasa mula roon ang lalaking matagal na niyang kasama sa iisang bubong, pero kailanman ay hindi niya tunay na nakilala. Maganda si Addison, sa tahimik at hindi pilit na paraan. Pero hindi iyon kailanman nakaapekto kay Dashiel. Para sa kanya, si Addison ay isang istorbo, isang hindi kilalang tao na ipinilit sa buhay niya. At ngayon na may pagkakataon na siyang alisin ito, gagawin niya iyon nang walang pag-aalinlangan. “Bigyan mo ako ng isang buwan,” kalmadong sabi ni Addison. “Just one month. Hayaan mo akong maging asawa mo… for real.” Kumunot ang noo ni Dashiel. “What do you mean?” “Aalis ako,” diretsong sagot ni Addison. “Gaya ng gusto mo. Pagkatapos mong pakasalan ang babaeng mahal mo.” Masakit ang bawat salitang lumabas sa bibig niya, parang unti-unting hinihiwa ang puso niya. “You can divorce me. I promise, I won’t cause trouble. Mawawala ako sa buhay mo nang tuluyan. Pero bago iyon, hayaan mo akong maramdaman kung ano ang pakiramdam ng maging asawa. Hindi lang ‘yung parang bisita ako sa sarili kong bahay.” Muling bumalot ang katahimikan sa paligid. Isang may pangmamaliit na tawa ang kumawala sa labi ni Dashiel. Pinunasan pa niya ang gilid ng mata niya, parang aliw na aliw sa kahangalan ng hiling ni Addison. Ano ba ang iniisip ng babaeng ito? Isang buwan? Nakakatawa. Lumapit si Dashiel, binawasan ang distansya sa pagitan nila. Pinagmasdan niya ang mukha ni Addison, tila may hinahanap na nakatagong intensyon. Baka tama ang hinala ng ina niya noon, baka pera lang ang habol ni Addison. Ang apelyidong Gutierrez. Ang yaman. Ang kapangyarihan. Sino ba ang hindi nakakakilala kay Dashiel Kristian Gutierrez? CEO ng Gutierrez Enterprise, isa sa pinakabatang at pinakamakapangyarihang negosyante sa Mayumi City. Maraming tao ang nag-aagawan para lang mapalapit sa kanya, lalo na ang mga babaeng uhaw sa atensyon niya. Pero iisa lang ang babaeng minahal ni Dashiel. At hindi iyon ang asawa niya. Iba ang babaeng iyon, si Venus Mae Bonifacio. Isang rising supermodel na mabilis na sumisikat sa mundo ng fashion. “Are you serious?” malamig na tanong ni Dashiel, puno ng pagdududa. “Hindi ito cheap soap opera, Addison.” Bahagyang tumango si Addison. “Hindi ko hinihingi ang pagmamahal mo,” sabi niya, may halong mapait na tawa. “Sino ba naman ako para humingi ng gan’un?” Huminga siya nang malalim. “Gusto ko lang na itrato mo ako nang maayos, bilang asawa mo. Kumain tayo ng sabay. Mag-usap tayo kahit kaunti araw-araw. Show me a little affection… kahit peke lang.” Napahigpit ang paglunok ni Addison. Kinuyom niya ang mga kamao para manatiling matatag. “Pagkatapos nun, aalis na ako nang tahimik. I’ll walk away. Malaya ka nang pakasalan kung sino man ang gusto mo.” Napasimangot si Dashiel, hindi malaman kung tatawa pa ba siya o maiirita. Pero sa kabila ng pagdududa niya, may kung anong tumama sa sinabi ni Addison. Isang simpleng hiling, sobrang simple na nakakaintriga. Ano ba talaga ang pakay niya? “Bakit hindi ka humingi ng mas… reasonable na hiling?” Nanahimik si Addison. Mahirap umiwas ng tingin sa mga matang sing-itim ng hatinggabi ni Dashiel ay nakatitig sa kanya, parang inuutos na huwag siyang bibitaw ng tingin hangga’t hindi niya sinasabi ang lahat. “Kung pera ang gusto mo, sabihin mo lang,” malamig na sabi ni Dashiel. “I’ll give it to you.” “Hindi,” mariing sagot niya, walang pag-aalinlangan. Desidido na siya. Wala nang atrasan. “Hindi ka talaga marunong sumuko, ano?” sarkastikong sabi ni Dashiel. “Sumuko na ako, Dashiel,” mahina niyang sagot. “Pero gusto ko lang magkaroon ng isang alaala. Isang bagay na pwede kong dalhin habang buhay bago ako tuluyang lumayo sa 'yo.” Wala nang nagsalita pa sa kanila. Sa pagkakataong ito, hindi na ganoon katalim ang tingin ni Dashiel. Tinitigan niya ang babaeng nasa harap niya, hindi mabasa ang emosyon. Nalilito ba ang ekspresyon ni Dashiel? Naiinis? O… curious? “Hindi ko ipinapangako na magiging mabait ako,” sa wakas ay sabi ng lalaki. “Hindi ko rin naman inasahan na magbabago ka,” mahinahong sagot ni Addison. Mas masakit pa ang pagiging kalmado niya kaysa anumang luha. At doon nabuo ang isang tahimik na kasunduan. Isang buwan. Tatlumpung araw para maranasan ni Addison ang maging asawa ni Dashiel Kristian Gutierrez. Isang realidad na dapat sana ay nagsimula pa noong araw ng kasal nila. Pero para kay Dashiel, palagi lang si Addison na isang istorbo. Ngayon, bago tuluyang matapos ang lahat, may isang bagay na ipinagpasalamat si Addison, hindi tinanggihan ni Dashiel ang hiling niya. “Isang buwan lang, Addison,” babala ni Dashiel. “After that, mawala ka na sa paningin ko.” “Alam ko kung ano ang hinihingi ko,” mahinahong sagot niya. “Hindi mo na kailangang mag-alala.” Natawa si Dashiel nang may pangmamaliit, bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. “At kapag may in-expect ka na higit sa kaya kong ibigay, hindi ako magdadalawang-isip na palayasin ka.” Tahimik na tumango si Addison. “Huwag na huwag mong sisirain ang pangako mo, Addison.” Muling tumalim ang tingin ni Dashiel, parang tumatagos. “Kapag ginawa mo iyon, huwag mo akong sisihin kung sisirain ko ang buhay mo.” ###17182965### Chapter 2 “Are you out of your mind?” sigaw ni Dianara Gutierrez, mas kilala bilang Diana, habang binabasag ng matinis niyang boses ang katahimikan sa likod-bahay. Mariing humigpit ang perpektong inayos niyang mga daliri sa balikat ni Addison, sapat para mapaatras nang bahagya ang payat na babae. Nabitiwan ni Addison ang magaan na plastik na pandilig na gamit niya sa pagdidilig ng mga white roses. Bumagsak iyon sa matutulis na batong tiles at nabasag nang tuluyan. Hindi napaatras si Addison. Bahagya lang siyang napangiwi sa sakit ng pagkakapisil, saka agad inayos ang sarili. Kalmado niyang hinarap ang tingin ng biyenan, nakatiklop nang maayos ang mga kamay sa harap niya. Bahagyang gumalaw ang pastel blue niyang house dress sa ihip ng hangin, na lalo siyang nagmukhang marupok, pero matatag pa rin ang mga mata niya. “Ang kapal ng mukha mo para humiling ng ganyan,” patuloy ni