Dreamereads02 ad creative
Dreamereads02
Dreamereads02

Inactive· since Feb 17, 2026

5
days it ran
1
relaunches
204
EU reach

Ad copy

“Pwede mong titigan, pero bawal mong isubo at hawakan,” natatawa kong sita sa estrangherong lalaki sa harapan ko na titig na titig sa aking dibdib. Lasing na nga yata ako. Kung nasa normal na katinuan ako, malamang kahit ang tanggalin ang damit ko at iwan lang bra na suot ay hindi ko gagawin. Titig na titig tuloy ang loko. “Why? They’re nice. Round and perky,” nakangising sagot niya. “Thanks. Para sa boyfriend ko sana ‘to, kaso nagloko. Hindi niya tuloy matitikman ito.” “I can do it on his behalf. Can I?” Tinitigan ko siya. Kahit pa hilong-hilo ako ay hindi ko maitatanggi ang hitsura ng lalaki. Mas pogi pa nga sa loko kong ex-boyfriend. “500 lang ang budget ko. Ayoko sa kotse o talahiban ha?” Natawa siya. “Don’t worry. You don’t have to pay for anything. Just enjoy the night as I eat you.” Nakailang tingin na ako sa aking phone pero wala pa ding reply ang boyfriend ko sa akin. Kagabi pa ang text ko sa kaniya. Tinatanong ko kung ano ang plano niya para sa aming anniversary ngayon. Nag-overtime na naman siguro siya. Madalas siyang mag-overtime. Madalas din siyang sinasama ng kaniyang boss sa mga out of town meeting nito, kaya sobrang dalang na naming makapag-usap ng aking nobyo. We've been together for three years. Ngayon ang ika-tatlong taon naming nagmamahalan. Nagkakilala kami ni Roger nang third year college kami. Basketball player siya sa aming university. Achiever, athlete at higit sa lahat matalino. That time wala sa isip ko ang pakikipag-nobyo, dahil ang focus ko lang ay ang trabaho ko. Gusto kong maging proud sa akin ang aking tiyahin na kumupkop sa akin mula nang mamatay ang aking mga magulang. Anyway... Pupuntahan ko na lang si Roger sa kaniyang condo. Doon na lang ako maghihintay sa kaniya. Nag-grocery ako dahil plano ko siyang ipagluto. Bumili na din ako ng balloons at cake dahil gusto ko siyang surpresahin. Mabuti na lang at may spare key ako ng kaniyang unit. Hindi ko na ito nasauli sa kaniya nang paglinisin niya ako ng kaniyang condo three months ago. "Ang kalat!" reklamo ko nang makapasok ako sa kaniyang unit. Maaga pa naman kaya pinili ko na munang maglinis. Nilinis ko ang kaniyang room. Nagpalit ng mga punds. At lahat ng labahin niya ay inayos ko sa laundry bag bago ko ito dinala sa laundry shop na nasa tapat. Pinagpatuloy ko ang paglilinis at saktong natapos ako bandang alas-singko ng hapon. Sinimulan ko ng magluto. At sinabay ko na din ang pagpapalobo ng mga baloons. Napasinghap ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.Dumating na siya! Ang aga naman? Tumayo ako at hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin dahil sa pagkataranta. Gusto ko pa man din sana siyang surpresahin. Paano na? But then his phone rang. "Hello, babe... Yeah, nandito na ako sa condo. Akyat ka na lang." What? B-Babe? Sino ang kausap niya? I can't believe my ears. Bigla na lang nanginig ang katawan ko. Nanghihina ako ngunit hindi ko magawang umupo. I wanted to confront him now but then mas lamang ang kagustuhan kong makita at mahuli sila ng kung sino man ang kausap niya sa kaniyang celphone. Sigurado akong babae ang kausap niya. Pero umaasa pa din ang puso ko na sana ay hindi babae. Sana lalake. Kaso may babe ba na pangalan ang lalake? Napatingin ako sa phone ko. Hanggang ngayon ay wala pa din siyang reply sa akin. Naninikip ang dibdib ko at namamasa na din ang aking mga mata. Hanggang sa magbukas ang pintuan. Narinig ko ang boses ng isang babae. "Babe, I miss you!" malambing at masaya nitong sabi sa aking nobyo. Roger chuckled. Excited at masaya na makita din ang babae. Ilang minuto akong nakatulala habang naghahanap ng lakas ng loob na lumabas mula dito sa pinagtataguan ko. Lumabas ako ng kusina at natagpuan ko sila sa sofa. "Ang bababoy niyo!" sigaw ko sa kanila. Nagmamadali namang tumayo si Roger, ngunit hindi bumitaw ang babae sa kaniya. Nakasaklang ito sa kaniyang bewang. "Ang baboy niyo!" Kinuha ko iyong cake at binato ko sa kanilang dalawa. Sapul sa kanilang mga mukha. Tinapon ko iyong mga niluto ko. Lahat ng binili ko tinapon ko para wala na silang mapakinabangan. "Baby, magpapaliwanag ako!" "Huwag mo akong hawakan!" sigaw ko sa pagmumukha niya. Nang magulo ko ang kusina niya lumabas na ako. Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ko iyon—" "Hindi mo sinasadya? Really? Puwes, ito sinasadya ko," sabi ko sabay sampal sa kaniyang pisngi. "Bakit, Roger? Bakit?" "Lalake ako—" Pagak akong tumawa. Lalake at may pangangailangan? Wow! "Today is our third anniversary at plano ko sanang surpresahin ka. At plano ko ding ibigay sa'yo ang matagal mo ng hinihiling pero mabuti na lang at hindi ko iyon ginawa. "Salamat na lang sa lahat, Roger. Sana huwag ng mag-krus pa ulit ang landas natin." Nagtangka siyang humabol hanggang elevator sa akin pero nagsara na ang elevator. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak pero kada floor na lang ay may sumasabay. Nang makababa ako at makalabas ng building pumara ako ng taxi. Doon ako nag-iiyak. Ayaw ko munang umuwi dahil ayaw kong makita ang babaeng iyon. Sa dinami-dami ng babae ang pinsan ko pa talaga na kaka-eighteen lang ang pinalit niya sa akin. Dumiretso ako sa bar, kahit na alam kong hindi bagay ang suot kong damit ngayon. Nakasuot ako ng long sleeve polo at palda na lagpas tuhod. Nakasuot din ako ng salamin, pero wala akong pakialam. Gusto ko lang mag-inom para makalimot. Sabi nila kapag may problema ka daw pansamantala mo daw makakalimutan kapag nag-inom ka. Naupo ako sa tapat ng bar counter. Um-order ako ng ladies drink. May pera pa naman ako mula sa back pat ko sa dati kong trabaho kaya malakas ang loob ko na gumastos sa alak. Ngayon lang naman 'to. Umiiyak ako habang umiinom. Hindi ko na mabilang ang nainom ko. Basta ang alam ko lang nahihilo na ako. Hanggang sa may umupong lalake sa katabi kong chair. Napatingin ako sa kaniya. Matangkad... Hindi ko makita ng malinaw ang mukha pero ang alam ko ay sobrang guwapo niya. Napatingin din ito sa akin nang mapansin na tinitingnan ko siya. Nag-iwas ako ng tingin bago nilagok ang binaba ng waiter na alak. Napangiwi ako. "Bakit ang pait?" Reklamo ko habang kandaubo na dahil bukod sa mapait, sobrang init din ng hagod sa lalamunan. Nasunog ata ang tonsils ko. "That's mine," sabi ng lalake sa aking tabi. "Sa'yo?" baluktot ang dila na tanong ko. "Yeah." "Oops, sorry. Palitan ko na lang." Sinenyasan ko ang bartender sa harapan ko upang bigyan ng inumin ang lalake. "Ako na ang magbabayad," sabi ko habang kinukuskos ko ang aking mga mata. Inaantok na ako. Uuwi na ba ako? Kaso ayaw kong umuwi. Napatingin ako sa dancefloor. Nakakahilo ang ilaw at parang nakakasakal din ang dami ng tao na nagsasayaw ngayon. "Penge tubig," sabi ko sa bartender. Bigla na lang bumilis ang tibok ng aking puso. Kinalas ko ang dalawang butones ng suot kong polo. Kaso naiinitan na din ako kaya kinalas ko din ang dalawa pa. "What are you doing?" tanong ng lalake sa tabi ko. "Hindi ako makahinga. Saka mainit," sabi ko. "Bakit?" Nakatingin na pala siya. Tumawa ako. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil sa malanding pagtawa na iyon. "Sorry, hindi puwede. Para 'to dapat sa boyfriend ko, e. Kaso ex ko na ngayon. Niloko niya ako. Pinagpalit niya ako sa pinsan ko." "Kapalit-palit ba talaga ako? Huwag mo na pala akong sagutin. Well, mukha akong manang manamit." "Hindi ka naman mukhang manang manamit." Tumawa ako. "Okay lang iyan." Napasinghap ako at napatitig sa mukha ng lalake. Ang guwapo niya talaga. Ngumisi ako. "Bawal din." Humagikgik ako. He chuckled. Sobrang sexy ng tawa niya. Napanguso tuloy ako. "Ang guwapo mo." Kumindat ako. Tumawa siya. "Lasing ka na. Wala ka bang kasama?" Tumingin ako sa baba at sa kabilang gilif ko. "Wala yata," nakangising sagot ko. "Broken hearted ako kaya nagpunta ako dito para mag-inom. Bakit ka pala nandito?" "I just want to relax," sabi naman niya. "Ah... Sige, maiwan na muna kita, huh. Sasayaw lang ako." Nagpunta ako sa dancefloor para sumayaw. May mga lumalapit na mga lalake sa akin pero iniiwasan ko sila. Hanggang sa may yumakap sa akin mula sa likuran. "Saan ka uuwi?" Nakilala ko ang kaniyang boses. Siya iyong katabi ko sa bar counter. "Sa bahay ng tiyahin ko. Pero ayaw kong umuwi ngayon. Baka mapatay ko ang pinsan ko kapag nakita ko doon." "Well, saan ka uuwi kung ganoon?" Hindi ako agad nakasagot. Nag-isip pa ako. "Baka mag-hotel na lang ako," sagot ko. "Gusto mo ng kasama sa hotel?" Humagikgik ako. "Kasama? Bakit wala ka bang bahay?" "Hindi ko din gustong umuwi ngayon," sagot niya. Napasinghap ako. Wala pang gumagawa nito sa akin. Kahit si Roger ay hanggang smack lang noon ang nagagawa niya sa aking labi. Bukod doon ay wala na. Walang hiya talaga siya! Naiinis na naman ako. "What do you think?" tanong ng lalake. Nahawak na sa bewang ko ang dalawang kamay niya. "Sige, kung iyan ang gusto mo." Hindi ko din alam kung bakit iyon ang sinabi ko. Basta ang alam ko lang ay sobrang guwapo ng lalake at magaan ang pakiramdaman ko sa kaniya. "Let's get out of here," bulong niya sa aking tenga. "Hmmm, sige..." Pinaharap niya ako sa kaniya. Inayos niya ang suot kong polo bago ako hinila palabas ng bar. Sumakay kami dahil may naghihintay na driver sa loob ng sasakyan. Nakarating kami sa isang hotel. "Mahal dito," sabi ko pagkababa namin. "1500 lang ang badget ko ngayon, e..." "May discount card ako," sagot naman niya. Diretso na kaming naglakad papuntang elevator. Hindi ko na din matandaan kung saang floor kami umakyat dahil medyo nahihilo na ako. Kahit nahihilo dahil sa kalasingan, bumangon pa din ako upang maglinis ng katawan. Gusto kong mapreskuhan ang aking katawan bago ako matulog at makapagpahinga. Pero imbes na hugas lang, naligo na ako dahil biglang nagbukas ang shower. Nakaharap ako sa tiles habang hinahayaan ko ang pag-agos ng maligamgam na tubig sa aking katawan. Kahit paano ay naibsan ang sakit ng aking katawan. Nakapikit ako, dahil nahihilo pa din ako. Ang aking noo ay nakasandal sa tiles sa aking harapan. Nanghihina na din ang katawan ko kaya matutulog na ako. Bukas maghaharap kami ng pinsan kong malandi. Napamura na lang ako nang magising ako kinaumagahan at bumalik sa alaala ko ang mga pinaggagawa ko. I was drunk, yes. Pero wala akong amnesia. Aware ako sa mga nangyari at pinaggagawa ko. Dala ng alak na nainom ko, naging malakas ang loob ko. Naging mapusok. Ang iningatan mong bataan ng ilang taon, sinuko mo lang sa isang estranghero. Speaking of estranghero, mahimbing siyang natutulog dito sa tabi ko. Nakayakap sa akin ang kaniyang matigas na braso. Sobrang guwapo niya talaga. Mas guwapo pa kaysa kay Roger. Maingat akong bumuntong hininga upang hindi magising ang lalake. Ngayon na wala na ang espiritu ng alak, bumalik na ang hiya ko sa katawan. Kailangan ko ng umalis bago pa siya magising. Kandangiwi ako nang makababa ako. Ang sakit ng katawan ko. Para akong binugbog. Ginusto mo iyan, di ba? Huwag kang magreklamo. Sinuot ko ang mga damit ko at ang sapatos ko ay binitbit ko na lamang. Paalis na sana ako nang maalala ko na hindi pa pala bayad itong hotel. Hindi ko alam kung magkano ang rate, pero