Skip to content
Unearth The Truth

Unearth The Truth Facebook ad: “CONGRESSMAN ACOSTA: LIBRENG KOLEHIYO, HINDI NA SUSTAINABLE”

Unearth The Truth Facebook ad: CONGRESSMAN ACOSTA: LIBRENG KOLEHIYO, HINDI NA SUSTAINABLE

Ran for 2 days, from July 9 to July 11, 2026, the last day Crush saw it.

Run by Unearth The Truth on Facebook. Crush is not the advertiser and does not verify its claims. See this ad in Meta's Ad Library(opens in a new tab)

Want an ad like this for your product?

Crush makes new ad images for your product from this ad: your logo, your product photo, your offer.

Trials from $19.95 USD, then $79.95 USD a month. Cancel anytime.

About this ad

Meta Ad Library ID
1358560342904811
Platforms
Facebook
Relaunches
0

How we count

Ad text

CONGRESSMAN ACOSTA: LIBRENG KOLEHIYO, HINDI NA SUSTAINABLE Nanawagan si 3rd District Palawan Rep. Gil Acosta Jr. na repasuhin ang implementasyon ng Free Tertiary Education Law, kasabay ng kanyang pahayag na hindi na umano sapat ang kasalukuyang pondo upang matugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga state universities, kabilang ang Palawan State University (PalawanSU). Ayon kay Acosta, isa sa mga pangunahing suliraning dapat tugunan ng bagong administrasyon ng PalawanSU ay ang kakulangan ng slots para sa mga bagong mag-aaral. Aniya, kailangan nang suriin ng pamahalaan ang umiiral na polisiya sa libreng kolehiyo dahil nahihirapan na itong masuportahan ng kasalukuyang badyet. Dahil dito, hinimok din ng mambabatas ang mga lokal na pamahalaan na maglaan ng mas maraming scholarship program upang makatulong sa mga estudyanteng hindi makapasok sa state university. Inihayag ni Acosta ang kanyang pananaw kasabay ng kanyang pagbati kay Dr. Venzon Limpiada na kamakailan ay itinalagang ikasampung pangulo ng PalawanSU. Umaasa siyang makapagdudulot ito ng positibong pagbabago sa pamantasan at makapagpapataas ng kalidad ng edukasyon para sa mga Palaweño. Ayon kay Acosta, matagal na niyang kilala si Limpiada at nakita niya ang dedikasyon nito simula pa noong empleyado ito ng PalawanSU. Kabilang din sa mga mungkahi ng mambabatas sa bagong pamunuan ng unibersidad ang pagtatayo ng Alumni House at isang Student Center upang higit na mapalawak ang mga serbisyong ibinibigay sa mga mag-aaral at nagtapos ng pamantasan. Samantala, sinabi rin ni Acosta na hindi siya pabor sa pagtatayo ng campus ng University of the Philippines sa Palawan. Aniya, kung magkakaroon man ng bagong campus ay haharap din ito sa parehong suliranin sa kakulangan ng pondo. Sa halip, mas makabubuti umanong palakasin at dagdagan ang suporta sa dalawang pangunahing pamantasan sa lalawigan. Hindi rin pabor ang mambabatas na ibalik sa mga kongresista ang pondo para sa scholarship program. Aniya, mas mainam na idagdag na lamang ang naturang pondo sa badyet ng mga unibersidad upang mas mapabuti ang kanilang pamamahala at mapalawak ang serbisyong naibibigay sa mga estudyante. Ang mga pahayag ni Acosta ay ibinahagi kasunod ng pagkakahirang kay Limpiada bilang bagong pangulo ng PalawanSU.

More from Unearth The Truth

See all Unearth The Truth ads
  • Unearth The Truth Facebook ad: IPDO-BICAMM, PINAGTIBAY ANG PAGKAKAISA SA MGA KATUTUBO SA…

    Ran 1 day

  • Unearth The Truth Facebook ad: MGA RESIDENTE SA BROOKE'S POINT, NANANAWAGANG IMBESTIGAHAN…

    Ran 2 days

  • Unearth The Truth Facebook ad: MAS MARAMING LUPA ANG NAIBALIK SA KALIKASAN KAYSA…

    Ran 4 days

  • Unearth The Truth Facebook ad: 150 MAG-AARAL SA BALABAC, NAKATANGGAP NG SCHOOL SUPPLIES…

    Ran 4 days

Similar ads in Travel & Events

See all Travel & Events ads