Diana, galit na galit. Nagliliyab ang mga mata niya. “Alam na alam mong papakasalan na ng anak ko si Venus, hindi ba? Of course you know that. Pero kahit gano’n, may lakas ka pa ng loob na humingi ng atensyon kay Dashiel?” Nagpakita ng bahagyang ngiti si Addison, handa nang magsalita, pero agad siyang pinutol ni Diana, halatang ayaw makarinig ng kahit anong paliwanag. “Mukha kang desperadong pulubi na uhaw sa pagmamahal.” Muli, ngumiti si Addison nang mahina. Isang ngiting may lungkot, pero may init pa rin sa gitna ng bagyo. “Hindi ko hinihingi ang pagmamahal ni Dashiel, Mrs. Gutierrez,” mahinahon niyang sagot, magalang pero may katatagan. “Panahon lang po ang hiningi ko. Thirty days lang.” “At ano sa tingin mo ang magagawa mo sa loob ng tatlumpung araw?” sumugod si Diana, dumadagundong ang takong ng mamahaling sapatos habang tinatapakan ang basag na pandilig ng halaman, na muling umingay sa pagkadurog. “Akala mo ba mapapaibig mo si Dashiel? That will never happen. Itanim mo ‘yan sa isip mo, Addison. Mahal ni Dashiel si Venus. Noon, ngayon, at sa hinaharap. Ikaw, hadlang ka lang sa kaligayahan nila.” Marahang huminga si Addison, sandaling ibinaba ang ulo habang pinipigilan ang gulo ng emosyon sa dibdib niya. Nang muli siyang tumingala, direkta na niyang hinarap ang biyenan. Kalmado pa rin ang tingin niya, pero may malinaw na lakas na ngayon. “Hindi ko kailanman ginustong humarang sa kahit kanino,” mahina niyang sabi. “Pero hindi rin naman po ako basurang pwedeng itapon na lang. Asawa ako ni Dashiel halos isang taon na, kahit walang kumikilala ng kasal na iyon. Gusto ko lang tapusin ang kasal na ito… nang maayos. Peacefully.” Mapang-asar na tumawa si Diana, namumula sa galit ang mukha. “Tapusin ang kasal nang maayos? Talagang nawalan ka na ng bait, Addison.” Hindi natinag si Addison kahit bawat salita ay tumutusok sa puso niya. Simula pa lang, hindi na siya tinanggap sa bahay na ito. Iisa lang ang naging mabait sa kanya, si Eva Gutierrez, ang matandang babaeng may malambot na puso na itinuring siyang pamilya. Paano niya hindi mamahalin si Eva? Para sa kanya, naging parang ina na ito, isang presensyang pumuno sa puwang na iniwan ng nawala niyang nanay. Si Eva ang naging lola na hindi niya kailanman naranasan, ang nag-iisang ilaw na nagbigay sa kanya ng lakas para magtiis sa sumpang buhay niya sa loob ng pamilyang Gutierrez. Dahil ang iba? Tinrato lang siya nang may paghamak. Puro panlalait. Poot. Para bang isa siyang manloloko na pumasok para sirain ang lahat. Na para bang may tinatago siyang masamang balak. Pero kahit minsan, kahit isang beses, hindi niya naisip na gamitin ang sitwasyon niya para sa sariling interest. Kung may isang hiling lang siya, pipiliin niyang mabuhay nang tahimik kasama ang yumaong ina kaysa sa lahat ng ito. Hindi niya kailanman ginustong manirahan sa malaking, marangyang bahay na ito, lalo na kung kapalit nito ang dignidad niya. “Ginulo mo na ang lahat, Addison,” galit na galit na sabi ni Diana. “At ngayon, lalo mo pang pinapalala? Si Venus, pinaghandaan na ang lahat, ang dream wedding niya, ang family gathering, ang mga importanteng bisita. Tapos ngayon, dahil sa isang ‘final request’ ng isang babaeng walang pangalan sa lipunan at isang ulila, lahat iyon naantala!” Ibinaling ni Addison ang tingin sa lupa, kinagat ang ibabang labi para hindi tuluyang gumuho. Nang magsalita siya muli, malinaw ang boses niya. “Opo, wala po akong kahit ano, walang pera, walang kapangyarihan, walang pangalan. Pero may dignidad pa rin ako, Mrs. Gutierrez. At iyon lang ang gusto kong panghawakan.” Sinagot iyon ng isang mapanlibak na tawa ni Diana. Hindi makapaniwala ang matandang babae habang tinititigan ang manugang, halatang hindi niya maintindihan ang takbo ng isip nito. “Pwede mong itabi ang dignidad mo, Addison. Pero at least, dapat alam mo kung saan ka lulugar sa bahay na ‘to.” “Alam na alam ko po iyon, Mrs. Gutierrez,” kalmadong sagot ni Addison. Bubuka pa sana ulit ang bibig ni Diana para sumagot, pero naputol iyon ng tunog ng papalapit na mga yabag. Lumabas si Dashiel mula sa likod ng mga glass door ng bahay, maayos pa rin ang suot na suit. Halata sa mukha niya ang pagod mula sa mahabang araw ng trabaho. Saglit niyang tinignan ang dalawang babae bago magsalita nang walang emosyon. “Is there a problem?” Humarap si Diana sa kanya at nagpakawala ng dramatikong buntong-hininga. “Of course may problema. Ang mahal mong asawa, sinusubukang sirain ang kasal mo kay Venus. May ginawa siyang napaka-absurd na request, at ikaw—” itinuro niya si Dashiel gamit ang daliring perpektong inayos ang kuko, “—you agreed to it? Honestly, Dash, hindi ko maintindihan kung ano ang iniisip mo.” Hindi agad sumagot si Dashiel. Nakatitig lang siya kay Addison. Tahimik ito, walang sinasabi, pero alam niyang hindi nito itatanggi ang mga paratang. Hindi tulad ng iba sa bahay na ito, hindi marunong magtago si Addison sa likod ng mga maskara. “Oras lang ang hiningi niya, Mom. One month lang,” sa wakas ay sabi ni Dashiel. “At pumayag ako. Kinausap ko na rin si Venus at ipinaliwanag ko ang lahat. She agreed to it. Handa siyang ibigay ang panahong iyon.” Bahagya siyang huminto bago magpatuloy. “Our love already stood the test of time. Isang taon na akong kasal sa babaeng ito, at naghintay pa rin si Venus. Hindi siya nagreklamo kahit dagdagan pa ng thirty days.” Halos hindi makapaniwala si Diana sa naririnig niya. Napahawak siya sa mukha niya sa sobrang inis at frustration. Pero kahit anong galit niya, wala na siyang magagawa. Anak niya si Dashiel, at desisyon nito ang masusunod. “Siguraduhin mo lang na mawawala na ang babaeng ‘yan sa buhay ng pamilyang Gutierrez pagkalipas ng isang buwan,” madiing sabi ni Diana. “Ayokong maghintay pa ang legitimate future daughter-in-law ko!” “Yes,” maikli at malamig na sagot ni Dashiel. Si Addison, na tahimik lang na nakatayo sa pagitan nila, ay nagsalita muli. “Alam ko po kung saan ako lulugar,” mahinahon niyang sabi. “At aalis ako kapag tapos na ang oras ko. Pero sa