sabi naman niya may discount card siya. Sinilip ko ang laman ng pitaka ko. Five thousand five hundred na lang pala. Kinuha ko ang five thousand at nilapag sa gilid ng mga damit niya na nakapatong sa mesa. Nakaisip pa ako ng kalokohan kaya naupo na muna ako. Nagsulat ako sa tissue paper. "Thank you for the night. I enjoyed it. I hope that we will not cross path again." Nagpahid ako ng lipstick saka ko hinalikan ang tissue. Landi-landi talaga! Gumalaw siya kaya nagmamadali na akong lumabas ng kuwarto. Walang tao at sobrang kalat din ng bahay, kaya imbes na magpapahinga sana ako ngayon, naglinis na muna ako. Binuksan ko ang kuwarto ng malandi kong pinsan ngunit mukhang hindi pa umuwi ang babae. Naalala ko na naman ang nangyari. Napakalandi talaga. Kaka-eighteen lang niya. Hindi ko sure kung si Roger ba ang nakauna sa kaniya, dahil kahit ng high school siya, kung sino-sino na din ang kasa-kasama niyang lalake. Pagkatapos kong maglinis, sinalang ko na ang mga labahin sa washing machine. Nagpakulo ako ng tubig upang makapagkape. Walang laman ang fridge, kaya wala akong mailuluto. Iisang noodles na lang din ang laman ng cabinet. May kanin pa naman kaya nakapagsaing pa ako. Kailangang magkalaman ang aking tiyan. Wala pa akong kain simula kahapon. Mahapdi na nga, e, dahil inuna ko pa talagang magpakalunod sa alak kaysa kumain. Malandi ka Beryl. Malandi ka! Para hindi ko na maisip pa ang katangahang ginawa ko, nagpaka-busy na lang ako sa paglilinis sa buong bahay. Nakatulog ako pagkatapos. Nang magising ako, gabi na. Nagugutom na ako. Siguro naman may pagkain na. Paglabas ko ng silid ko, hindi pa nabubuksan ang ilaw sa buong bahay. Ibig sabihin hindi pa umuuwi si Auntie at ganoon din ang pinsan kong si Therese. Mukhang wala ng planong umuwi ang babaeng iyon. Baka makikipagsama na siya kay Roger. Tsk! Bahala na silang dalawa sa buhay nila. Kakarmahin din sila. At papalakpak ako kapag nangyari iyon. Palapit na ako sa switch ng ilaw sa sala nang magbukas iyon. Nagkagulatan kami ni Therese. Nagkatitigan kami hanggang sa muli kong naramdaman ang galit ko para sa kaniya. "Ikaw!" Bago pa ako makalapit sa kaniya, nauna na niya akong sapakin. Nagsabunutan kami hanggang sa matumba kami sa sahig. Nagpagulong-gulong "Napakalandi mong babae ka! At boyfriend ko pa talaga ang nilandi mo!" "Kasalanan ko ba kung mas maganda ako sa'yo!" sagot naman niya. "Aray!" "Ipahinga mo muna!" gigil na sabi ko. Ang pangit ng mga lumalabas sa bibig ko pero hindi ko na mapigilan ang galit ko. Siya na nga ang may kasalanan sa akin siya pa itong malakas ang loob. Napangiwi ako nang makalmot niya ako sa leeg. "Aray! Tanggapin mo na lang kasi na hindi ka mahal ni Roger. Ako ang mahal niya. Mas humaling siya sa akin dahil mas bata ako sa'yo. Mas sariwa at sexy!" "Mas bata, oo! Mas sariwa at sexy? Girl, hindi ka pa halos nagdadalaga pero hindi na pangdalaga ang katawan mo." "Kaysa naman sa'yo, Manang!" "Ah, manang pala ha!" Sinampal ko siya saka inumpog. "Aray! Bitawan mo ako!" sigaw niya pero muli ko siyang inumpog, kaso nanlalaban siya. "Ano'ng nangyayari dito?!" Natigilan kami nang marinig namin ang sigaw ng aking tiyahin. "Jusko po! Ano'ng ginagawa niyo?! Tumigil kayo!" "Bitawan mo ako," sabi ni Therese pero hindi pa din naman niya binibitawan ang buhok ko kaya hindi ko din pinapakawalan ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang buhok na mahigpit kong hawak. Naniningkit na ang kaniyang mga mata dahil sa pagkahila ng buhok mula sa kaniyang anit. "Bitawan mo muna ako," banta ko din. Nilagpasan kami ni Tita. Pumasok siya sa kusina kaya muli kaming nagsabunutan ni Therese. Hanggang sa sabuyan kami ni Tita kaya mabilis kaming bumitaw sa isa't isa. "Ano ba'ng pinag-aawayan niyo, huh?! Ikaw Beryl! Bakit ka pumapatol sa bata?!" "Bata pa ba iyan?!" "Ano'ng sabi mo?! Beryl, hindi ko gusto iyang tabas ng dila mo." Galit na tumingin si Tita sa akin. Namumula na ang kaniyang mukha sa galit. "Totoo naman, Tita. Kahapon, nahuli ko sila sa condo mismo ni Roger!" Tinikom ni Therese ang kaniyang bibig. "Totoo ba iyon?!" sigaw ni Tita. Pero hindi ako natutuwa sa nababasa ko na reaksyon ni Tita. "Opo, Mommy. Hindi ko kasalanan na nagustuhan ako ni Roger, Mommy!" Suminghap si Tita. As I expected hindi siya magagalit, dahil anak nga naman niya ang malanding hudas na 'to. This is unfair! "Papuntahin mo si Roger dito," sabi ni Tita kay Therese. "Why, Mommy?" "Basta, papuntahin mo siya!" "At ikaw naman, Beryl! Ipaubaya mo na lang ang nobyo mo sa pinsan mo. Hindi naman papatol iyon sa pinsan mo kung mahal ka talaga." "Ano'ng ibig mong sabihin, Tita?" "Kailangang pakasalan ni Roger si Therese." Ano?! Kumuyom ang aking kamao. Mayaman nga naman si Roger kaya ito agad ang naisip ni Tita. Sa dating mga nobyo ng anak niya, hindi naman siya ganito dahil mga teenagers lang din ang mga iyon. Ano nga ba naman ang mapapala nilang mag-ina doon. Galit ako. Galit na galit pero pinili kong manahimik. Wala naman akong planong makipagbalikan pa kay Roger pero hindi ko lang matanggap na magpapakasal sila ng pinsan ko. Dumating si Roger. Nagulat pa ang lalake nang makita niya ako. Kinakabahan ang kaniyang itsura at nang sabihin ni Tita ang dahilan kung bakit siya pinapunta dito, namutla siya. "Kailangan mong pakasalan ang anak ko," diretsahang sabi ni Tita. Napalunok ang magaling na lalake at saglit pa akong sinulyapan. Nag-iwas naman ako ng tingin. "Aware ka naman na kaka-eighteen lang niya, di ba? Kailan pa nagsimula ang relasyon niyo?" "Three months na kami," sagot naman ni Therese. May pagmamalaki sa kaniyang mukha. Si Roger naman ay halos hindi na