

Inactive· since May 7, 2026
- 10
- days it ran
- 0
- relaunches
Ad copy
Pinuri ni Sen. Loren Legarda ang Pinoy Girl group na BINI matapos itong maging kauna-unahang Filipino act na nagtanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival. Sa kanyang co-sponsorship speech para sa Senate Resolution No. 370, sinabi ni Legarda na hindi lamang tagumpay ng Original Pilipino Music ang achievement ng grupo kundi patunay rin na kayang makilala sa buong mundo ang talento, sining, at kultura ng mga Pilipino. Binigyang-diin din ng senator na naging inspirasyon ang BINI sa kabataang Pilipino dahil ipinakita umano ng grupo na sa sipag, creativity, at pagkakaisa ay posibleng maabot ang pinakamalalaking entablado sa mundo. Binanggit din niya ang ilan sa hit songs ng grupo tulad ng “Salamin, Salamin” at “Karera” bilang simbolo ng kanilang mensahe ng identidad at pangarap para sa kabataan. #PilipinasToday #LorenLegarda #BINI #SenatePH #PilipinoIndustry
Like this ad? Make it yours.
Crush rebuilds this exact creative around your product — your brand, your colors, your offer — in about a minute.