ngayon… gusto ko lang sana ng tahimik na natitirang panahon. Iyon lang.” Suminghal si Diana, saka biglang tumalikod. “Hinding-hindi kita ituturing na parte ng pamilyang ito,” mariin niyang sabi bago tuluyang maglakad palayo sa hallway, mabilis at matalim ang mga yabag, parang bawat salitang ibinato niya. Napabuntong-hininga nang malalim si Addison nang tuluyan nang mawala sa paningin niya ang biyenan. Bahagyang nanginig ang mga kamay niya, pero itinago niya iyon sa tiklop ng damit niya. Isa na lang ang natira sa harap niya, si Dashiel. Nakatayo pa rin, malamig ang tingin, parang isa lang siyang bagay na madaling itapon. “Hindi ko akalaing ganito ka katigas ang ulo ng asawa ko,” sarkastikong sabi ni Dashiel. “Desperada ka talagang maging asawa ko, ano?” Tumawa siya nang mapanlait. “Nagsisisi ka ba na pumayag ka sa hiling ko?” mahinang tanong ni Addison. Malumanay ang tingin niya, pero puno ng sakit at pagkadismaya. Sandaling tumitig si Dashiel sa kanya bago umiling. “Hindi. Pero sa tingin ko, ridiculous idea pa rin ang gusto mo.” “Ayos lang,” sabi ni Addison, pilit ngumiti kahit hindi umabot sa mga mata niya. “Ang mahalaga… hindi ako magsisisi.” Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila, tanging ihip ng hangin ang maririnig. Tumingin sa ibang direksyon si Dashiel, pero nanatili ang mga mata niya sa pisngi ni Addison, namumula sa sikat ng hapon, o baka dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan. Walang sinabi si Dashiel habang tumalikod at naglakad palayo. Pero bago tuluyang mawala sa pintuan, tumigil siya at nagsalita. “Kung ganyan ka ka-determined… does that mean ready ka nang makasama ako sa kama ngayong gabi, Addison?” malamig niyang tanong. “Hindi ba iyon ang gusto mo? Na maging asawa ko in every sense of the word?” Namutla si Addison. Siya mismo ang humiling noon, na maging tunay na asawa niya. Ibig sabihin, may karapatan si Dashiel na lapitan siya. Hawakan siya. Kahit kailan, sa loob ng tatlumpung araw. Mahigpit niyang kinuyom ang mga kamao. “Yes,” matatag niyang sagot. Hindi na siya pwedeng umatras ngayon, kahit nanginginig ang katawan niya sa takot. Pero malamig pa rin ang tugon ni Dashiel. “Too bad,” sabi niya. “Hindi ako interesado.” “Pero nangako ka na, Dashiel,” sabi ni Addison, diretso at walang bahid ng hiya. Wala na siyang mawawala, lalo na ang dignidad niya. Tumawa si Dashiel, pero walang kahit kaunting init. “Talagang kapit na kapit ka riyan, ha?” Lumapit siya, hindi inaalis ang tingin. “Sabihin mo nga, Addison. Gusto mo ba talagang maging asawa ko nang ganyan?” Kusang umatras si Addison. “Hindi ganun—” “Ah, hindi?” bigla niyang singhal. “Then what is it? Ikaw ang humiling nito. You signed yourself up to be mine, for a month.” Mababa at kalmado ang boses niya, pero delikado ang tono. Inabot niya ang baba, hindi marahan, pero hindi rin marahas. Sapat lang para mapilitan siyang tumingala. “Tomorrow night,” sabi ni Dashiel, nakatitig sa mga mata niya, “...uuwi ako hindi bilang lalaking pinakasalan mo lang sa papel. Uuwi ako bilang asawang pinili mong maging ako.” Napasinghap si Addison. Mahigpit ang kamao niya sa gilid ng damit, pero hindi siya umiwas ng tingin. “Sana handa ka na,” dagdag ni Dashiel, bahagyang umatras. “Because I won’t stop to ask kung nagbago pa ba ang isip mo.” ###17182966### Chapter 3 Magsisinungaling si Addison kung sasabihin niyang hindi siya nasaktan. Mapagkunwari kung itatanggi niyang hindi siya nalungkot o nadismaya. Pero… ano ba ang magagawa niya para pigilan ang lahat ng ito? Kahit ang lalaking minsan niyang inakalang masasandalan, ito pa ang unang dumurog sa puso niya. Hindi naman bulag si Addison. Kitang-kita niya kung paanong hindi man lang nag-abala si Dashiel na itago ang relasyon nito sa babaeng mahal nito. At gayon pa man, sa harap ng lola nito, kayang-kaya nitong isuot ang maskara ng isang perpektong asawa, maalaga, mapagkalinga, at mapagmahal. “God,” mahina niyang bulong habang lalong lumalalim ang gabi sa paligid niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. “Bukas na naman… another day na kailangan kong harapin. Please, maawa ka naman sa akin. Kahit konting kabutihan lang, Lord. Please… ibigay mo na sa akin ‘to.” Nang sabihin niya kay Dashiel ang hiling niya, hindi niya kailanman inakalang papayag ito. Kaya hindi niya puwedeng sayangin ang pagkakataong ito, baka ito na ang una at huling pagkakataon niya. Isang bata. Gusto ni Addison ng anak. Isang makakasama sa mga darating na taon. Isang mamahalin niya nang walang kondisyon. Isang tatawag sa kanya ng “Mama”, kahit iyon na lang ang tanging salitang may init na maririnig niya sa buong buhay niya. At alam niya… baka ito na lang ang nag-iisa niyang pagkakataon. Wala na siyang ibang natitirang mahal sa mundo. Hindi siya hihingi ng kahit ano kay Dashiel. Sa katunayan, matagal na niyang plano ang mawala, mamuhay nang tahimik sa isang lugar na malayo, kasama ang magiging anak niya. Isang lugar na hindi kailanman mararating ni Dashiel. Dahil sa panahong iyon, siguradong abala na ito sa perpektong buhay kasama ang babaeng tunay nitong mahal. Iyon ang hiling niya. Kahit pa sabihin ng iba na kahangalan o kabaliwan iyon, patuloy pa rin siyang umaasa. Buong puso siyang umaasa na magiging mabait ang Diyos. Na pagbibigyan ang dasal niya. Kaya noong umagang iyon, nakatayo si Addison sa harap ng matangkad na salamin sa private room niya. Maingat niyang inayos ang bahagyang bagsak ng bago niyang ginupit na bangs. Medyo alanganin, pero ngumiti siya sa sarili niyang repleksyon. May kaunting make-up ang mukha niya, hindi bongga, hindi pilit, sapat lang para lumabas ang ganda na bihira niyang ipakita. Ngayong araw, gusto niyang maging maganda. Suot niya ang isang simpleng nude-colored na damit na akmang-akma sa payat pero elegante niyang pangangatawan. Marahan siyang ngumiti habang hinahaplos ang tela. Ngayong umaga, balak niyang ipaghanda si Dashiel ng espesyal na almusal. “Ready na ako,” bulong niya sa sarili. “Kung yayakapin lang sana ako ni Dashiel sa