Unearth The Truth Facebook ad: “IPDO-BICAMM, PINAGTIBAY ANG PAGKAKAISA SA MGA KATUTUBO SA…”

Ran for 1 day, from June 29 to June 30, 2026, the last day Crush saw it.
Run by Unearth The Truth on Facebook. Crush is not the advertiser and does not verify its claims. See this ad in Meta's Ad Library(opens in a new tab)
Want an ad like this for your product?
Crush makes new ad images for your product from this ad: your logo, your product photo, your offer.
Trials from $19.95 USD, then $79.95 USD a month. Cancel anytime.
About this ad
- Meta Ad Library ID
- 1342670323923611
- Platforms
- Relaunches
- 0
- Niche
- Travel & Events
Ad text
IPDO-BICAMM, PINAGTIBAY ANG PAGKAKAISA SA MGA KATUTUBO SA PAGPAPATANGGAL NG BARIKADA SA SITIO LINAO Bilang bahagi ng kanilang layunin na mapanatili ang pagkakaisa ng mga katutubo at maitaguyod ang maayos na pamamahala sa loob ng kanilang kinikilalang ancestral domain, nagpasiya ang Indigenous Peoples Development Office ng Barongbarong, Ipilan, Calasaguen, Aribungos, Mambalot, at Maasin (IPDO-BICAMM) na ipatanggal ang barikadang nakatayo sa Sitio Linao, Barangay Ipilan, Brooke's Point. Ayon sa IPDO-BICAMM, ang kanilang naging desisyon ay isinagawa matapos ang ilang ulit na pagtatangkang maresolba ang usapin sa mapayapa at tradisyunal na pamamaraan, alinsunod sa Indigenous Peoples' Rights Act (IPRA) at sa mga kaugaliang sinusunod ng mga katutubo. Sinabi ng grupo na nakipagdayalogo sila kay Celso Paida upang makahanap ng mapayapang solusyon, subalit hindi ito nauwi sa isang kasunduan. Dahil dito, nagpasya ang mga lider ng BICAMM na alisin ang naturang barikada, na ayon sa kanila ay wala umanong legal na batayan at hindi naaayon sa mga umiiral na kasunduan sa loob ng kanilang ancestral domain. Binigyang-diin ng IPDO-BICAMM na ang Sitio Linao ay bahagi ng BICAMM Ancestral Domain na itinuturing nilang komunal na pag-aari ng buong pamayanang katutubo. Dahil dito, ayon sa grupo, walang sinumang indibidwal, pamilya, o paksyon ang maaaring mag-angkin ng eksklusibong pagmamay-ari o kontrol sa lugar. Iginiit din ng samahan na ang kanilang hakbang ay nakaangkla sa Memorandum of Agreement (MOA) na pinagtibay ng mayorya ng mga katutubo, kasama ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), ang proponent ng proyekto, at iba pang lumagda sa kasunduan. Ayon sa IPDO-BICAMM, ang kanilang pangunahing layunin ay mapanatili ang kapayapaan, pagkakaisa, at paggalang sa mga napagkasunduang proseso sa loob ng ancestral domain, habang pinangangalagaan ang karapatan ng buong komunidad ng mga katutubo. Sa huli, nanawagan ang mga lider ng BICAMM sa lahat ng sektor na pairalin ang bukas na pag-uusap, paggalang sa umiiral na mga kasunduan, at sama-samang pagkilos upang maisulong ang pangmatagalang kapayapaan, pangangalaga sa kalikasan, at pag-unlad ng mga komunidad ng katutubo sa Brooke's Point.