makapagsalita. Maya't maya akong tinitingnan. "Kailangan na nating planuhin ang kasal. Kailan kayo makakapunta dito kasama ang magulang mo?" "Busy po sila," sagot naman ni Roger. May business ang mga magulang niya at madalas nga na wala ang mga ito sa kanilang bahay. Sina Tita at Therese lang ang nagsasalita sa buong pag-uusap nila tungkol sa kasal. Sinabi nila ang gusto nila. Kung ilang bisita ang dadalo sa enggrandeng kasal na gusto nila. Buong oras tahimik lang ako. Nagngingitngit sa galit pero kapag naaalala ko ang kagagahan kong ginawa, nasasabi ko na lang sa sarili ko na hayaan ko na lang si Roger. Mag-move on na lang ako agad. Mabilis naman siguro akong makaka-move on since kagabi nga, naisuko ko ang bataan dahil sa kagagahan ko. Gusto ni Therese na tumira siya sa condo ni Roger pero hindi pumayag si Roger. Dinahilan pa nito ang pagiging conservative ng kaniyang ina. Gabi na ng matapos ang usapan. Nagpapaalam na din na aalis ang lalake habang panay pa din ang sulyap sa lalake. "Beryl, tanggapin mo na lang na hindi kayo para sa isa't isa ni Roger," sabi ni Tita. "Total wala pa namang nangyayari sa inyo, di ba? Isipin mo na lang na instrumento ka lang para magkakilala ang pinsan mo at ang ex mo. Ganoon talaga ang buhay, Anak." I sighed and look at them with a blank face. "Yes, Auntie. I'm okay. Saka bagay naman sila," sabi ko sabay pilit na ngumiti. "Hindi na ako magluluto. Hindi naman ako gutom," sabi ko saka sila iniwan. Hindi ko alam ang iisipin ko sa mga sandaling ito. Gusto kong iyakan ang nangyari sa relasyon namin ni Roger, pero mas lamang ang pagsingit sa aking utak n'ong nangyari kagabi sa amin ng estranghero. Mukhang mauuna pa akong maka-move on sa sinapit ng relasyon namin ni Roger bago ko makalimutan ang unang karanasan ko sa estrangherong iyon. Sobrang guwapo niya. Goodbye, Mr. Hot stranger. Ngumisi ako habang inaalala kung paano ako halikan ng mapupula niyang mga labi. Ang bango pa ng kaniyang hininga. Ang sarap niyang humalik. Ah! Mababaliw na ata ako. Parang gusto kong magsisi kung bakit ako umalis kanina. Kaso baka kung siya ang naunang gumising, baka ako pa ang bigyan ng pera dahil sa nangyari sa amin, para lang kalimutan siya at huwag ng guluhin. Sa guwapo niyang iyon, siya iyong tipo na hindi nagseseryoso. Yeah. Times ten ata na mas guwapo siya kay Roger. Si Roger na ang tino-tino nang una, nagawa pa akong lokohin tapos ang lalakeng iyon pa kaya? Baka nga may girlfriend iyon, e. Nag-apply ako sa bagong trabaho kinaumagahan. Gustong-gusto ko ng umalis sa bahay ni Tita at magbukod na lang pero ayaw kong may maisumbat sila sa akin. Tumutulong ako sa gastusin sa bahay. Ako ang nagbabayad ng mga bills at bumibili din ako ng groceries. Kada hapon, after work tumatambay naman sina Roger at Therese sa bahay. Madadatnan ko sila sa sala naghaharutan pero dinadaanan ko lang sila. Pansin ko na gusto akong kausapin ni Roger pero nakalingkis lang lagi ang pinsan ko sa kaniya. Hindi ko din naman siya gustong kausapin. Ayaw ko siyang makausap. Lumipas pa ang ilang linggo. Umuwi ako isang gabi na nadatnan ko si Tita na kinakausap si Roger. Pine-pressure niya ang lalake tungkol sa kasal. Gusto niyang mamanhikan na sila, pero madaming dahilan si Roger. Hindi ko alam kung bakit hindi niya mapakasalan si Therese. Hindi naman niya ako ipapalit sa babae kung hindi niya mahal ito, di ba? Hanggang sa wala na siyang maidahilan pa, dahil nagagalit na si Tita sa kaniya. Namanhikan sila at nagulat ang mga magulang niya nang malaman na hindi ako ang pakakasalan. Kita ang disgusto sa kanilang mga mukha lalo pa at napaka-sexy ng suot ng aking pinsan. Sobrang kapal din ng kolorete sa kaniyang mukha. Pero sa huli, nagkasundo sila tungkol sa kasal. Hindi naman ako na-ba-bother doon. Natanggap ko na ang lahat. P-Paano'ng hindi ko matatanggap, e, may sarili din akong problema na dapat alalahanin. NGAYON ang kasal nina Therese at Roger. Hindi ako nag-leave sa work. Wala ako sa mood na um-attend. Hindi ako hipokrita. Hindi din ako bitter. Pagod akong umuwi ng bahay para lang salubungin ng sampal ni Tita. "Tita!" Hawak ko ang kaliwang pisngi ko na sinampal niya. "Kinausap mo ba si Roger na huwag ituloy ang pagpapakasal sa pinsan mo?!" "A-Ano? Hindi, Tita. At saka hindi natuloy ang kasal nila?" Napatingin ako sa pinsan ko na magang-maga ang mukha sa pag-iyak. Suot pa din niya ang kaniyang traje de boda. "Huwag ka ngang magmaang-maangan! Tumawag si Roger kanina. Ang sabi niya hindi niya ako kayang pakasalan, dahil ikaw ang mahal niya!" "Hindi ka din nagpunta sa kasal! Nakipagkita ka ba sa kaniya? Huh?!" Sinampal na naman ako ni Tita. "Pumasok ako sa trabaho," patag na sagot ko sa kaniya. Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. Walang kahit ano'ng emosyon ang mababakas sa aking mga mata. "Sinungaling!" Akmang sasampalin na naman niya ako, pero umilag ako. "Wala kang utang na loob!" "Nabayaran ko na ang utang na loob na sinasabi mo, Tita. Kinupkop mo ako nang pitong taong gulang palang ako, pero hindi para alagaan mo kundi gawin mong katulong. Lahat ng butil ng kanin na pinapakain mo sa akin ay nabayaran ko na. Nang high school ako, nagtrabaho ako para may pambaon ako sa school dahil hindi mo naman ako binibigyan ng baon. Binigyan mo ako ng masisilungan pero hanggang doon lang iyon, dahil hindi mo naman ako inaruga. Pero kahit na ganoon, minahal ko kayo." "At talagang sumasagot ka pa?! Lumayas ka dito!" Wala akong ibang mapupuntahan pero mas okay na ding umalis ako dito. Pagod na akong intindihin sila. Sarili ko naman. Kinuha ko ang mga gamit ko sa aking kuwarto. Palabas na ako ng bahay nang