kusina—” Ay! Biglang uminit ang pisngi niya. Pumasok sa isip niya ang mga romantic novels na minsan niyang nabasa, mga kwentong puno ng lambingan ng mag-asawa, yakap, mga halik, pagmamahalan sa bawat sulok ng bahay, at apoy ng pagnanasa sa bawat dampi. “Ang tanga mo talaga, Addison,” saway niya sa sarili. “Hindi gagawin ni Dashiel ‘yan.” Pero… hindi ba madalas, doon nagsisimula ang pag-asa, sa mga bagay na imposible? Sa kasamaang-palad, nabasag ang marupok na pag-asang iyon nang tumunog ang doorbell sa ibaba. Sinundan iyon ng malinaw na tunog ng matataas na takong at isang matalim, mapanuyang tawa. “Sino kaya ‘yon?” Dahan-dahang bumaba si Addison ng hagdan. Ang munting ngiting inensayo niya sa harap ng salamin ay unti-unting naglaho, napalitan ng isang kalmadong pero alertong ekspresyon. Sa sala, may isang babaeng nakaupo nang parang siya ang may-ari ng bahay. Suot nito ang isang maroon na jumpsuit at kumikislap na high heels. Si Venus Mae Bonifacio. She's confident. Beautiful. At alam na alam ang epekto ng presensya niya. Eksakto ang itsura niya sa telebisyon at sa mga billboard. Sa totoo lang, aminado si Addison, mukha talagang diyosang bumaba sa lupa si Venus. Sa kasamaang-palad… iba ang sinasabi ng ngiti at kilos nito. Lalo na kapag siya ang kaharap. “Oh?” lumingon si Venus, tinignan si Addison mula ulo hanggang paa. Kumurba ang labi niya sa isang mapanghamak na ngisi. “So, marunong ka rin palang mag-ayos.” Nanatiling kalmado si Addison. “May maitutulong po ba ako sa inyo, Miss Venus?” “So direct?” tumayo si Venus, marahang tinapik ang designer bag sa kandungan niya. “Hindi ka man lang mag-aalok? Kahit inumin?” Inihawi niya ang mahabang buhok sa isang balikat. “I’d think alam mo na ang lugar mo. Sa bahay na ‘to, ikaw ang bagay mag-asikaso ng bisita. Bagay naman sa mukha mo ang role na ‘yan, Addison.” Pinili ni Addison na ngumiti. “Hindi ako naparito para makipag-chikahan,” sarkastikong sabi ni Venus. “Nadaanan lang kita. Gusto kong makita kung ano talaga ang ginagawa ng fiancé ko kasama ang isang babaeng hindi marunong lumugar. Akala ko bluff lang ang hiling mo kay Dashiel, pero ngayon… I see it. Talagang nawalan ka na ng bait.” “Kaya ko pa ring mag-isip nang maayos, Miss Venus,” mahinahong sagot ni Addison. Napatawa si Venus, aliw na aliw pero puno ng pangungutya. “Maayos? Being dressed like that? Hoping na maaakit mo si Dashiel?” Lumapit siya, nagliliyab ang mga mata. “Cheap ka lang!” Bago pa niya mahila ang damit ni Addison, nauna nang gumalaw ang huli. Mabilis niyang hinawakan ang pulso ni Venus, sapat lang para pigilan ito. “Wala akong pakialam kung tingin mo sa akin cheap ako, Miss Venus,” malamig pero kalmadong sabi ni Addison. “Pero sa ngayon, ako pa rin ang asawa ni Dashiel Kristian Gutierrez.” Hindi gumalaw ang tingin niya. Ganoon din ang hawak niya. “Watch your boundaries, you bitch!” singhal ni Venus. Pero pagkatapos ay tumawa siya, mahina sa una, matalim at basag, parang tunog ng nababasag na salamin. “Oh, sweetheart… ang titulong ‘asawa ni Dashiel Kristian Gutierrez’? Sa papel lang ‘yan. Alam ng lahat ‘yan.” “At alam din ng lahat na hindi pa nangyayari ang kasal ninyo,” mahinahong sagot ni Addison. “Kaya hanggang dumating ang araw na ‘yon, asawa pa rin niya ako. At gagampanan ko nang maayos ang papel na iyon, Miss Venus.” Nanlilisik ang mga mata ni Venus. “Akala mo ba mahahawakan mo siya? Na makakatulog siya sa tabi mo? Nakakaawa ka.” “Wala naman akong inaasahan,” sagot ni Addison, bahagyang itinataas ang baba. “Hindi ka naman dapat ma-threaten, hindi ba? After all, malinaw naman na kung sino ang panalo.” Binitiwan niya ang pulso ni Venus at umatras. Ayaw na niyang hawakan pa ang babaeng mahal ni Dashiel. Kung hindi lang dahil sa matinding tibay ng loob niya, baka kanina pa siya umiiyak sa harap ni Venus. Hawak ni Venus ang pulso niya, galit na galit. Ang babaeng ‘yon, ang lakas ng loob! Hindi niya iyon palalagpasin. Magbabayad si Addison. Lahat ng sakit, babayaran nito. “Alam mo, Addison,” mabagal na sabi ni Venus, bawat salita ay parang patalim, “...matagal ko nang iniisip… bakit ka pa pinakasalan ni Dashiel. Wala ka namang kahit ano. Walang background, walang koneksyon, wala man lang pangalan na dapat kilala ng lahat.” Kung ang mga salitang iyon ay nanggaling kay Diana Gutierrez, ang biyenan niya, baka mas kaya pa ni Addison na tanggapin. Sanay na siya roon. Pero galing kay Venus, isang outsider na, sa kasamaang-palad, itinuturing na parang tunay na pamilya sa loob ng pamilyang Gutierrez, mas masakit iyon kaysa dati. Lalo na’t alam ni Addison na kahit ano pa ang sabihin ni Venus, walang kahit sinong pipigil o sasaway rito. Tahimik lang si Addison. Nakatayo siya roon, pilit na kalmado ang mukha. Alam niyang sinasadya iyon ni Venus, naghahanap ng kahit anong bitak sa depensa niya para tuluyang manakit. At napakahirap pigilan ang mga luha na gustong pumatak. “Dati akala ko, pinakasalan ka lang ni Dashiel dahil naaawa siya,” patuloy ni Venus, malamig ang boses. “Pero ngayon… I think, finally, nakita na niya kung gaano ka talaga kasakim. Ang tahimik mo sa labas, kunwari inosente. Pero behind that fake purity, tuso ka rin pala, ano?” “Tama na po, Miss Venus,” mahinahong sabi ni Addison. “Kung pumunta kayo rito para lang insultuhin ako, hindi ko iyon papatulan. Wala akong balak na ipahiya ang kahit sino.” “Humiliate?” tumawa si Venus, mapanlait. “Sweetheart, pinahiya mo na ang sarili mo sa suot mo pa lang. Ano bang iniisip mo? Na pag nakita ka ni Dashiel, bigla siyang mai-in love sa 'yo? Na iiwan niya ako para sa 'yo?” “Hindi ko kailanman inasahan iyon,” kalmadong sagot ni Addison, hindi nanginginig ang boses. “Ginagawa ko lang ang papel ko, dahil iyon lang ang kaya kong gawin sa ngayon.” “Your role?” pangungutya ni Venus. “Para kang widow na nagluluksa. Nakakaawa, honestly. Pero mas nakakaawa kasi buhay na buhay ang asawa mo… at mahal ang ibang babae.” Marahang kinagat ni Addison ang ibabang labi. Yumuko siya sandali, huminga nang malalim. Hindi siya iiyak. Hindi sa