

Active· since Feb 10, 2026
- 168
- days running
- 0
- relaunches
Ad copy
‘HINDI KO ALAM ANO STANDARD NIYA’ Kinuwestiyon ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela ang pinagmulan ng “galit” diumano ni Sen. Alan Peter Cayetano sa kanya gayung nanungkulan siya sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. “Hindi ko ma-gets kung anong galit niya du’n sa caricature, pero when was the last time he expressed such passionate statement against the People’s Republic of China?” wika ni Tarriela sa isang panayam sa ‘Unang Balita’ ng GMA News ngayong Martes, Pebrero 10. “Hindi ko alam kung anong standard ni Senator Cayetano with regard to China, ano ang standard niya noong siya ang SFA, na minumura ng dating presidente natin ang ibang tao?” aniya pa. Matatandaan na dati nang minura ni Digong si dating US President Barack Obama sa isang press conference noong Setyembre 2016 sa mga katanungan hinggil sa posibilidad na banggitin ni Obama ang tungkol sa extrajudicial k!ll1ngs sa war on drvgs campaign niya. (via Jilliane Libunao) #PilipinasToday #PCG #CommodoreJayTarriela #AlanPeterCayetano #WestPhilippineSea
Like this ad? Make it yours.
Crush rebuilds this exact creative around your product — your brand, your colors, your offer — in about a minute.