harangan ako ni Therese. "Mommy, kapag pinaalis mo siya, baka magsasama na sila ni Roger!" "Beryl, ipaubaya mo na sa akin si Roger. Buntis ako!" Bahala kayong mag-overthink diyan. Isipin niyo ang gusto niyong isipin. Pati ako ay tinamaan sa sarili kong salita. Natapos na akong mag-impake kaya hinanap ko si Lola sa labas ng bahay. Nakangiti kong pinagmasdan si Precia na naglalakad at nakasunod sa mga alagang manok ni Lola. Tumatalbog pa ang mamula-mula niyang pisngi kaya napatawa ako. One year and three months na siya ngayon. A healthy baby girl na sobrang ganda pa. "Precia!" tawag ko sa pangalan niya. Huminto siya upang lingunin ako. Kumaway ako sa kaniya at kinawayan din niya ako. "Mammm!" tawag niya sa akin. Nagsimula na siyang maglakad. "Careful, baby," paalala ko naman sa kaniya dahil ang bilis ng mga hakbang niya. Nagmamadali na din akong lumapit sa kaniya bago pa siya madapa. Binuhat ko siya saka inikot-ikot. Ang lakas ng kaniyang halakhak na sobrang sarap sa tenga. Hinagis-hagis ko pa siya. Mga ganito ang gusto niya, e. Iyong hinaharot siya. "Pagod na si Mommy." Binaba ko siya pero nagreklamo siya. Nagpapabuhat ulit, kaya pinagbigyan ko siya. Inikot ko at hinagis ng ilang ulit hanggang sa hingalin na ako sa pagod. Nangalay na din ang aking katawan. Tumatawa naman si Lolo. "Ano'ng oras ang alis mo, apo?" "Alas-tres po, lola..." Ala-una pa lang naman, kaya susulitin ko muna ang oras ko para sa anak. Ma-mi-miss ko siya kaso kailangan kong umalis. "Ma-mi-miss kita, baby ko..." Apat na araw din akong aalis. "Ako na ang bahala sa kaniya. Hindi ko naman siya pababayaan. Saka sana makita mo doon ang ex mo." Ngumiwi ako dahil iisa lang naman ang ex ko. My cheater ex na. Wala na akong balita sa kaniya. Pati kay Tita at Therese, hindi na din ako updated sa kanila. Nang umalis ako ng Manila, nag-deactivate na din ako ng aking mga social media account. Buntis na ako nang umalis ako. At kahit hindi ako pinalayas ni Tita, talagang plano ko na ding umalis. Plano ko ng umuwi dito sa probinsya. Gusto kong maging stress free ang pagbubuntis ko. Presko ang hangin dito at sariwa din ang mga gulay. Nang mapagod si Precia, naghanap na siya ng dede. Naka-formula milk na lang siya ngayon. Nag-stop na siya sa pag-breastfeed sa akin two months ago. Pinunasan ko na muna siya at pinalitan ng damit para mapreskuhan. Nang makatulog siya, naghanda na din ako para sa pag-alis ko. "Ikaw na po muna ang bahala kay Precia, Lola, huh?" "Oo, apo. Ako na ang bahala. Mag-enjoy ka doon." Hinalikan ko ang anak ko na mahimbing na natutulog. Ang bigat sa dibdib na iiwan ko siya, pero wala naman akong magagawa, dahil kailangan kong magtrabaho. Ayaw ko sanang sumama kaso hindi puwede. Bukod sa team building ay may iba pang sadya doon ang boss namin. Sumakay ako ng tricycle sa meeting place namin ng iba pang katrabaho ko. May nirentahan na van si boss na maghahatid sa amin sa airport. Sa isang island resort kami nagpunta. Excited na ang lahat samantalang ako naman ay panay ang silip sa aking phone. Iniisip ko kasi sina lola at Precia na naiwan. Madami naman silang stocks ng gatas, diapers at pagkain pero nag-aalala pa din ako. Normal na siguro ito sa isang nanay. "Malamang tulog na sila, alas-dos na ng madaling araw," sabi ni Effa, ang ka-close ko sa lahat ng katrabaho ko. May point naman siya. Bukas na lang. Ngayon, kailangan ko ng matulog dahil mahaba-mahaba ang araw namin bukas. Tatlong rooms ang kinuha ng aming boss. Ang isa ay para sa aming girls. Malaki naman at hindi kami siksikan na parang sardinas. Komportable din kami dito kaya ayos lang. Sa isang kuwarto ay mga boys naman. At sa isang room ay sa mga boss naman namin. Maaga kaming gumising kinaumagahan para makakain ng buffet. Limited time lang ang breakfast buffet kaya inagahan talaga naming gumising. Pagkatapos kumain, nagsimula na din kami sa aming mga activities. Twelve pm nang magsabi si boss na mag-lunch na muna kami, sa isang sikat ba seafood house dito. Sobrang ganda ng view dito kaya habang kumakain ay lumilinga-linga naman ako. Hanggang sa may nakita akong pamilyar na mukha. Napamura ako nang maalala ko ang gabing iyon! It's him. Hindi ako maaring magkamali, siya iyon! Kahit may ilang metro ang layo niya sa akin, alam kong siya iyon. "Ayos ka lang?" tanong ng kasama ko. "Namumutla ka." "Ah, oo." Inalis ko na ang tingin ko sa lalake bago pa man siya mapatingin dito. Just in case. Alam ko naman na hindi niya ako makikilala kung sakali. Hindi na siguro niya ako matandaan. Hindi na din niya maalala ang nangyari sa amin ng gabing iyon. Pero hindi ko mapigilan ang sarili na muli siyang lingunin. Ang guwapo niya noon sa paningin ko kahit lasing ako, pero ngayon parang mas lalo pa yata siyang gumuwapo. Ngumuso ako. Nag-meeting kami after lunch. At three pm, naman nag-start na ang aming activity ulit. I was so tired tapos sobrang init din kaya pakiramdam ko nanlalagkit na ako. Kaya nang matapos ang activity namin ng four thirty pm, bumalik ako sa hotel room para maligo at makapagpalit ng damit. I was wearing a tube and shorts na pinatungan ko ng crocheted cardigans nang lumabas ako ng hotel. Nagpunta ako sa resto kung saan nakatambay ang mga kasama ko. Ka-text ko si Lola kaya naman nasa screen ang tingin ko habang naglalakad. Nang bigla na lang mayroon akong nakabanggaan. Napatingin ako sa mukha ng lalake pero hindi ako nagpakita ng gulat nang mamukhaan ko siya. I said sorry and was in a hurry to left. Hindi naman niya siguro ako nakilala. Hindi na niya ako natatandaan. Kabadong-kabado ako. Nawala sa isip ko na nandito nga pala siya. Ang tanong, hanggang kailan kaya