harap ni Venus. Ngunit bago pa siya makapagsalita, may mga yabag na umalingawngaw mula sa itaas. Si Dashiel. Kakababa lang niya mula sa kwarto, suot ang gray na polo at maayos na slacks. Mukha siyang relaxed, pero nang makita ng mga mata niya ang eksena sa ibaba, si Venus na masyadong malapit kay Addison, at si Addison na maputla, halatang may pinipigilan, agad nag-iba ang aura niya. Bago pa siya makapagsalita, isang matalim na boses ang pumutol sa tensyon. “Ano bang nangyayari rito? Bakit ang ingay ninyo ng ganito kaaga?” Boses iyon ni Diana Gutierrez. Bumaba siya ng hagdan kasama ang dalawa niyang anak na sina Leticia at Felicity. Pareho nilang tiningnan si Addison, parehong may halong pangmamaliit at pagkainis sa mga mata. Hindi na nag-aksaya ng oras si Venus. Lumapit siya kay Diana, parang siya ang biktima. “Aunt Diana… dumaan lang ako kasi nag-aalala ako. Tingnan niyo naman siya. Nagbibihis ng ganyan para lang kunin ang atensyon ni Dashiel. Baka nakakalimot na siya sa lugar niya.” “Ay naku,” mula ulo hanggang paa ay sinipat ni Diana si Addison. “Ano bang iniisip mo, Addison? Bakit ganyan ang suot mo? Nasaan ang disente mong pag-iisip?” “Wala po akong ginagawang mali sa suot ko. Ganito po talaga ako manamit dito sa bahay,” mahinahong sagot ni Addison, pilit pa ring magalang. Tumawa si Leticia, may halong pang-aasar. “Naku, isang taon ka pa lang dito, feeling mo pag-aari mo na ang bahay?” At hindi lang si Leticia ang sumabat. “Lalong lumalakas ang loob ng babaeng ’to araw-araw!” singhal ni Felicity. Tinulak niya ang balikat ni Addison nang malakas, dahilan para muntik itong matumba. “Magising ka nga, Addison! Wala kang lugar dito! Sumasobra ka na!” “Tama na!” Malakas at malamig ang boses ni Dashiel. Napatingin ang lahat sa kanya. “Dashiel, hindi mo naman siya ipagtatanggol, ’di ba?” gulat na tanong ni Leticia. Napabuntong-hininga si Dashiel, halatang pagod. “Hindi ako nagtatanggol ng kahit sino. Gusto ko lang na matapos ang umagang ’to nang walang drama. Marami na akong iniisip sa trabaho.” Umusli ang labi ni Venus, nagtatampo. “I’ll take that as you defending her, darling.” Mahinang bumuntong-hininga si Dashiel. “That will never happen.” Lumapit siya kay Venus at marahang inayos ang buhok nito, tila wala siyang pakialam sa lungkot na malinaw sa mga mata ni Addison ilang hakbang lang ang layo. May pakialam ba si Dashiel? Wala. “Hinihiling ko sa inyong lahat na itigil na ’to. Kailangan ko ng katahimikan,” malamig ngunit matatag na sabi ni Dashiel. Napairap si Diana. “Ay bahala kayo diyan. Mag-aalmusal na lang ako sa labas.” Tumalikod siya at umalis, sinundan nina Leticia at Felicity na hindi pa rin tumitigil sa masasamang tingin kay Addison. Naiwan sandali si Venus, titig na titig kay Addison na parang nagbabanta, bago tuluyang umalis nang padabog. Nang tuluyan silang mawala sa sala, bumalik ang katahimikan. Pinunasan ni Dashiel ang mukha niya, halatang pagod na pagod. “Kung anuman ang problema ninyo, huwag niyo na akong idamay ngayong umaga.” Si Addison, na buong lakas na pinipigilan ang sakit sa dibdib, ay dahan-dahang tumingala sa asawa niya. Mahina ang boses niya, pero malinaw. “Kung ganoon, hayaan mo akong ihanda ang almusal ninyo. Five minutes lang. Hindi pa po kayo kumakain, ’di ba?” Hindi agad sumagot si Dashiel. Tinitigan niya si Addison, hindi mabasa ang ekspresyon. Maya-maya, tumango siya. “Sige. Basta huwag mong sayangin ang oras ko.” Tahimik na tumango si Addison at nagtungo sa kusina. Pagkalipas ng limang minuto, bumalik siya may dalang tray, may tinapay, itlog na sunny-side up, at mainit na kape. Pati ang napkin, maayos ang tiklop. Nakaupo na si Dashiel sa dining table, abala sa tablet niya. “Here,” sabi ni Addison habang inilalapag ang tray. “Simple lang ‘yan, pero… sana makatulong para maging maayos ang simula ng araw mo.” Tiningnan lang ni Dashiel ang pagkain bago magsimulang kumain, halos walang sinasabi. Umupo si Addison sa tapat niya, magkasamang nakapatong ang mga kamay sa kandungan. Nag-alinlangan siya sandali, pero nagsalita rin. “Hindi mo naman nakalimutan ang usapan natin, ’di ba?” maingat niyang tanong. “Gusto ko lang sa ‘yo ipaalala.” Ibinaba ni Dashiel ang kubyertos at tumingin sa kanya. “Hindi.” Marahang tumango si Addison. “Gagampanan ko ang papel ko bilang asawa mo. Ihahanda ko ang almusal, sisiguraduhin kong hindi mo makakalimutan ang mga documents mo,” sabi niya na may bahagyang ngiti, “...at lahat ng normal na ginagawa ng mag-asawa.” Napabuntong-hininga si Dashiel at minasahe ang sentido. “Ayokong may gulo. Alam mo ang limitasyon mo, Addison. Huwag mo akong pagsisihan sa desisyon ko.” “Hindi po,” sagot ni Addison, matatag ang loob. Tinitigan niya si Dashiel nang diretso. “May isang bagay lang akong hihilingin ngayong umaga.” Walang interes ang tingin ni Dashiel. “Ano?” “Pwede ba ang…” huminga siya nang malalim, “isang good morning kiss?” ###17182967### Chapter 4 “Are you… out of your mind?” Perpektong naiintindihan ni Addison kung bakit ganoon ang reaksyon ng best friend niyang si Luna. Kita sa mukha nito ang gulat at hindi makapaniwala sa narinig. Nasabi na ni Addison ang lahat, walang luha, walang drama. Pero alam ni Luna kung gaano kabigat ang sakit at pagkadismaya na dala ni Addison. Hindi naman lahat ng sakit kailangang samahan ng iyak para maramdaman. May mga sugat na sobrang lalim, kahit luha, wala nang lakas para pumatak. “Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin,” sagot ni Addison, may bahagyang ngiti. “Pero pakiramdam ko, ito na lang ang chance na binigay sa akin ng tadhana.” “Nandito ako, Addison. Hindi ka nag-iisa sa mundo,” iritableng sabi ni Luna. “Ilang beses ko nang sinabi sa 'yo, hindi ka nababagay sa pamilyang Gutierrez. Masyado kang mabait… masyado kang gentle para mabuhay sa gitna nila.” Napatingin si Addison sa tasa ng kape sa harap niya, halos wala nang init. Hawak-hawak pa rin niya iyon, parang umaasang kahit konting init na lang ay kayang pakalmahin ang gulo sa dibdib niya. “Alam ko,” halos pabulong