Skip to content
Unearth The Truth

Unearth The Truth Facebook ad: “MAS MARAMING LUPA ANG NAIBALIK SA KALIKASAN KAYSA…”

Unearth The Truth Facebook ad: MAS MARAMING LUPA ANG NAIBALIK SA KALIKASAN KAYSA…

Ran for 4 days, from June 21 to June 25, 2026, the last day Crush saw it.

Run by Unearth The Truth on Facebook. Crush is not the advertiser and does not verify its claims. See this ad in Meta's Ad Library(opens in a new tab)

Want an ad like this for your product?

Crush makes new ad images for your product from this ad: your logo, your product photo, your offer.

Trials from $19.95 USD, then $79.95 USD a month. Cancel anytime.

About this ad

Meta Ad Library ID
1908324739880645
Platforms
Facebook
Relaunches
0

How we count

Ad text

MAS MARAMING LUPA ANG NAIBALIK SA KALIKASAN KAYSA NAGAMIT: CITINICKEL, NAKAPAGREHABILITATE NG 681 EKTARYANG LUPAIN SA PALAWAN Ipinahayag ng Citinickel Mines and Development Corporation (CMDC) na nalampasan nito ang mga itinakdang rehabilitasyon sa loob ng sakop ng kanilang pagmimina sa mga bayan ng Narra at Sofronio Española sa Palawan. Ayon sa kumpanya, sa ilalim ng Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) No. 229-2007-IVB na sumasaklaw sa 2,176 ektarya, patuloy nitong ipinatutupad ang mga programa para sa pangangalaga ng kapaligiran at progresibong rehabilitasyon kasabay ng operasyon ng pagmimina. Batay sa pinakahuling environmental performance report ng CMDC, umabot lamang sa 40.23 ektarya ang kabuuang lawak ng lugar na nagamit para sa pagmimina. Samantala, nakapagrehabilitate naman ang kumpanya ng 681.75 ektarya sa pamamagitan ng reforestation, revegetation, at iba pang ecosystem restoration initiatives. Ibig sabihin, mas malaki ng humigit-kumulang 641.47 ektarya ang naibalik sa kalikasan kumpara sa lawak ng lupang nagamit sa operasyon ng pagmimina. Ipinakita rin ng datos na sa bawat isang ektaryang nagagamit para sa pagmimina, nakapagrehabilitate ang kumpanya ng tinatayang 3.07 ektarya ng lupa. Ayon sa CMDC, ito ay patunay ng kanilang patuloy na pagsisikap na maisakatuparan ang responsableng pagmimina at pangmatagalang pangangalaga sa kapaligiran. Bilang bahagi ng kanilang rehabilitasyon, nakapagtanim na rin ang kumpanya ng kabuuang 981,807 punla na layuning makatulong sa pagpapanumbalik ng mga kagubatan, pagpapalakas ng biodiversity, at pagpapaigting ng ecological resilience sa loob at paligid ng kanilang mga lugar ng operasyon. Patuloy ding sumusunod ang kumpanya sa mga environmental safeguard na nakapaloob sa kanilang Environmental Compliance Certificates (ECC Nos. 0707-016-2140 at 1006-0021), Strategic Environmental Plan (SEP) Clearances, at iba pang permit at regulasyong itinakda ng mga ahensya ng pamahalaan. Kabilang sa mga programang kanilang ipinatutupad ang tree replacement program, pagtatatag at pangangalaga ng mga nursery, earth-balling ng mga angkop na puno, at regular na monitoring sa mga rehabilitated areas upang matiyak ang matagumpay na pagpapanumbalik ng mga ito sa mahabang panahon. Ayon sa CMDC, hindi lamang pagkuha ng mineral ang saklaw ng responsableng pagmimina kundi pati ang pangmatagalang pangangalaga at pagpapanumbalik ng kalikasan. "Ang aming mga nagawang rehabilitasyon ay nagpapakita na nananatiling pangunahing prayoridad ng kumpanya ang pangangalaga sa kapaligiran at na maaaring magsabay ang pagmimina at ecological restoration kung ito ay maisasagawa nang responsable," pahayag ng kumpanya. Dagdag pa ng CMDC, patuloy silang nakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno, mga lokal na pamahalaan, host communities, at iba pang stakeholder upang matiyak na ang pagmimina ay isinasagawa nang naaayon sa mga umiiral na batas at may positibong epekto sa kapaligiran at komunidad. Sa pamamagitan ng mga programang ito, umaasa ang kumpanya na makapag-aambag hindi lamang sa lokal na ekonomiya kundi maging sa pangangalaga at pagpapanumbalik ng likas na yaman ng Palawan para sa mga susunod na henerasyon

More from Unearth The Truth

See all Unearth The Truth ads
  • Unearth The Truth Facebook ad: CONGRESSMAN ACOSTA: LIBRENG KOLEHIYO, HINDI NA SUSTAINABLE

    Ran 2 days

  • Unearth The Truth Facebook ad: IPDO-BICAMM, PINAGTIBAY ANG PAGKAKAISA SA MGA KATUTUBO SA…

    Ran 1 day

  • Unearth The Truth Facebook ad: MGA RESIDENTE SA BROOKE'S POINT, NANANAWAGANG IMBESTIGAHAN…

    Ran 2 days

  • Unearth The Truth Facebook ad: 150 MAG-AARAL SA BALABAC, NAKATANGGAP NG SCHOOL SUPPLIES…

    Ran 4 days

Similar ads in Travel & Events

See all Travel & Events ads