siya dito? Well, that's none of my business since hindi naman na niya ako maalala. Huminga ako nang malalim. Chill lang, Beryl. Everything is under control. "Ano'ng gusto mong drinks, Beryl?" tanong ng kasama ko pero mabilis akong umiling. Sinusumpa ko na ang alak kaya hindi na ulit ako iinom. Hindi nila ako napilit na uminom. Kaya bago pa ang dinner time, kami na lang nina boss ang matino. May mga tama na sila ng alak. Habang naglalakad kami papunta sa restaurant, nadaanan namin si... Hindi ko pala alam ang pangalan niya. May kausap ang lalake. Two men and three women. Seryoso ang mukha nito habang nakikinig. Ngumuso ako. Kamukha talaga niya si Precia. Though nakuha naman ng anak ko ang aking pouty lips, pero mas lamang ang mukha ng kaniyang daddy. "Kilala mo?" tanong ng kasamahan ko. Umiling naman ako. "Ang guwapo, huh..." "Madami talagang guwapo dito. May mga super yaman din. Mag-bar tayo later. Hanap tayo ng afam." Nagtawanan sila. Umiling naman ako. Hindi ko kailangan ang lalake. Sapat na sa akin ang anak ko. Nagsimula na kaming kumain nang pumasok iyong lalake. Napatingin sa kaniya ang mga kasama ko. May paghanga sa kanilang mukha. Ang guwapo niya talaga. Siya iyong tipo ng lalake na masarap lang sa mata, pero masakit sa pu... pusong mahalin dahil hindi ka seseryosohin. Tumayo ako upang kumuha ng slice fruits sa buffet table. Habang kumukuha ako ng tag-iisang slice ng fruits may biglang tumabi sa akin. Hindi ko ito pinansin, pero hindi ko din malaman kung bakit ko siya tiningnan. Siya! Nakatingin siya sa akin! Nanlalaki ang aking mga mata na pilit na nginitian siya bago ako nagmamadaling umalis at bumalik sa upuan ko. "Sana nakipagkilala ka man lang kay Mr. hottie." Ngumuso ako. "Masyadong guwapo, nakakatakot," sabi ko naman saka nagsubo na parang hindi ako kinakabahan dahil sa nangyari, pero ang totoo ay halos magiba na ang aking ribcage sa matinding kaba. Sinulyapan ko siya at nakita ko na may kausap na siyang babae sa may buffet table. Sobrang ganda ng babae at mukhang type niya ang babae. Mabuti na din iyon nang ma-distract siya. Hindi siguro niya ako maalala. O baka mukhang pamilyar ako kaya lumapit siya kanina. O masyado lang akong assuming. Baka kumukuha lang din ng fruits. Bumuntong hininga ako. Ang liit talaga ng mundo. Pero okay lang kung maliit basta hindi niya ako maalala. Kailan kaya siya aalis? Sana umalis na siya. Pagkatapos kumain, nag-aya ang mga kasama namin na mag-inom sa open air bar na may view ng dagat. Kasama ang mga boss namin, kaya napilitan akong sumama. "Oy, Beryl, uminom ka. Huwag kang KJ. Nandito tayo para mag-enjoy." "Sige pero iyong flavored drinks na lang para hindi ako malasing." Isa lang tapos babagalan ko na lang ng inom. Hindi pa na-se-serve ang order namin nang makita ko ang lalake sa may entrance. Kasama niya iyong mga kausap niya kaninang umaga. Nag-uusap sila at dire-diretso ang lakad nila papunta sa table and couch na malapit sa may stage kung saan kumakanta ang isang banda. "Nandito din si Mr. hottie," bulong ng mga babaeng kasama ko. Tumikhim naman ako sabay lunok. Ano ba'ng ginagawa niya dito? Ang dami-dami namang bar dito sa isla, dito pa talaga sila nagpunta. Mas lalong hindi ako makapag-enjoy dahil kung ano-ano na ang mga pumapasok sa aking isipan. Sinilip ko ang phone ko. May text si Lola. Dumedede na daw si Precia at matutulog na. Tiningnan ko ang lalake sa may unahan. Kamukha talaga siya ni Precia. Tipid akong ngumiti. Kahit paano may nadulot ding maganda ang kagagahan ko ng gabing iyon. And that is my beautiful angel, Precia. Sumimsim ako sa aking alak. Dahil kanina pa umiinom ang mga kasama ko, lasing na talaga sila. Medyo wild na at nag-aaya na sa dancefloor. Wala namang pakialam ang mga boss namin sa kanila. "Beryl, tara na!" aya nila sa akin. "Sige, susunod ako. Mag-restroom lang ako," sagot ko para makaiwas. Wala sa bokabularyo ko ang mag-party, maglasing, magsayaw at makipag-flirt. At hayun nga sila, nilapitan na ng ibang mga turista. Napangiwi na lang ako. Pumasok ako ng restroom. Naupo ako sa trono ng ilang minuto. Gusto ko ng matulog. Sana naman maya-maya puwede ng bumalik sa hotel para makapagpahinga. Nakakapagod din kaya ang maghapon namin. Signs of aging na ba 'to? Pero twenty pa lang ako, hindi pa ganoon katanda. Hindi naman kasi ako mahilig sa ganito. Hindi ko din pinangarap ang mag-party noon. Unang beses kong mag-party ay noong nahuli ko sina Roger at Therese. Lumabas ako ng cubicle. Naghugas ako ng kamay bago lumabas. Wala ako sa sarili ko kaya hindi ko napansin ang lalakeng nakasandal sa may dingding. Kaya nang marinig ko itong tumikhim ay gulat akong napatingin sa kaniya. He raised his brows. Oh! What is he doing here? What does he want? Hindi ko siya pinansin. Dumiretso na ako ng lakad pero bigla niyang hinarang ang mahaba niyang braso. Tiningnan ko siya habang kunot ang noo. I didn't know how to respond. Dapat hindi ako obvious. Kunwari hindi ko siya kilala. "How are you?" Oh, nakikipagkumustahan. Normal naman iyon sa first meeting, di ba? "Ah, fine? Got to go, bye!" Kumaway pa ako sa kaniya. "Don't tell me you don't remember me." "Huh?" Maang-maangan kong tanong. Pinagsalubong ko pa ang aking kilay, para mapaniwala ko siya na hindi ko siya kilala. "Not a single woman I ever forget about me..." Tumawa siya. "You're not good at lying. You're face tells me so. You're blushing." "Mister, you have a very filthy mouth. I'm not used to words like that," sagot ko naman, masungit na ang tono. "Oh, yeah?" Mapaglaro siyang ngumiti. My golly! Ang guwapo niya. "Yeah. And bye!" "I took you so it's really impossible that