niyang sagot. “Kung pwede lang ibalik ang oras, hinding-hindi ko gugustuhing maging parte ng pamilya nila.” Isang mapait na ngiti ang lumitaw sa labi niya, ngiting para lang sa sarili, para sa buhay na pakiramdam niya ay paulit-ulit na hinahampas ng alon. Napabuntong-hininga si Luna at lumapit pa kay Addison, na nakaupo na parang talunan na sa laban. “Bakit mo pipiliing maghintay ng isang buong buwan? In the end, makikipag-divorce pa rin naman si Dashiel sa 'yo, di ba?” Marahang tumango si Addison. “Gaya ng sinabi ko dati… who knows? Baka sa loob ng isang buwan na ’yon, makasama niya ako kahit isang gabi.” Napayuko siya, may masakit na ngiti sa labi. “Ang pathetic ng buhay ko, ’no?” Sandaling nanahimik ang dalawa. “Pero sino ba ang nakakaalam,” mahinang dagdag ni Addison. “Baka maawa ang Diyos sa akin. Baka mabuntis ako.” “Hindi ka ba natatakot?” maingat na tanong ni Luna. “Paano kung malaman ni Dashiel balang araw?” “Bakit ako matatakot?” sagot ni Addison. “Isang gabi lang naman ’yon, tulad ng mga gabing kasama niya ang ibang babae, di ba? I can give him reasons. Wala akong hihingin sa kanya. Walang apelyidong Gutierrez na madidikit sa akin, o sa magiging anak ko, kahit kailan.” Malalim na napabuntong-hininga si Luna. Hindi walang basehan ang desisyong ito ni Addison. Kung ito talaga ang gusto niya, wala na siyang magagawa kundi samahan siya. “At sigurado ka talaga na ibebenta mo na ang bahay?” tanong niya. “Oo,” walang pag-aalinlangang sagot ni Addison. Tiningnan siya ni Luna, halo ang paghanga at lungkot sa mga mata. “Pero ’yung bahay na ’yon… sa mama mo ’yon. Ang dami n’yong alaala roon.” Sandaling natahimik si Addison, bago ngumiti nang bahagya. “Ayokong mag-iwan ng kahit anong bakas ko sa lungsod na ’to, Luna. Desidido na ako. Aalis na talaga ako.” *** Madilim na ang langit nang buksan ni Dashiel Kristian Gutierrez ang pinto ng bahay. Umalingawngaw ang pamilyar na tunog ng susi sa katahimikan ng mansyon, tahimik, pero ramdam. Dinig ang tunog ng sapatos niyang itim sa marmol na sahig. Medyo gusot na ang dark gray suit niya, at may bahagyang amoy ng mamahaling pabango ng babae sa kuwelyo niya, bakas ng lihim na dinner niya kasama si Venus. Napabuntong-hininga siya at marahang niluwagan ang necktie bago tuluyang pumasok. Bukas pa ang ilaw sa main hall, nagbibigay ng mainit na liwanag na kabaligtaran ng malamig na hangin sa labas. “Welcome home, Dashiel.” Napatigil ang hakbang niya. Nakatayo si Addison sa bungad ng dining room, suot ang simpleng beige na pambahay. Maayos ang pagkakapusod ng buhok niya, may ilang hibla lang na bumabagsak sa gilid ng mukha. Nakangiti siya, malapad at totoo, at ang mga mata niyang kulay tsokolate ay nakatingin kay Dashiel na parang walang nangyaring masama. Sandaling tinitigan lang siya ni Dashiel. Karaniwan, dededmahin lang niya ang ganoong pagbati. Pero ngayong gabi, hindi niya agad magawa iyon. “Nagluto ako ng dinner,” sabi ni Addison. “Malamig daw ang panahon ngayon, so naisip ko baka gusto mo ng beef soup at mainit na kanin.” Napatingin si Dashiel sa dining table. Maayos ang pagkakaayos ng hapunan, isang mangkok ng mainit na sabaw, bagong lutong kanin, at kaunting salad na maingat ang pagkaka-plating. May isang kandilang nakasindi sa gitna ng mesa, nagbibigay ng banayad na liwanag at anino sa dingding. Tahimik na nagbuga ng hangin si Dashiel. “Nakakain na ako.” Tumango si Addison. “Okay lang ’yon. Sayang lang kasi kung lalamig at masasayang. Kahit konti lang, you can try.” Magaan ang tono ni Addison, hindi namimilit. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, hinila ni Dashiel ang isang upuan at umupo nang walang reklamo. Siguro dahil pagod siya. Siguro dahil sa maamong tingin sa mga mata ni Addison. O baka dahil sa pangako niyang ginawa, na tratuhin si Addison bilang tunay niyang asawa, kahit isang buwan lang. At kasama naman sa pagiging mag-asawa ang sabay na pagkain, di ba? Umupo si Addison sa tapat niya, abala ang kamay sa pagbuhos ng tubig sa baso. “Sige,” sabi niya nang marahan. Hindi niya ginalaw ang sarili niyang pagkain. Tahimik lang siyang nakatingin kay Dashiel, kalmado. “Kumusta ang araw mo?” mahina niyang tanong. “Okay ba ’yung meeting kanina?” Kinuha ni Dashiel ang kutsara, tinikman ang sabaw, at nilunok iyon nang hindi sumasagot. Ngumiti nang bahagya si Addison. Naiintindihan niya. Hindi si Dashiel ’yung tipo ng lalaking madaling magbukas ng loob, lalo na sa isang babaeng asawa lang niya dahil sa sitwasyon. “Nabalitaan ko ’yung Korean textile merger na mag-e-expand sa Mayumi City,” dagdag niya. “Hindi ba competitor ’yon ng Gutierrez Enterprise?” Bahagyang umangat ang ulo ni Dashiel. “Hindi direct competitor,” maikling sagot niya. “Pero may connections sila sa raw material markets na tinitingnan namin.” Tumango si Addison, parang nag-iisip. “Akala ko nga alliance ang approach mo diyan, hindi competition.” Natigil si Dashiel sa kalagitnaan ng pagsubo. Sandaling natahimik bago niya dahan-dahang ibinaba ang kutsara. “Marami kang alam.” “May mga news portal na nagko-cover noon. Konti lang, sinusundan ko lang.” Bahagyang tumaas ang kilay ni Dashiel. Wala siyang sinabi, pero sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, tiningnan niya si Addison, hindi na may inis o paghamak, kundi may munting interes. Ngumiti si Addison, hindi dahil sa pagmamataas, kundi dahil alam niyang nakuha na niya ang atensyon nito. “Gusto kong maintindihan kahit kaunti ang mundo mo,” sabi niya nang mahinahon. “At least… kung darating man ang araw na umalis ako, gusto kong alam ko kung sino ka talaga.” Ang salitang “umalis” ay parang nanatili sa hangin, mabigat at tahimik. Walang sinabi si Dashiel. Kinuha lang niya ulit ang kutsara at inubos ang sabaw sa mangkok. Humaba ang katahimikan sa pagitan nila, isang katahimikang kakaibang payapa, kahit hindi nila maipaliwanag kung bakit. Hanggang sa tuluyang nagsalita si Dashiel, flat pa rin ang tono, pero hindi na kasing lamig ng dati. “Sa loob ng dalawang araw, may dinner sa Mayumi Embassy. Nandoon