Skip to content
Unearth The Truth

Unearth The Truth Facebook ad: “MGA RESIDENTE SA BROOKE'S POINT, NANANAWAGANG IMBESTIGAHAN…”

Unearth The Truth Facebook ad: MGA RESIDENTE SA BROOKE'S POINT, NANANAWAGANG IMBESTIGAHAN…

Ran for 2 days, from June 28 to June 30, 2026, the last day Crush saw it.

Run by Unearth The Truth on Facebook. Crush is not the advertiser and does not verify its claims. See this ad in Meta's Ad Library(opens in a new tab)

Want an ad like this for your product?

Crush makes new ad images for your product from this ad: your logo, your product photo, your offer.

Trials from $19.95 USD, then $79.95 USD a month. Cancel anytime.

About this ad

Meta Ad Library ID
1325530826387003
Platforms
Facebook
Relaunches
0

How we count

Ad text

MGA RESIDENTE SA BROOKE'S POINT, NANANAWAGANG IMBESTIGAHAN ANG UMANO'Y PAGRE-RECRUIT SA MGA KATUTUBO UPANG SUMALI SA MAHARLIKA GROUP Nananawagan ang ilang residente sa mga awtoridad na magsagawa ng agarang imbestigasyon kaugnay ng umano'y pagre-recruit sa mga katutubo sa isang liblib na lugar sa Brooke's Point na iniuugnay ng ilang residente sa tinatawag na Maharlika Group. Ayon sa isang residente, tinatayang nasa 50 hanggang 80 indibidwal ang paulit-ulit na nakikitang nagtitipon sa loob ng isang bakurang lote sa Sitio Cabar, Barangay Aribungos, malapit sa daan patungong Sabsaban Falls. Batay sa mga ulat ng ilang residente, may mga katutubong umano'y inalok ng pera, lupa, at maging ginto kapalit ng pagsali sa naturang grupo. Sa ngayon, wala pang opisyal na beripikasyon mula sa mga awtoridad hinggil sa mga paratang na ito. Samantala, nauna nang nilinaw ng mga lider ng Indigenous Peoples sa Brooke's Point na hindi nila kinikilala ang grupong Lumad-Maharlika na iniuugnay sa mga aktibidad sa lugar. Ayon kay Indigenous Peoples leader Julhadi Titte, maging ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ay hindi kinikilala ang naturang grupo bilang kinatawan ng mga katutubo sa Brooke's Point. Sa isang liham na isinumite sa NCIP, kinondena ng mga lider ng Barongbarong, Ipilan, Calasaguen, Aribungos, Mambalot, at Maasin (BICAMM) ang umano'y pagpasok at pakikialam ng grupo sa mga komunidad ng mga katutubo. Binigyang-diin nila na ang mga hindi kinikilalang organisasyon ay hindi dapat manghimasok sa mga lupang ninuno at teritoryong saklaw ng mga lehitimong Indigenous Peoples. Naglabas na rin ng babala ang NCIP laban sa mga grupong gumagamit ng pagkakakilanlan ng mga katutubo upang manghikayat ng mga miyembro at magbigay ng mga pangakong wala umanong legal na batayan. Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa mga awtoridad kung ang mga indibidwal na namataan sa Sitio Cabar ay may kaugnayan sa Maharlika Group o kung may nagaganap ngang organisadong recruitment. Dahil dito, hinihiling ng mga residente ang agarang pagsisiyasat ng mga kinauukulang ahensya upang matukoy ang katotohanan sa likod ng mga ulat, mapanatili ang kapayapaan sa lugar, at maprotektahan ang mga komunidad ng mga katutubo laban sa anumang posibleng panlilinlang o iligal na aktibidad.

More from Unearth The Truth

See all Unearth The Truth ads
  • Unearth The Truth Facebook ad: CONGRESSMAN ACOSTA: LIBRENG KOLEHIYO, HINDI NA SUSTAINABLE

    Ran 2 days

  • Unearth The Truth Facebook ad: IPDO-BICAMM, PINAGTIBAY ANG PAGKAKAISA SA MGA KATUTUBO SA…

    Ran 1 day

  • Unearth The Truth Facebook ad: MAS MARAMING LUPA ANG NAIBALIK SA KALIKASAN KAYSA…

    Ran 4 days

  • Unearth The Truth Facebook ad: 150 MAG-AARAL SA BALABAC, NAKATANGGAP NG SCHOOL SUPPLIES…

    Ran 4 days

Similar ads in Travel & Events

See all Travel & Events ads