you forgot about me." Pinilig ko ang aking ulo. Tumaas naman ang sulok ng kaniyang labi. "Wala akong maalala," sabi ko bago tuluyang umalis. Nagpaalam ako sa boss ko na babalik na ako ng hotel dahil masakit ang tiyan ko. Sana lang bukas hindi na kami magkita ng lalakeng iyon. Matutulog na ako, dahil na-stress ako sa kaniya. Inumaga na ng balik sa hotel ang mga kasama ko. Lasing na lasing na sila. Tulog na tulog na sila, samantalang ako ay hindi na nakabalik sa pagtulog. Maaga pa din kaming gumising kinaumagahan. Nag-breakfast buffet kami. Susulitin na namin 'to. Kalimutan na muna ang diet, lalo at masasarap ang mga pagkain na nakahanda. Kumuha ako ng dessert para magkaroon ako ng energy ngayong araw lalo at may activity kami. Ginandahan ko ang pag-ayos ng mga sweets sa aking plato, kaya hindi ko na napansin ang paglapit ng lalake sa akin. "You're so jumpy. Avoiding me?" Hindi ako umimik. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. "If you think I'll leave you alone while you're here, you're wrong. You left that morning and left me with only five thousand pesos." Nakanganga akong tumingin sa kaniya. Only? Ano'ng ibig niyang sabihin sa only? "You've insulted me. Woman, I'm not worth five thousand only." Inikot ko ang aking mga mata. Suko na ako sa pagpapanggap kahit hindi siya naniniwala na hindi ko siya maalala. Nakakainis siya, e. "Kulang iyon." "Pang-five thousand ka lang. Huwag ka ngang choosy. Pasalamat ka nga iniwanan pa kita ng pera." He laughed. Tuwang-tuwa ang itsura niya. And then he stopped laughing. Hinimas niya ang kaniyang baba, baba na as in chin. He smirked. "Kulang pa din iyon." Para tantanan niya ako, tinanong ko kung magkano. "Magkano ba ang kailangan mo?" Ang kapal ng mukha, siya nga itong may utang sa akin. But anyway hindi naman niya kasalanan na may nabuo. That's my fault. But that's okay. Hindi ko naman pinagsisihan ang gabing iyon, pati na din ang pagdating ng anghel na dahilan kung bakit ako ngayon masaya na nagpapatuloy sa buhay. "Name it." Siguro naman sapat na ang ten thousand. Kapag ayaw pa din niya bahala na talaga siya. Titiisin ko na lang siya ng ilang araw. Dalawang araw pa aalis na din na kami dito. He smirked. I rolled my eyes. "Ano?" naiinip na tanong ko, but then napatingin ako sa likuran namin. May pila na pala. Nauna na ding tumalikod ang lalake. Naiwan naman akong inis na inis. Dumating na ang kausap ng mga boss namin, kaya hinayaan nila kami na mag-enjoy sa mga activity dito sa resort. Pagkatapos naming sumakay sa banana boat, nag-aya naman sila na sumakay sa jet ski. "Kayo na lang muna!" sabi ko sa kanila, dahil nakita ko ang magaling na lalake sa may pampang. Umiinom ng buko juice habang nakangisi na nakatingin sa akin. He's making me uncomfortable. Nang makaalis ang mga kasama ko, lumapit na din sa akin ang lalake. "You want?" tanong niya. Inaabot niya sa akin ang buko. Umirap naman ako. "Ano ba ang kailangan mo sa akin? Huwag mong sabihin na tumambay ka lang dito dahil feel mo..." Ngumisi siya. "Maniningil ako." "Sabihin mo kung magkano, para matapos na ang usapan na 'to. Tapos huwag mo na akong malapit-lapitan." Napanganga naman ako. Hindi makapaniwala sa sinabi niya. Did I hear it right? "You're just bluffing, right?" Marahan siyang umiling. "Hindi puwede!" "Iyon lang ang gusto ko. Ayaw ko ng pera mo. I'm sure you don't have enough money to pay me the right price." "That will never happen." "Hmmm... I guess, you'll always see me around." "That's harassment," naiinis kong sambit pero umiling siya. Ngumuso siya. Sinipsip niya ang straw na para bang nang-aasar. Inikutan ko naman siya ng mga mata. "Kung bored ka lang, ang daming babae diyan." "Ikaw ang gusto ko," diretsahan naman niyang sagot. Why me? "Bakit ako?" Mas madami namang di hamak na mas maganda at mas sexy na babae kaysa sa akin. Hindi naman siguro siya bulag. "Ikaw ang gusto ko, e. And besides, we have an unfinished business. You owe me." "Bahala ka diyan. Hindi iyan mangyayari. Hindi na mauulit ang nangyaring iyon." "Hmmm, why?" "Dahil ayaw ko! Umalis ka na nga! You're presence is making me sick!" "Woah! You're the first woman to tell me that." Ginalaw ko ang ulo at pairap siyang tiningnan. Iniwan ko siya dahil nakita kong pabalik na ang mga kasama ko. Baka mamaya kung ano pa ang isipin nila sa akin. Baka isipin nila na nakikipaglandian ako, na may pasabi-sabi pa ako na hindi kasama sa priority ko ang paghahanap ng jowa, tapos heto ako at ine-entertain 'tong si Mr. hot. Or baka iba pa ang isipin nila, kasi sino ba naman ako, di ba? Kayang-kaya niyang kumuha ng ibang babae, na di hamak naman na mas better sa akin. IT'S LUNCH TIME. Dahil ilang oras kami sa arawan, sa buffet kami kumain para may aircon. "Ano na naman?" mahina ngunit may inis na tanong ko sa lalake. Bigla na lang na naman sumulpot. "Seven pm tonight at my hotel room." Nanlaki ang mga mata ko. "No," matigas kong sagot. Sinusubukan ako ng lalakeng 'to, huh. Akala siguro niya easy to get ako. Pwes! Noon iyon, hindi na ngayon. Iniwan ko na siya dahil puno na ang plato ko. Bumalik ako sa mesa namin. Napansin ko ang mga kasama ko na nakanganga habang nakatingin sa akin. "Girl, ang haba ng hair mo." "Sus! May tinatanong lang sa akin. Familiar daw mukha ko. Baka nakita na niya ako dati sa dati kong work." Parang hindi naman sila naniniwala sa akin, pero hindi ko na dinagdagan pa ang sinasabi ko. Pagkatapos kumain, nag-ikot ikot kami at kumain ulit. Lahat ng mga pagkain na bago sa amin ay sinubukan namin. Hanggang sa umabot na ng hapon. Hindi pa bumabalik sina boss. Baka bukas na mag-resume ang ibang activity namin. It's