ang Japanese Ambassador.” Dahan-dahang tumingin sa kanya si Addison. “Mukhang importanteng event.” “May interest ang Japanese Ambassador sa Gutierrez Enterprise. Personal ang invitation.” “Ang ganda nun,” may konting excitement sa boses ni Addison. “Inimbitahan ako… may partner dapat.” Nakangiti pa rin siya. “You can do that, Dashiel.” “Asawa ko.” Natahimik si Addison. “Hinihingi nila na dumalo ako kasama ang asawa ko, Addison.” Parang biglang nanikip ang dibdib niya. May kirot na hindi niya maipaliwanag. Akala niya siguradong si Venus ang sasamahan ni Dashiel. At bakit sa kanya pa sinasabi ito? Para lang ipaalala ang lugar niya? Kahit hindi sabihin, alam na alam ni Addison kung sino siya sa bahay na ito. “Maghanda ka,” dagdag ni Dashiel. “Sasama ka sa event.” Tumayo siya, ipinatong sandali ang isang kamay sa mesa, saka naglakad paakyat ng hagdan. Pero bago tuluyang mawala sa paningin, nagsalita siya ulit, hindi man lang lumingon. “Masarap ang soup.” Hindi pa agad naproseso ni Addison ang narinig niya. Hindi pa buo. Pero, “Nanaginip ba ako?” bulong niya sa sarili, idiniin ang mga kamay sa pisngi niyang biglang uminit. “Si Dashiel… pinuri ang luto ko?” Pero hindi pa ’yon ang pinaka nakakagulat. “At inimbitahan niya akong sumama?” bulong niya ulit. “Bilang asawa niya?” ###17182968### Chapter 5 “Sa tingin ko, ito ang pinakabagay na tie sa 'yo.” Pumili si Addison mula sa malawak na koleksyon ni Dashiel. Alam niyang tiniis lang nito ang presensya niya, pero isinantabi niya ang hiya. Kailangan gumana ang plano niya, kahit hanggang matapos lang ang kasunduan nila. Tutal, pagkatapos nito, hindi na rin naman sila muling magkikita. Mas mabuti nang magkunwari siyang nabubuhay sa isang panaginip, isang romantic fantasy kung saan ang mahal niyang asawa ay para lang sa kanya. At kapag nagising na siya, babalik siya sa totoong mundo: isang babaeng itinadhanang mamuhay mag-isa. Tahimik at maayos ginampanan ni Addison ang papel niya. Hindi siya humihingi ng kapalit. Hangga’t hindi siya itinataboy ni Dashiel, tinatanggap na niya iyon bilang pahintulot, kahit pa pilit lang. Pero bawat galaw niya, bawat salitang binibitawan niya, ay unti-unting nag-iiwan ng marka kay Dashiel, kahit ayaw man nitong aminin. Tumaas ang kilay ni Dashiel. “Kaya kong magbihis mag-isa.” “Alam ko,” sagot ni Addison na may munting ngiti. “Pero hayaan mo muna akong pumili para sa 'yo ngayon.” Ipinatong niya sa sofa ang suit at ang kaparehong tie. “Bahala ka,” mahinang sabi ni Dashiel, hindi man lang tumitingin. “Ang tanga mo… sinasayang mo oras mo sa walang kwentang bagay.” Humarap si Addison sa kanya, kalmado. Hindi nasaktan. Hindi na-offend. Nandoon pa rin ang munting ngiti sa labi niya. “Siguro,” sabi niya. “Pero pagbigyan mo na ako sa huling isang buwan.” “Dashiel, darling!” Isang matinis na boses ng babae, mapang-angkin at sobra ang sigla, ang biglang sumingit sa hangin, dahilan para mapatigil si Addison. Mabilis namang sinuot ni Dashiel ang blazer niya, parang may naghihintay na sa labas. “Si… Miss Venus ba ’yon?” tanong ni Addison. “Hindi ko alam kung bakit ang aga niya,” sagot ni Dashiel habang palabas ng kwarto. Sumunod si Addison, pilit pinananatili ang sarili. Sa sala, masiglang nag-uusap sina Venus at Diana Gutierrez. Mas lalo pang lumiwanag ang mga mukha nila nang makita si Dashiel. Pero, “Anong ginagawa mo rito?” sarkastikong tanong ni Diana, masamang nakatingin kay Addison sa likod ni Dashiel. Ngumiti si Addison. “Hinahatid ko lang po ang asawa ko papasok sa trabaho.” Malakas na tumawa si Venus, at nakisabay si Diana, parehong may pangungutya. “Oh my God! Narinig mo ’yon, Venus?” sabi ni Diana sa pagitan ng tawa. “Ang kapal talaga ng mukha,” singhal ni Venus, nakapulupot ang mga braso sa dibdib. “Tama na,” singit ni Dashiel, ayaw ng gulo sa umaga. “What brings you here early in the morning, sweetheart?” Mabilis na binura ni Venus ang inis sa mukha at kumapit kay Dashiel, puno ng kunwaring lambing. Hindi niya pinansin ang tingin ni Addison, malambot, may lungkot, at puno ng pagtanggap. Dahil ganito talaga dapat. Si Venus ang bagay kay Dashiel. Si Addison ay isang outsider lang sa bahay na hindi naman talaga naging kanya. “Gusto kong ihatid mo ako sa studio, sweetheart,” malambing na sabi ni Venus. Bahagyang nairita si Dashiel, pero hindi na nakipagtalo. Wala rin naman siyang magawa. “Sige. Tara na.” Pinanood ni Addison ang lahat at pinatatag ang loob. Hindi ito ang unang beses, at siguradong hindi rin ang huli, na makikita niyang ipinamumukha nina Dashiel at Venus ang closeness nila sa harap niya. Dapat sanay na siya sa sakit. Pero kahit gano’n… masakit pa rin. “Ingat ka sa biyahe, Dashiel,” mahina niyang sabi. Napatingin si Dashiel. Saglit siyang tumigil at lumingon. Ngumiti si Addison nang bahagya. Ang maiinit niyang mata ay tumapat sa kanya, banayad at totoo. “Have a good day,” dagdag niya. “Tara na,” mabilis na hinila ni Venus ang kamay ni Dashiel palabas ng pinto. Tense ang mukha niya sa pinipigil na galit. Kung hindi lang siya may appointment sa studio, siguradong siniguro niyang buong araw mararamdaman ni Addison kung saan talaga ang lugar nito. Bwisit. Kasalanan ’to ni Dashiel sa pagbibigay ng leeway sa babaeng ’yon. Pagkaalis nila, napabuga si Addison ng mahabang hininga. Hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib niya. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Pero pagtalikod pa lang niya para umalis sa sala, isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi niya. Napakasakit. “Alamin mo ang lugar mo, Addison!” sigaw ni Diana, nag-aapoy ang mga mata sa galit. “Isa kang parasite sa relasyon ng anak ko. Nakakadiri ka! Wala ka talagang hiya!” Hinawakan ni Addison ang pisngi niyang nasusunog, gulat na gulat. “Bulag ka ba? Hindi mo ba nakita kung gaano sila ka-sweet?” patuloy ni Diana. “Perfect sila para sa isa’t isa. At ikaw?” itinuro ni Diana ang daliri sa mukha niya. “Isa kang kawawang outsider na nabubuhay lang sa awa ng nanay ko. Dapat magpasalamat ka pa na pinapayagan ka naming manatili rito.” Wala nang nagawa si Addison kundi ibaba ang tingin, nanginginig ang buong katawan. “Huwag na huwag kang mangarap na maging parte ng pamilyang ’to!” *** “Mom,” mahina ang bulong ni Addison. Masakit pa rin ang pisngi niya, parang tumitibok, pero hindi na siya umatras sa desisyong matagal na niyang pinili. “Please… tulungan mo akong maging matatag. Bigyan mo ako ng lakas para magpatuloy.” Nakatitig siya sa repleksyon niya sa matangkad na salamin. Ang suot niyang gown ay regalo ni Eva Gutierrez, isang mabait at maalagang babae na naging napakalapit sa kanya. Nang pumanaw ito, parang may malaking puwang na naiwan sa puso ni Addison. Ganoon din noong mawala ang sarili niyang ina, na binawian ng buhay matapos ang isang aksidente na nagdulot ng matinding pinsala sa ulo. Noong mga panahong iyon, halos hindi siya tumigil sa pag-iyak. Tahimik na binilhan siya ni Eva noon ng ilang eleganteng damit. Sabi nito, baka raw dumating ang araw na makakadalo si Addison sa isang formal event kasama si Dashiel. Sa kasamaang-palad, hindi na iyon nangyari. Hanggang ngayong gabi. Ang gown ay kulay pale gold, banayad ang kintab habang tinatamaan ng ilaw. Maayos ang bagsak nito sa katawan niya, simple pero elegante ang hiwa. Bukas ang neckline, at ang tanging suot niyang alahas ay isang pinong pearl necklace, ang huling alaala mula sa kanyang ina. Ang buhok ni Addison ay naka-low chignon style, malinis pero may lambot, bumabalangkas sa kanyang mukha. Simple lang ang makeup niya, sapat lang para i-highlight ang katahimikan sa kanyang mga mata at ang banayad na ngiti sa labi. Hindi siya mukhang galing sa simpleng buhay. Ngayong gabi, si Addison Leigh Castillo ay parang isang noblewoman na hinango mula sa isang classic tales. “Ito ang hinihingi ni Dashiel sa akin… part ng role ko bilang asawa niya, ‘di ba?” mahina niyang bulong sa sarili. “Kahit ngayong gabi lang… sana matapos ito nang walang gulo.” Nang buksan niya ang pinto ng kwarto at lumabas sa main hall, nandoon na si Dashiel. Nakatayo ito habang tinitingnan ang phone niya, parang masyadong abala ang mundo niya para mapansin ang paligid. Pero natigil siya nang marinig ang tunog ng takong sa sahig. Napatingin si Dashiel, at bahagyang nagbago ang ekspresyon niya. Hindi siya nagsalita, pero hindi rin niya inalis ang tingin kay Addison. Bumaba ang kamay niya, nakalimutan ang phone, at may bahagyang kunot na lumitaw sa pagitan ng kanyang mga kilay. Lumapit si Addison, may maliit na ngiti pa rin sa labi. “Matagal ka bang naghintay?” tanong niya. “Hindi,” maikli at malamig ang sagot ni Dashiel. “Ah… overdress ba itong suot ko?” may kaba niyang tanong, ramdam ang bigat ng titig nito. Hindi pa siya tinitingnan ni Dashiel ng ganito dati. “Kung oo, I can change naman.” “Hindi na kailangan,” mahinahon pero seryoso niyang sagot. “Let’s go. Naghihintay na ang sasakyan.” Habang nasa biyahe, halos tahimik si Dashiel. Pero kakaiba sa nakasanayan, hindi siya umiwas. Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ni Addison, at sa kauna-unahang pagkakataon, hindi siya umatras nang awtomatikong iniabot ni Addison ang kamay niya para ayusin ang kurbata nito. Natigil ang kamay niya nang dumampi ang mga daliri niya sa kwelyo ni Dashiel. Nagtagpo ang mga mata nila, sandali lang, pero sapat para mapasinghap si Dashiel at mabilis na ilingon ang mukha niya sa bintana. “Ah… sorry,” agad sabi ni Addison, binawi ang kamay. “I didn’t mean to—” Hindi pa rin nagsalita si Dashiel. “Magtatabi na lang ako mamaya,” dagdag ni Addison makalipas ang ilang sandali, maingat ang boses pero pilit kalmado. “Since you’ll be marrying Venus soon, I think dapat alam ko na rin ang place ko.” Dahan-dahang humarap si Dashiel sa kanya, matalim ang tingin. “Anong ibig mong sabihin?” “Sa likod lang ako ng konti,” mahinahon niyang paliwanag, may pilit na ngiti. “Maybe sa right side mo, pero medyo malayo. Enough lang para alam mong nandoon ako… pero hindi sagabal. Ayokong magkaroon ng misunderstanding.” Pumikit sandali si Dashiel bago muling dumilat. Mababa at malamig ang boses niya nang magsalita. “Kung maglalakas-loob kang lumayo sa akin o magkunwaring hindi ka asawa ko sa harap nila,” sabi niya sa tahimik pero nagbabantang tono, “you’ll regret it.” Nanigas si Addison. Nakatitig siya sa kanya, hindi sigurado kung tama ba ang narinig niya. “Dashiel, I only—” “There's no ‘only,’” mabilis niyang putol, sumikip ang mga mata. “Tonight, tatabi ka sa akin. Bilang asawa ko. As you should.” Bumagsak ang mabigat na katahimikan sa pagitan nila. Ibinaba ni Addison ang tingin, hinayaang matabunan ng ilang hibla ng buhok ang kanyang mukha. “…Sige,” mahina niyang sagot. “Kung iyon ang gusto mo.” Pero sa loob niya, isang tanong ang paulit-ulit na umuukilkil sa puso niya. Bakit? Bakit ganito si Dashiel ngayong gabi?

"🔞💥"Gaano ka pa katagal magsisinungaling? Akala mo ba ay hindi ko alam na iniwan mo ako ng gabi ng kasal natin para sa kanya?"

🔞💥Habang naririnig niya ang daing mula sa loob,pabilis ng pabilis ang paghingal nito saka isang pangalan ang binanggit ni Noah kasabay ng pag ungol nito.

SEE DETAILS
🪄Crush AI

Like this ad? Make it yours.

Crush rebuilds this exact creative around your product — your brand, your colors, your offer — in about a minute.

More ads from Sweetnovels05-FW

Sweetnovels05-FWSweetnovels05-FW
Active
95 Days
-Reach
1Ads
Sweetnovels05-FW Facebook ad
Details
Sweetnovels05-FWSweetnovels05-FW
Active
95 Days
-Reach
Sweetnovels05-FW Facebook ad
Details
Sweetnovels05-FWSweetnovels05-FW
Active
95 Days
4Reach
Sweetnovels05-FW Facebook ad
Details
Sweetnovels05-FWSweetnovels05-FW
Active
95 Days
-Reach
Sweetnovels05-FW Facebook ad
Details
Sweetnovels05-FWSweetnovels05-FW
Active
95 Days
-Reach
Sweetnovels05-FW Facebook ad
Details
Sweetnovels05-FWSweetnovels05-FW
Active
95 Days
-Reach
Sweetnovels05-FW Facebook ad
Details
Sweetnovels05-FWSweetnovels05-FW
Active
95 Days
-Reach
Sweetnovels05-FW Facebook ad
Details
Sweetnovels05-FW Ad — Running 95 Days | Crush Ad Library