Unearth The Truth Facebook ad: “KULANG ANG MGA PAMANTASAN SA PALAWAN, MGA OPISYAL…”

Ran for 1 day, from June 16 to June 17, 2026, the last day Crush saw it.
Run by Unearth The Truth on Facebook. Crush is not the advertiser and does not verify its claims. See this ad in Meta's Ad Library(opens in a new tab)
Want an ad like this for your product?
Crush makes new ad images for your product from this ad: your logo, your product photo, your offer.
Trials from $19.95 USD, then $79.95 USD a month. Cancel anytime.
About this ad
- Meta Ad Library ID
- 1038218048878807
- Platforms
- Relaunches
- 0
- Niche
- Travel & Events
Ad text
KULANG ANG MGA PAMANTASAN SA PALAWAN, MGA OPISYAL NAGHAHANAP NG SOLUSYON SA MATAGAL NANG SULIRANIN Muling nabuksan ang usapin sa kakulangan ng slot sa mga pampublikong unibersidad sa Palawan matapos maghain ng iba't ibang panukala ang ilang opisyal ng lalawigan upang matugunan ang lumalaking bilang ng mga kwalipikadong estudyanteng hindi nakakapasok sa kolehiyo. Kabilang sa mga mungkahi ang kahilingan ni Board Member Anton Alvarez na magkaroon ng campus ang University of the Philippines (UP) sa Palawan, habang nais naman ni Board Member Winston Arzaga na madagdagan ang bilang ng mga state universities at colleges sa lalawigan. Iminungkahi rin ni Board Member Ryan Maminta na dagdagan ang pondo ng Western Philippines University (WPU) at Palawan State University (PalSU) upang mapalawak ang kanilang kapasidad, makapagpatayo ng mga bagong pasilidad, at makatanggap ng mas maraming estudyante. Ayon sa mga tagamasid, hindi na bago ang problemang ito. Taun-taon, libu-libong kabataang pumapasa sa mga entrance examination at kwalipikadong mag-aral sa kolehiyo ang hindi natatanggap dahil sa kakulangan ng silid-aralan, pasilidad, guro, at pondo. Sa kabila nito, matagal umanong napag-iiwanan ang pagpapalakas ng mga institusyong pang-edukasyon kumpara sa mga programang mas madaling makita at maramdaman ng mga botante. Para sa ilang sektor, panahon na upang pagtuunan ng pansin ang mga pangmatagalang solusyon kaysa sa mga programang panandaliang nakapagbibigay ng kasiyahan. Giit nila, ang pagtatayo ng mas maraming paaralan, pagpapalawak ng mga unibersidad, at pagdaragdag ng oportunidad sa edukasyon ay mga pamumuhunang makikinabang hindi lamang ang kasalukuyang henerasyon kundi maging ang mga susunod pang mga Palawenyo.