already five in the afternoon. Nakaupo kami sa dalampasigan at naghihintay sa paglubog ng araw. Kumuha kami ng ilang pictures bilang remembrance. Ang ibang kasama namin ay nakikihalubilo sa ibang turista. Ang iba ay nag-a-afam hunting naman. "Mag-restroom lang ako," paalam ko nang hindi ko na talaga mapigilan ang tawag ng kalikasan. Pumasok ako sa restaurant na malapit para makigamit ng restroom. Paglabas ko, nadatnan ko ang lalake na naghihintay. "Hindi ka ba talaga titigil?" may yamot sa boses na tanong ko. "No," sagot naman niya. "Hindi ako pumapayag sa gusto mo. Nagsasayang ka lang ng oras sa akin." "Let's see about that," sabi naman niya. Malakas ang tiwala sa sarili niya, pero hindi. Hindi niya ako mauuto. Abangan niyang malasing ako, pero malabong mangyari iyon dahil hinding-hindi na ako iinom. "My hotel room number is 318. Maghihintay ako," sabi niya bago kumindat at umalis. I scoffed. Sa ibang babae magagawa niya iyan, pero sa akin, hindi. Maaga kaming kumain ng dinner dahil napagod talaga kami. Plano naming magpahinga na muna ngayong gabi at bukas na lang ng gabi lumabas para mag-bar. Nakaligo na ako at nagpapahid na ng night cream nang may mag-door bell. Nakahiga na ang iba kong kasama, kaya ako na lang ang tumayo para tingnan kung sino ang tao na nasa pintuan. Baka sina boss... Pero laking gulat ko nang makita ko ang lalakeng nakangisi sa labas ng pintuan. Nanlalaki ang mga mata mo, habang cool na cool naman siyang nakasandal sa dingding. Guwapo nga pero nakakabanas naman. "Sino iyan, Beryl?" tanong ng kasama ko, kaya nataranta akong nagsarado ng pinto. "Wrong door," sabi ko. "Ah...May bibilhin lang pala ako," sabi ko. Dinampot ko ang bag ko sa gilid. Pero bago pa ako makalabas, tumunog na naman ang doorbell. Hindi ko na nakita ang nagtatakang reaksyon ng mga kasama ko. "Ano ba?!" inis kong sabi sa lalake na mayroong satisfied na ngiti sa labi. Hinawakan niya ang bewang ko pero hinampas ko ang kamay niya. Sumakay kami sa elevator. "Mag-uusap lang tayo pero hindi natin gagawin ang gusto mo!" sabi ko sa kaniya, pero nakakalokong ngisi lang ang binigay niya sa akin. Nakarating kami sa third floor. Naghilaan pa kami papunta sa kaniyang hotel room. Hinihila niya ako papunta sa pintuan niya, habang hinihila ko naman siya sa may lounge na nasa dulo. "Ano ba?! Hoy!" sigaw ko nang basta na lang niya akong buhatin. Para akong isang sakong bigas na walang kahirap-hirap niyang sinampay sa kaniyang balikat. "Ibaba mo ako!" reklamo ko pero sa loob na ng suite niya ako binaba. Napasinghap ako nang makita ko ang loob ng suite. Gaano ba kayaman ang lalakeng 'to? Mahal ang per night dito. Mayayaman lang ang makaka-afford nito. "You want a drink?" alok niya. Lumapit siya sa may bar counter at nagsalin ng alak. "Kumain ka na ba?" "Hindi ako sumama sa'yo para mag-inom at kumain," sabi ko habang nakapamewang. "Chill, we'll get there." Namula ang mukha ko sa inis at galit. "That's not what I meant! Hindi na mauulit ang nangyari ng gabing iyon! Nandito ako para bayaran ka! Magkano ba ang gusto mo?!" Tumawa siya. "Hindi mo ako kayang bayaran," sabi niya. Lumapit siya sa akin. Inabutan niya ako ng isang baso ng alak. Pero hindi ko tinanggap. "Hindi ka malalasing diyan," sabi niya. Tinanggap ko pero binaba ko din agad sa mesa. Tumabi siya sa akin kaya umusod ako hanggang sa nadikdik na ako sa dulo ng couch. "Ano ba?!" Natigilan ako nang haplusin niya ang pisngi ko. Para akong nakuryente sa mabining pagdampi ng kaniyang balat sa aking pisngi. "W-What are you doing?" kinakabahan kong tanong. Titig na titig siya sa akin at hindi ako komportable. Self, huwag kang marupok. Tumaas ang magkabilang sulok ng kaniyang labi. "Do you have a boyfriend?" magaspang ang boses na tanong niya. Sumimangot ako. "Hindi ka pa naka-move on sa ex mo na iniyakan mo ng gabing iyon?" Hindi ako sumagot. "O nakipagbalikan ka sa kaniya?" Sumama ang timpla ng aking mukha. He chuckled upon seeing my reaction. "So, you're single now, huh?" Tumayo ako. "Inaantok na ako," sabi ko. "Subukan mong magpunta na naman sa hotel room ko, i-re-report kita sa security." Sexy siyang tumawa. "Matutulog na ako. Huwag mo na ulit akong guguluhin!" banta ko habang nakaduro sa kaniya. "Dito ka na lang matulog," he offered. "No thanks!" Nakalabas na ako ng suite niya nang sumunod siya. "Saan ka pupunta?" "Susundan kita. Hindi pa tayo tapos mag-usap." "Ano ba talaga ang gusto mo sa akin, huh?!" "Alam mo kung ano ang gusto ko," nakangisi niyang sagot.

📖HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG📖I-click para Magbasa👉

A wonderland for all kinds of book lovers; Embrace a whole new world of gripping stories.

LEARN MORE
🪄Crush AI

Like this ad? Make it yours.

Crush rebuilds this exact creative around your product — your brand, your colors, your offer — in about a minute.

More ads from Dreamereads02

Dreamereads02Dreamereads02
Active
155 Days
-Reach
2Ads
Dreamereads02 Facebook ad
Details
Dreamereads02Dreamereads02
Inactive
5 Days
113Reach
2Ads
Dreamereads02 Facebook ad
Details
Dreamereads02Dreamereads02
Active
162 Days
915Reach
2Ads
Dreamereads02 Facebook ad
Details
Dreamereads02Dreamereads02
Active
160 Days
328Reach
1Ads
Dreamereads02 Facebook ad
Details
Dreamereads02Dreamereads02
Inactive
3 Days
37Reach
Dreamereads02 Facebook ad
Details
Dreamereads02Dreamereads02
Inactive
5 Days
301Reach
Dreamereads02 Facebook ad
Details
Dreamereads02Dreamereads02
Inactive
5 Days
19Reach
Dreamereads02 Facebook ad
Details
Dreamereads02Dreamereads02
Inactive
5 Days
119Reach
Dreamereads02 Facebook ad
Details
Dreamereads02 Ad — Ran 5 Days | Crush Ad Library